Mga Pahina

Biyernes, Pebrero 27, 2015

Mashup at Cover.


Ika-27 ng Pebrero, 2015
Biyernes, 3:10 ng hapon


            Kanina, habang nagyu-youtube (pwede na pala gamitin na verb ang youtube lol), nakita ko na may cover na rin pala ang Boyce Avenue ng most requested song ngayon sa radyo na “Thinking Out Loud” ni Ed Sheeran. Bago pa lang ang video, nakalagay ay ‘4 days ago’ pero lampas 1 million views na.

            Masyado na ata akong pamilyar sa boses ng Boyce Avenue, kaya bago ko klinick ang video, ni-rehearse ko muna (sa aking isip hahaha) kung paano kaya ito kakantahin ng lead vocalist na si Alejandro… nung na-imagine ko na yung istilo at tunog ng boses niya, saka ko pinanuod ang video…

            …nasabi ko na lang – “Ay badtrip! Ganun nga!”

            Di man lang ako nasurpresa. Mas may surprise / gulat / at saya factor pa tuloy yung mash up ng Thinking Out Loud (Ed Sheeran) at I’m Not the Only One (Sam Smith) na ginawa nila Sam Tsui at Casey Breves (pero sa gitnang part lang naman ng mash up ako nasiyahan, napaka-demanding ko sa music lols).
           
Pero sige fan pa rin naman ako ng grupo hehehe.

            Narito ang mga link:



            TGIF!


Miyerkules, Pebrero 25, 2015

"the question is..."


Ika-25 ng Pebrero, 2015
Miyerkules, 7:55 ng gabi



            Natuwa lang ako.
            Nung nabasa ko ang linya sa libro.
            Kaya ginuhitan ko gamit ang highlighter pen.

            Tama ang nasa caption ng larawan.
            Ang tanong sa ating mga sarili ay dapat na “Can I do it?”
Kaysa “Are others better than I am?”

            Pinaalala nito sa akin ang isang linya mula sa Desiderata,
            Ang sabi –
            “for always there will be greater and lesser persons than yourself.”

            Kaya kalma lang.
            May kani-kaniya tayong kakayahan.
            Magdiwang! Lahat tayo ay may lugar under the sun.
           
            Hehehe…
            Minsan ang buhay, parang ako.
            May topak. Wala sa sariling elemento.
           
            Buti na lang kahit paano,
            Umaambon ng kaunting inspirasyon.

            Hay naku. Lols.


Biyernes, Pebrero 20, 2015

"…oo na, isa lang ito sa mga kababawan ko."


Ika-20 ng Pebrero, 2015
Biyernes, 6:09 ng gabi


            Sa umaga, tuwing sasakay ako ng LRT, lagi akong nakaharap sa bahagi kung saan sumisikat ang araw. Yung damang-dama ko yung liwanag na tumatagos sa loob ng tren. Nagpapapikit saglit sa aking mga mata. Banayad na dumadampi sa aking pisngi at iba pang bahagi ng balat. Pagkasilaw sa malumanay na paraan. Maginhawang pakiramdam habang bahagyang nasisikatan.

            Kulay orange hanggang sa matingkad na dilaw ang paligid. Pumuporma ang anino ng mga bagay na against the light / sikat ng araw. Pang-pictorial ang effect.

            Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam!

            Lagi kong inaabangan ang tagpong ito…
            …oo na, isa lang ito sa mga kababawan ko. Lols.


Sabado, Pebrero 7, 2015

“Kati-kati”


Ika-07 ng Pebrero, 2015
Sabado, 8:45 ng gabi


            Umaga.
            Mahangin at malamig.
            Sa loob ng jeepney.

            Si ‘ateng’
            Nakalugay ang buhok
            Sa aking tabi.

            Lumilipad.
            Humahampas
Ang kanyang ‘long hair’
            Kasabay ng hangin.

            Ang saya-saya!
            Ang kati-kati!

            Ng aking braso
            At pisngi.


            “Kati-kati”
            (eksena sa jeepney)


Biyernes, Pebrero 6, 2015

"...leeg and balut."


Ika-06 ng Pebrero, 2015
Biyernes, 8:34 ng gabi


            My mudra knows that I love eating ‘leeg’ (chicken neck) and ‘balut’.

            One time, nakailang akyat-baba na ako sa hagdan para lang tanungin siya kung nakita niya na bang dumaan yung nagtitinda ng balut. Gustuhin ko mang kumain ng balut nung gabi na yun, hindi nangyari dahil di na bumalik yung lalaking naglalako, in other words, nabigo ako sa hangarin kong makakain ng balut.

            Pero, nung sumunod na gabi, bigla na lang pumasok si mudra sa aking kwarto pa lang sabihin na –

            “Hi! (in a very awkward tone hahaha)…
            …kumain ka na, nakabili ako ng balut at chicharon!”

            I was surprised nung gabing iyon. Ni hindi ko nga narinig yung boses nung nagtitinda ng balut, tapus meron siyang nabili. And so, masaya akong kumain nung gabi na yun hehehe.

            Nitong mga nakalipas na araw, bumabalik na naman ang pagkatamlay ko kumain sa gabi. Hindi ko alam kung bakit. Katulad ngayon, hindi na dapat ako kakain pa ng hapunan kasi nga wala naman akong gana. And as usual, sa mga di ko ini-expect na pagkakataon, ay bigla na lang sumusulpot si mudra sa aking kwarto hahaha. Pasado alas-otso na kasi at hindi pa ako bumababa para kumain, kaya siguro sinadya na niya akong akyatin –

            “Di ka pa kakain?...
            …kumain ka na. Bumili ako ng manok.”
(na ginagawa niya kapag tinamad siyang magluto lol)

            “…may ‘leeg’ dun dalawa, kainin mo.”
(ending it with a smile na hindi ko mabatid kung inaasar ba niya ako o sarcastic or whatever hahaha)

            Kaya naman napakain ako ngayong gabi.

            And I really don’t know why I have to blog about this. Na feeling ko, hindi naman ito ikatutuwa ng mundo, or ikaaasenso ng maraming tao lol.

            Ang alam ko lang, when life seems to be as ‘life’ itself (basta ganun hahaha)… bigla ko na lang naa-appreciate ang kung anong meron sa life ko na ito.

            Hay naku…

            Hehehe.


Huwebes, Pebrero 5, 2015

"kanser to the moon..."


Ika-05 ng Pebrero, 2015
Huwebes, 2:51 ng hapon


Kanina habang nanunuod ng “It’s Showtime” with mudra:

            “Uy, nabalitaan mo ba yung kay ano…
            …yung Jamich yung may kanser,” bulalas ni mudra.

            “Oh bakit?” sabi ko.

            “Yung may kanser to the moon… ay to the bones ba yun?
              Yung kumakanta, yung nagri-record sa youtube!"

            Hay naku… Sino ba talaga tinutukoy mo mudra?
            Laughtrip na naman ako hahaha.


 
"Walang kinalaman ang larawan...
...gandang-ganda lang sa sariling sulat. Lol."

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...