Mga Pahina

Huwebes, Enero 29, 2015

Puno ng dalamhati ang araw na ito. #SAF44


Ika-29 ng Enero, 2015
Huwebes, 7:52 ng gabi


            Ang paniniwala
            At pananampalataya

            Ay hindi basehan
            Para pumatay ng kapwa.

            Ang pagkitil ng buhay
            Ay hindi isang patunay

            Ng paniniwala
            At pananampalataya.


x-o-x-o-x


            Nakalulungkot naman ang nangyari sa Mamasapano.
            Nakaka-disappoint na hindi man lang nakadalo si Pnoy sa arrival honors ng mga nasawing miyembro ng PNP-SAF. #NasaanAngPangulo


Miyerkules, Enero 28, 2015

"BACK AND FORTH..."


Ika-28 ng Enero, 2015
Miyerkules, 2:26 ng hapon


            Nakasabay ko si ‘ate’
            Sa photocopyhan (o xeroxan).

            Ang sabi…

            “Pa-photocopy nga,
            BACK AND FORTH…”

            J

            Buti na lang naka-poker face ako kanina.
            Basta, peyborit ko pa rin ang hopia.

            


Huwebes, Enero 15, 2015

ALAALA


Ika-15 ng Enero, 2015
Huwebes, 3:48 ng hapon


            Lumilipas ang mga alaala.
            Naglalaho.
Nabubura.

Tulad ng isang ideya,
Habang tumatagal
Ay di na maipipinta.

Mayroon din naman

Mga alaalang di kumukupas.
Nagtatagal.
Di napapagal.

Tulad ng sa pag-ibig,
Malambing na tinig.
Walang wakas na himig.

            Dumaan man ang panahon

Isip man ay makalimot,
May mga alaalang sa puso'y
Nanunuot.


            “Alaala”
            ( Ang inspirasyon sa pagsulat ay mula sa blogpost na “RIP Tatay Herb” ni Hi! I’m Lili!)

Lunes, Enero 12, 2015

PILA


Ika-12 ng Enero, 2015
Lunes, 7:59 ng gabi


            Di sinasadyang sa pag-atras ko’y
            Natapakan ko ang iyong paa.
            Isinenyas mo ang iyong kamay,
            Na nangangahulugang ‘okay lang’.

            Sayang…
            Sana pala idiniin ko na.
            Okay lang naman pala.
            Hahaha!


            “Pila”
            (eksenang pang-jeepney)


Lunes, Enero 5, 2015

"...di lahat ng ‘taken’ na ay masaya."


Ika-05 ng Enero, 2015
Lunes, 2:45 ng hapon

Shrine of Our Lady of Grace - Caloocan.

            1. May panahon para ayusin ang mga bagay sa buhay mo.
            2. You only live once… be happy! You deserve to be the best!
            3. Kung may nakikita kang kulang sa buhay mo, aksyunan mo agad ito.
            4. Ang relasyon ay pinagtitibay, hindi pinagsasabay-sabay.
            5. Move on!

            Kahapon… araw ng linggo.       

Nagbalik ako sa simbahan kung saan pinakauna akong nakapagsimba. Maraming nagbalik na alaala. Ganoon pa rin ang itsura. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong pumunta sa simbahan. Limang bagay ang aking natutunan…

            Animo’y base sa sarili kong karanasan ang mga napulot na aral.
            Maliban lamang sa pang-apat… Di bale na…
            Sabi naman ni father, di lahat ng ‘taken’ na ay masaya. Hahaha.
           
            Isa akong ampalaya. Lol.


Biyernes, Enero 2, 2015

Ngiti :)


Ika-02 ng Enero, 2015
Biyernes, 12:05 ng hating gabi


            Ang kumain ng ‘tuyo’ matapos ang handaan…
            Ang makipag-kwentuhan at makipagtawanan kila ate at mudra
            Ang makapag-selfie ng nakangiti sa bugnutin at iyakin na pamangkin…


            …tatlo lamang sa mga bagay na okay na para sa akin sa unang araw ng Enero 2015!


            
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...