Mga Pahina

Biyernes, Oktubre 24, 2014

TICTAC


Ika-23 ng Oktubre, 2014
Huwebes, 4:34 ng hapon


            Malamig sa faculty kaninang umaga (pasado alas diyes ang oras) habang nagri-record ako. Mahina lang naman ang aircon sa faculty pero nakadagdag sa lamig ang medyo maulan na panahon.

            Ang lamig.

            Pati mga tao sa paligid ko, ang pakiramdam ko sa kanila ay malamig.

            May ilan na maaari kong lapitan para kausapin o makipag-chikahan pero mas pinili kong maging busy sa aking ginagawa dahil naisip ko ‘pag umuwi na ako wala na akong magagawa ulit. Tamad.

            Medyo mahirap mag-focus kanina. Kayang kong i-record ang mga hawak kong papel, pero tumatagos ang tingin ko sa mga ito. Parang na-miss ko bigla yung mga dati kong kasama. Yung tipong kahit busy kami sa paggawa ay naisasabay pa rin namin ang daldalan. Ngayon kasi napaka-objective ng mga pakikipag-usap ko. Opinionated naman akong tao, pero hindi ko magawang maitapon ang interes ko sa kanila. May iilan na pwede pero pinili ko ngang mag-busy-busyhan. Ayoko ng small talk.

            Pareho lang naman de-aircon ang faculty na pinanggalingan ko noon at sa ngayon. Pero mas nanunuot ang lamig sa ngayon. Ang emo ko lang.

            Sa dati kasi para kaming mga immatured na nilalang hahaha. Kapag bumanat ng joke ang isa pwede maki-ride on ang lahat, havey man o waley ay keri pa rin!

            Yung makipaglaitan na nakaka-engganyo na manlait pa lalo. Pero walang nasasaktan, may napipikon lang hahaha. Sa mga kasama ko noon inaabangan ang kakaiba / maling pagbigkas ng mga salita, at automatic word of the day na yan! Kaya ingat na ingat kami sa pagsasalita lalo na kung ingles, dahil di ka pwedeng mag-explain o magdahilan, matinik ang pandinig nila hehehe.

            Mas naa-appreciate kong lalo ngayon ang mga foodtrip namin dati ng mga kasama ko. Damang-dama ko na yun talaga ang bonding namin, at hindi para may mai-post sa nakakaumay na fb hahaha. Ngayon kasi, nabababawan ako sa mga sinasamahan kong ‘foodtrip thing’ kasi wala ata na hindi nai-post sa fb, pakiramdam ko – “Yung totoo, bonding o picture? Hindi pwedeng both.” Lol. Nalalabnawan ako sa bonding. Pakiramdam ko mas nananaig sa kanila na may maipakita sa fb kaysa namnamin yung moment na magkakasama kami. Di tulad ng mga kasama ko dati, kahit simpleng chicha lang, nanunuot sa pagsasalo namin ang samahan, kwentuhan at pati na okrayan hahaha.

            Ang tanging ikinasaya ko lang ay yung araw na sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian kasama ang ilang seasoned teachers. Gustong-gusto ko ang presensya nila (mga seasoned teachers), may calm and warm effect. Hindi ko alam kung bakit, basta ganun!

            Ilang araw na ang nakaraan, sakay ng mausok na jeep, bigla na lang naibulalas ni mudra

            “Bumabalik na yung kulay mo ah, hindi ka na maputla. Iniinom mo ba yung ferrous sulfate mo?”

            “Oo, di ba bumili ako nung nakaraan… araw-araw umiinom ako,” kahit di naman hahaha. Kung di pa nga niya nabanggit di ko maaalala, mabuti na lang nakapagpapa-pula ng kulay ang masikatan ng araw (pati na rin ang mausukan).



Ang totoong mint flavored tictac (kaliwa),
at ang mga tableta ng ferrous sulfate (kanan)...
...na aking nilalaklak.
Reduce. Reuse. Recyle. Lol.

Miyerkules, Oktubre 22, 2014

"Bakit ang tahimik mo?"


Ika-22 ng Oktubre, 2014
Miyerkules, 5:19 ng hapon


            “Bakit ang tahimik mo?”

            Madalas itong itanong sa akin nung bata pa ako. Na pakiramdam ko ‘abnormal’ ba ako para tanungin ng ganitong tanong… kasi sa loob ko gusto kong sabihin na – “Bakit ikaw di naman kita tinatanong kung bakit ang ingay mo?” Lols.

            Naalala ko lang yung klasmeyt kong transferee noong 2nd year high school – si Rachel. Katabi ko siya sa upuan. Mas tahimik pa siya sa akin. Sa mga ganung pagkakataon, mas kaya kong maging maingay o makipag-usap sa mas tahimik pa sa akin. Alam ko kasi (o baka assuming lang ako hahaha) kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip o kung anong uri ng tao ang nasa loob ng ganung personality. In other words, nakaka-‘relate much’ ako. Kaya mas madali kong ma-approach yung mga kauri ko na tinatanong ng nakakainis na tanong na “Bakit ang tahimik mo?”

            Kaya tuwing first day of class, lagi ko na lang ini-introduce ang sarili ko bilang “timid and shy” para wala na magtatanong, pero di ata nila natandaan o naintindihan hahaha.

            Hanggang sa natutunan ko ang tungkol sa introvert and extrovert personality, na how I wish ay alam sana ng marami. Kasi lugi naman yung mga introvert… laging tinatanong ng “Bakit ang tahimik mo?” (paulit-ulit hehehe). Minsan nababansagan pa ngang anti-social.

            Nung high school at college, mahilig akong mag-sagot ng mga personality test kapag nagsu-surf sa internetand as always laging introvert ang interpretation sa mga sagot ko. And through further readings, research and study (wow meron?), mukhang akma naman talaga sa akin yun.

            Kaya naiintindihan ko ang tahimik kong mga estudyante. I know, maingay sa kanilang loob. Hindi dahil nasa loob ang kulo nila (na napaka-judgmental na idea), kundi alam ko na ang kanilang isip ay napupunta sa kung saan-saan, nakakapag-isip ng kakaibang mga ideya, may mga visions at may matinik na paraan ng pag-oobserve. I always like how the introvert people talk… because every word coming out from their mouth makes sense… you know hahaha. (effort maghalo ng english lols)

            I think yung mga kauri ko ay very particular sa details. Minsan nga habang kumakain kami ng mga kasama ko feeling ko nailalabas ko ang sarili ko sitwasyon, yung parang pinapanood ko lang sila. Kaya kong i-describe kung gaano ka kapangit ngumuya hahaha, kung gaano kaayus ka gumamit ng tinidor at kutsara, ang expression ng iyong mukha kapag nagsasalita o tumatawa, kung ano yun ginagawa ng iba habang nagkukwento ang isa, kung may tira pang pagkain sa plato mo, kung lagi ka bang nag-iiwan ng inumin sa baso, yung enjoy na enjoy kumain, yung kung anu-ano ang inihahalo sa pagkain, yung gusto pang kumain kahit tapus na siya hahaha, yung totoong tumatawa sa nakikitawa, yung nakakaintindi sa usapan at yung iba dedma na lang matatapos din ang topic na yan,  at kung anu-ano pa.

            Nung lumalaki na ako (parang hindi akma ang word na lumalaki haha), I feel annoyed kapag may nagtatanong sa akin ng “Bakit ang tahimik mo?”. Hindi ko kasi makita yung reason kung bakit iyon ay tinatanong pa; katumbas nung tanong na “Okay ka lang?” eh nakita mo na nga na hindi naman talaga siya okay. Whenever I feel comfortable sa mga kasama ko bigla na lang malakas na ang tawa ko o kaya ay marami na rin akong kwento. Hindi ko alam kung bakit ganun. Basta nangyayari na lang… at sa iilang grupo ng tao lamang. (choosy?)

            Oo, sabi ko sa mga estudyante ko importanteng tanong ang “Why?” lalo na sa science. Pero minsan ang mga taong nagtatanong ng “bakit?” ay nakakainis ng kaunti (dapat sana ang ilalagay ko ay magpaka-shunga ng kaunti haha, pero ayan na nailagay ko na rin naman), lalo na yung tanong na –

“Bakit ang tahimik mo?”

O baka… hindi ko lang din ma-gets ang tanong na iyon. Paki-explain lol.


Lunes, Oktubre 20, 2014

"...pagkatapos ng sembreak na ito, magpapakilala ulit ko."


Ika-18 ng Oktubre, 2014
Sabado, 4:32 ng hapon


            Isang grading period ko pa lang sila nakasalamuha, natuturuan at kinabubwisitan hehehe. At hindi naman siguro makatarungan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang aking pangalan o kahit pa ang tamang spelling nito.

            Matapos mangalay ng kamay ko kaka-check ng kanilang periodical test, natawa na lang ako sa sari-saring bersyon ng aking name. Narito –




            1. Jep BuendiaOo, ito ang nakalagay na panglan sa masking tape ko kaya siguro ito rin ang naisulat ng batang ito. Pero nakapa-close naman namin para gamitin niya ang Jep Buendia.

            2. Sir BindiyaParang binastos naman yung apelyido ko. Nasaan ang hustisya! Lols.

            3. Sir GuendiaLokohan na ito.

            4. Sir Gwendia AbuenAba, ako nga ba talaga ang teacher ng batang ito?

            5. Mr. Buendiyamalapit na maging Buwaya.




            6. Sir Jeffeto, close na close kami nito, Sir Jeff lang talaga.

7. Sir Buen Diatama na sana eh, may space pa.

8. Sir Vuendiasosyal, V as in victory.

9. Mr. Bendiyabastusan na talaga hahaha.

10. Sir Guindiahindi ko na ito maatim.

Ang sampung bersyon na yan ng aking panglan ay nanggaling lamang sa 2 out of 5 sections na hawak ko. Hindi ko na hinanapan pa ng ibang bersyon ang natitirang tatlong pangkat, dahil mukhang hahaba pa ang listahan.

Sige… sa umpisa ng 3rd quarter, pagkatapos ng sembreak na ito, magpapakilala ulit ko.

            Mabigyan nga ng plus 5 ang lahat ng tumama sa pangalan ko… in their dreams!


Sabado, Oktubre 18, 2014

ESSAY


Ika-18 ng Oktubre, 2014
Sabado, 10:29 ng umaga


            Nung huwebes, habang nag-iisa ako sa science room, nakaramdam ako ng pagkabagot sa pagtsi-check ng papel ng mga estudyante kong grade 7




            Natanong ko sa sarili – “Bakit ba kasi ako nagpapa-essay… dami ko tuloy babasahin.” Hindi naman sa nagrereklamo… nakakaumay lang magbasa hehehe. Natatakot din ako kung paano ko nagagawang intindihin ang kanilang mga sagot kahit pa mali ang grammar. Nababahala ako na baka masanay ako sa pag-intindi ng kanilang maling grammar sa ingles, baka ma-adapt ko hahaha. Kaya kapag nakakatapos akong mag-check ng kanilang mga essay, nagbubuklat ako ng ingles na libro para masabi o mapaalalahanan ko ang aking utak na ‘ganito’ ang tamang English lols.

            Bakit nga ba ako nagpapa-essay… pwede namang identification / true or false / multiple choice ang mga quiz ko. Hmmm… bukod sa paminsan-minsa lang naman ito…

            …siguro natutuwa lang ako kapag nakasasagot ng tama at nakapagpapaliwanag ng maayos ang mga bata. Yung tipo ng pagkaintindi sa lesson na hindi mababaw kasi nga mas may proseso ang pag-iisip ng sagot kapag essay type ang quiz. Saka, dun ko nakikita kung paano mag-isip ang isang chikiting. Meron kasing tahimik lang pero pag bumanat ng sagot sa essay ay tumpak! Meron namang maboka sa recitation pero pagdating sa pagsulat ng sagot sa papel ay gulo-gulo ang mga ideya, masabi lang na napuno ng sagot ang papel lols.

            Marami ring mga balakid para sa akin (bilang taga-check), bukod sa nakaka-lurkey na ingles, kaunti lang ang may maganda at maayos na penmanship tulad ng sa akin whahaha. Pero ang mahalaga, kahit parang pilipit na dila ang mga sagot nila, nakikita ko yung kanilang effort, na kung pwede lang nila ikuwento na lang sa akin yung kanilang sagot malamang mas napabuti pa ang aking buhay!

            At syempre hindi mawawala ang –

            “Sir, pwede tagalog?”

            “No.”

            “Taglish sir?”

            “No.”

            Oh di ba, tipid na tipid din ako sa sarili kong pag-i-ingles hahaha. Pa-NO NO na lang.

            “Sir, ano English ng ____ (salita o kaya minsan buong sagot na pinapa-english),”

            At ang tanging sagot ko lang ay…

            “Dami mo na tinanong sa akin, ako na kaya sumagot d’yan sa quiz mo. Kaya mo yan!”

            Hehehe… Hey buhay…


Linggo, Oktubre 12, 2014

Minsan, pwede na rin ang kahit na anong pamagat. Wala eh :)


Ika-12 ng Oktubre, 2014
Linggo, 7:10 ng gabi


            Nakagugulat naman yung biglang papasok si mudra sa kwarto ko (kani-kanina lang) para lang sabihin na “Hay naku Jep, maya-maya na kayo kumain. Hilaw pa yung sinaing ni Papa mo,”  sabay labas sa kwarto.

            Mabuti na lang hindi niya nakita yung pinagkakaabalahan ko sa netbuk

            …yung blog ko at blog hopping. Lols.

            Maulan ang panahon ngayon. Nakaka-miss yung nakakakilig na lamig sa paa kapag naka-tsinelas ka lang habang naglalakad sa basa at medyo maputik na daan. Yung kumukulubot na yung paa mo sa pagkabasa dulot ng lamig ng ulan.

            Hindi na ako makausad sa kwento ni Amapola

            …ilang araw ko na siyang nakakatulugan sa kama. Sana mamaya maumpisahan ko na ulit ang pagbabasa para ma-meet ko na ulit ang mga alter ego niya.

            Eh kasi naman… antukin at tulala.




Lunes, Oktubre 6, 2014

"...kahit walang popcorn at drinks."


Ika-05 ng Oktubre, 2014
Linggo, 11:55 ng gabi


            Nakaka-miss naman yung mga gabi na sama-sama kaming nanunuod ng tv. Si mudra, pudra pati na tatlo kong mga nakatatandang ate. Nung mga panahon na bata pa kami… nung ako pa ang pinaka-bunso sa lahat.

            Na mala-sinehan ang peg namin kahit walang popcorn at drinks. Walang nakasinding ilaw, tanging telebisyon lang, may nakalatag na banig at kumot habang tutok sa pinapanuod naming palabas sa tv, mapa-aksyon man o horror.

            Yung mga tagpo na hindi makakaangal kahit sino sa mga ate ko kapag nahihiga ako sa kanila (habang nanunuod), o kaya ay sinasandalan o sinsandayan ng paa hahaha, takot lang nilang mapagalitan ni mama, dahil ako ata ang pinaka-beybi noon.

            Syempre, sinasamantala ko na hahaha, dahil kurot at sabunot naman ang inaabot ko sa kanila kapag pinapakialaman ko ang mga papel at bolpen nila sa bag. Ako lang kasi noon ang di pa nag-aaral, kaya ako ang taga-ubos ng papel, taga-baboy ng notebook at pala-angkin ng kanilang mga bolpen.

            Ngayon, napakadalang na namin magkita-kita… isa pa hindi na ako ang bunso sa pamilya. Nasundan pa ako (noong 7 years old na ako). Kaya ano pa bang aasahan… lumaki kaming laging riot ng bunso kong kapatid hehehe.

            Gayunpaman, nakaka-miss din pala ang sakitan / tagisan ng lakas / laitan na akala mo kami lang dalawa ng bunso kong kapatid ang nilikhang pagkaringal ng Maykapal hahaha. Yung pikon na pikon kami sa isa’t isa, na gusto na naming isumpa kung bakit kami pa ang magkapatid lols. No choice! Nung mag-asawa na lahat ng ate ko, kaming dalawa na lang ang lumaking magkasabay… at palaging ganun ang eksena namin sa bahay.

            Nakaka-miss ang pag-aaway namin hahaha. Yun na ata ang aming bonding. Ngayon kasi ay busy na siya sa pag-aaral dahil graduating na siya sa kolehiyo, ako naman ay kunwari’y busy na rin sa trabaho.

Ngayon ko lang na-realize na matagal-tagal na rin na hindi namin pinagtatawanan ang isa’t-isa kapag kumakain, pati na rin sagad-buto naming asaran hahaha. Mahaba na rin ang panahong lumipas mula noong pinaghahatian pa namin yung mga anak nila ate kapag nasa bahay sila para kumampi sa isa sa amin… at ang ending, yung mga pamangkin namin ang nag-aaway para lang sa aming dalawa hahaha. At least hindi na kaming dalawa ang nagsasakitan (nakakahiya naman ang laki-laki na namin).

Why can’t we turn back the hands time?...

At bakit ba nilikha akong haggard?


Dalawampu't limang taon at tatlong buwan.
Galing na naman ang nilalang na ito sa usukan.
Nanuod sa alon ng mga tao.
Umuwing haggardo.

Biyernes, Oktubre 3, 2014

“But then sex, beer, food…"


Ika-03 ng Oktubre, 2014
Biyernes, 4:17 ng hapon


            Marahil tama nga yung sinabi nung lalaki na may dalang libro na papuntang coffee shop...

            …mahiwaga ang buhay.

            Paano mo nga naman nagagawang magising sa bawat umaga “feeling the same”. Hindi humihinto ang takbo ng oras; nagbabago ang pisikal na katawan ngunit ikaw pa rin ang taong nasa loob nito. Paano nga ba talaga malalaman kung ikaw ay nabubuhay… paano mo masasabi o mararamdaman…

            Sabi nga niya 62 na siya – “Fuck!”

            Ano nga ba ang magpapasaya sa tao…

            “Reading, writing and drawing,” para sa kanya.

            “Anything that doesn’t make you feel unhappy,” dagdag pa niya.

            “But then sex, beer, food…,” sabi nila.

            Ikaw… What makes you happy?


Miyerkules, Oktubre 1, 2014

"…and mudra saves the day!!! Hooray!!!"


Ika-01 ng Oktubre, 2014
Miyerkules, 6:19 ng gabi


            Ok na sana na dumating ako sa faculty (kaninang umaga) mga limang minuto bago ang klase. Naisip ko may kaunti pa akong oras para kunin yung mga gamit ko at mag-ayos. Pero…

            …pagbukas ko ng aking bag…

            …leche flan! Siomai!

            Naiwan ko yung salamin ko!!! At hindi kakayanin na umuwi pa ako at bumalik sa school sa loob lang ng 5 minutes. Na-stress ako ng biglaan hahaha.

            Nagpapanggap na nga lang akong may nakikita habang naglalakad kanina mula sa gate ng school papunta sa faculty tapus naiwanan ko pa pala yung salamin ko sa mata.

            Kaya no choice, bitbit ang aking mga gamit sa pagtuturo (wow parang totoo hahaha) naglakad na ako sa hallway papunta sa unang klase ko. Lahat na lang tuloy ng masasalubong ko sa hallway ay nginingitian ko na lang dahil hindi ko sila ma-recognize sa malayo (o kahit nga medyo malapit na, nearsighted eh), baka kasi masabihan na naman akong “ isnabero / hindi namamansin”. Sige na, kayo na malinaw mata. Lols.

            Mabuti na lang nakapagpa-load ako mula sa isang co-teacher, syempre sa mga ganitong sitwasyon, sino pa nga ba ang makatutulong sa akin… wala nang iba kundi…

            …si Wonder Mudra!

            Kaya pa-simpleng nag-text ako kay mudra habang nasa klase (habang may pinapagawa sa mga estudyante)




            Akala ko maya-maya lang ay darating na ang mahiwaga kong salamin pero medyo natagalan.

            Nahihilo na ako sa klase dahil wala akong makita. Hindi ko ma-recognize ang mga bata. Kailangan ko pang mag-effort na lumapit para masilyan ko kung sinong kutong lupa ang nagpapasaway hehehe. Pero habang nasa unahan ako ng klasrum, lahat sila ay blurred! Idagdag mo pa na para akong nasa roller coaster kapag tayuan ng tayuan ang mga bubwit na students, mas lalo akong nahihilo sa kanila. Kaya more ang effort kong manatili silang nakaupo.

            Natapos ang unang klase ko at wala pa rin akong salamin. Dalawang sunod pa ang papasukan kong klase… at hindi ko talaga kakayanin… mabuti na lang habang nasa ikalawang klase na ako nag-text na rin sa wakas si mudra




            …and mudra saves the day!!! Hooray!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...