Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 24, 2014

"...from haggard to HAGGARD!" :)


Ika-24 ng Setyembre, 2014
Miyerkules, 5:05 ng hapon


            Ganito rin ang panahon kahapon sa naganap na Division Science Quest 2014. Napakainit, parang sirang gripo ang mga pores ko, ayaw tumigil sa pagpapawis. Pakiramdam ko nga, na work-out na lang bigla ang muscles ng aking mga braso at kamay dahil sa walang tigil na pagpapaypay!

            Lakas maka-haggard ng init habang nasa gym kami ng eskwelahang iyon. Gusto ko na ngang mag-semento ng pulbos sa mukha ko para lang maibsan ang oily face at panlalagkit ko.

Ang daming mga kalahok mula sa iba’t-ibang paaralan. Marami ring paligsahan na masasalihan. Ngunit… wala talaga sa ulirat ko ang manalo (mas in-expect ko pa yun sa mga kasama ko), lutang ang isip ko at sabik sa mga kaklase kong ngayon ko na lang ulit masisilayan (yun talaga ang pinaka-concern ko kahapon hahaha).

Unang Science Quest ko pa lang naman, ano ba naman yung kaunting ‘tsikahan’ sa mga kaklase’t kaibigan! Matagal ko na rin silang hindi nakikita, yung iba higit apat na taon na. Mas nauna sila sa akin mag-‘public’ kaya sa unang taon ko ngayon sa ‘public school’, natuwa ako sa pagtatagpo-tagpo naming muli.

Dati magkaka-klase lang kami, ngayon mga guro na sa iba’t-ibang eskwelahan. Dati napag-uusapan at ini-imagine lang namin ang ganitong tagpo na magkikita-kita na lang kami sa mga araw ng kompetisyon, na ngayon nangyayari na lols.

Sana na lang makita ko rin muli ang marami pang iba! Mabuti na lang pinalad akong makasama.

Di man pinalad sa unang paglahok, masaya naman ako kahapon!

Pati nga pala yung dati kong mga co-teachers, naging high school teachers at college instructors ay nakita ko rin kahapon. Di ko lang alam kung natatandaan pa nila ako, kasi puro ngiti lang din naman ang inabot ng pagbati ko sa kanila, siguro sa sarili nila nag-iisip sila kung sino ang haggardness na itong naggi-greet sa kanila nang todo ngiti na nakakapanloko lols.

Sabi nga ni Ma’am J“Oy ikaw, andito ka rin pala, mga dati kong estudyante ito eh!”, pero makikita mo sa kanyang mga mata ang pagtataka. Basang-basa ko sa mga tingin niya ang tanong na – “Sino na nga ba ito?” hahaha. Hindi ko na rin naman siya masisisi, napakarami na rin naman niya kasing naging estudyante.

 Isa pa, nag-evolve na rin naman kasi ako, from haggard to HAGGARD!

…at nung nakita ko ang mga klasmeyt ko, aba hindi ako nag-iisa! Salamat sa suporta! Lols. Just kidding, you know! Akin na lang ang titulong iyon hahaha.


Sa pinaka-ibabang larawan - si Steph, Novi, Earl, AKO, Pete at Rommel,
ang naka-pink sa taas ay si Gilbert, ayan ha di kita kinalimutan lols,
iilan pa lang ang muli kong nakita sa mga BioPipol, I shall wait for more!


P.S.
Ang larawan ay kuha at in-edit ng klasmeyt kong si Rommel L. Sa madaling sabi, kinuha ko na lang bigla sa fb hahaha. Tenk yu!


Sabado, Setyembre 20, 2014

"Wag matakot ma-guidance." :)


Ika-18 ng Setyembre, 2014
Huwebes, 9:13 ng gabi


            Habang nanunuod ng telebisyon at kumakain ng meryenda, ikinuwento ko sa nanay ko na mula noong napatupad ang batas ukol sa Anti-Bullying, maraming magulang na ang nagpupunta sa eskwelahan para makipag-usap / mabigyang solusyon ang kanilang mga anak na nabu-bully.

            Sabi naman niya, masyado na raw atang sensitibo ang mga bata ngayon. Dati naman daw nung panahon nila, wala naman daw yang anti-bullying na yan. Yung mga bully daw noon ay inaaway nila. Kung naging lalaki nga lang daw siya, malamang naging basagulero pa siya.

            Bongga na naman ni mudra.

            “Iba na kasi ang panahon ngayon… iba na rin yung mga bata”, banggit ko sa kanya.
           
            Dinagdag ko pa – “Buti nga concern na yung mga magulang ngayon, dati naman pinababayaan lang.”

            Inismidan lang ako ni mudra hahaha. Basta, paniwala niya, parte na talaga ng mga pangyayari sa eskwela ang bullying, at dapat itong labanan tulad nung kanyang panahon.

            In other words, makipagbugbugan. Matutong lumaban!. ‘Wag matakot ma-guidance. Lols.


Huwebes, Setyembre 18, 2014

"...book review ba ‘to?"


Ika-15 ng Setyembre, 2014
Lunes, 11:44 ng umaga


Pamagat:          “Ligo Na U, Lapit Na Me”
Ni:                     Eros S. Atalia


            Kahapon, ika-14 ng Setyembre, araw ng Linggo, ganap na 1:10 ng hapon… natapos ko na ang ikalawang libro para sa taong ito! Hahaha. Hiyang-hiya naman ako, ang nipis lang ng libro pero ilang araw pa ang inabot ko bago ko ito matapos…

            May magandang dulot din ang pagbabasa sa akin, kahit pa nga antukin ako sa pagbabasa. Una, kapag nabuburyong na ako sa pinapagawa sa akin ng mundo (parang utang na loob pa ng mundo na kumilos ako) nagbabasa na lang muna ako bago matulog, para naman ma-relax o maihiwalay ko naman ang aking isip sa mga gawain na hindi ko naman nagagawa palagi lols.

            Pangalawa, natutulungan din ako ng pagbabasa na mag-focus. Lalo na kapag nagbabasa ako sa gabi. Pinipilit ko na ‘wag mapikit ang aking mga mata kasi iniisip ko sayang naman ang naisulat na librong ito kung tutulugan ko lang at babasahin ng ganun-ganun na lang. Hanggat maari, gusto ko na mala-pelikula ang takbo ng binabasa kong libro sa aking isipan (ang lakas ko maka-demand sa isip ko), inuulit ko pa nga kapag may hindi ako maintindihang eksena, parang pagsigaw ng direktor ng “cut!” kapag may mali sa shooting.

            Hindi naman ito ang unang libro ni Sir Eros na nabasa ko… una talaga at matagal na nung nabasa ko yung Peksman… pero peksman, nawala talaga yung libro ko na yun.

            Siguro sa makakabasa nito (na parang ako lang din naman hahaha) ay baka magkaroon ng pagtataka… “Ano ba book review ba ‘to? O mga kwentong walang katuturan?” lols… kahit ano pa man ang maging turing dito… hindi naman talaga ito isang book review. Nagpapanggap lang.

            Nag-aala-kritiko lang.

1. Magaan kung magsulat si Sir Eros. Simple lang. Para ka lang nakikinig sa kwento ng isang kabarkada.

2. Hindi ko alam kung paano niya naiisisingit sa daloy ng kwento yung mga social issues (kung yun ang tawag dun) na mapapaisip ka ng “oo nga, nangyayari pala ito” tapus bigla na lang ulit babalik sa mga karakter ang daloy ng kwento. Yung tipong, naisisingit niya yun na hindi naihihiwalay ang kung anong merong kwento sa libro.

3. Na may kadugtong pa pala ang librong Ligo Na U… na ayoko na sundan hahaha. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi talaga ako masyadong fan ng mga librong may kadugtong pa (book1, book2 up to the nth book, prequel, sequel, well hahaha, tapus yung may mga the lost book/files, paano nahanap?). Kaya nga wala akong nabasa na kahit anong Harry Potter books, kasi ang dami. O kahit ano pang mga trilogy na libro.

            Marahil kapag sobrang sipag ko na magbasa, magagawa ko rin tumangkilik ng mga ganung tipo na libro.


            Ayokong magkwento tungkol sa Ligo Na U… marami na rin naman ang nakabasa nito… sa mga hindi pa nakabasa, bumili kayo hahaha. Hindi na rin lugi. Pangako yan (parang pulitiko lang). May kopya ka na, nakatulong ka pa na suportahan ang sarili nating mga manunulat.






Martes, Setyembre 16, 2014

BANGAG


Ika-13 ng Setyembre, 2014
Sabado, 4:49 ng hapon


            Tumitig sa dingding…
            Parang praning.

            Walang magawa…
            Bukas kawawa.

            Mag-iisip…
            Mawawala sa isang ihip.

            Gawa…
            Ngawa.

            Bukas may araw…
            May kanin na bahaw.

            Isasangag…
            Kakain ang bangag.

            Iinom…
            Araw ay ilalagom.

            Bukas muling gigising…
            Panibagong paglalasing.

            Minsan baliw…
Maaaliw.

Minsan matino…
Oras walang hinto.

Aasa…
Buhay magkalasa.

Sa araw…
Papanaw.

Sa gabi…
Hihikbi.

Luhang papatak…
Lungkot itatatak.

Ngingiti…
Itatago ang hapdi.

Mag-iisa…
Pangamba’y mag-uumpisa.

Bukas…
Lilipulin ang lakas.

May kaunting liwanag…
Wag na maduwag.


Linggo, Setyembre 14, 2014

Chips!


Ika-09 ng Setyembre, 2014
Martes, 5:08 ng hapon


            Hindi ko talaga feel ang gumamit ng recitation chips

            Pakiramdam ko kasi parang may pinapatuka akong mga ibon. Yung para bang ang dami kong pet sa loob ng classroom na kapag nakasagot ng tama ay bibigyan ko ng chip bilang reward. Ang weird… pero gustong-gusto naman makakuha ng chips ang mga bata.

           Ewan ko kung ano bang pakiramdam nila sa chips… pero dahil ginusto rin naman nila na magkaroon ng chips sa recitation, eh di ibigay ang hilig!

            Sino ba kasi nagpauso ng nito? Lols.

            Iba talaga ang sapi ng mga mas batang estudyante…

            Di bale na…

            …basta mag-aral mabuti.





Biyernes, Setyembre 12, 2014

"Higit pa sa blooming..."


Ika-08 ng Setyembre, 2014
Lunes, 10:22 ng gabi


            Daig pa lusis kung magliwanag…
            Higit pa sa sparks ng poste dahil sa mga jumper ng kuryente…
            Yung parang may flashlight ang mga mata…
            Mas maliwanag pa sa pinakamataas na lumen ng LCD / DLP projector
            Mas bongga sa fireworks
            Pati na sa special effects na liwanag kapag kukunin ka na ng langit…

            Kailan kaya nuh?...
            Kailan darating ang moment na ito?...

            Yung daig pa sa puti ang mga damit na nilabhan sa Tide
            O ng kahit ano pang sabong panlaba…
            Kumikinang… Naghuhumindik sa liwanag…
            Parang bagong bleach na mga ngipin…
            Matindi pa sa gluta
            Isama mo pa vitamin E na myra

            Basta ganun yung moment na yun…

            Mararamdaman mo na lang…
            Mapapansin na lang nila…

            Higit pa sa blooming
            More than amazing.

            

Miyerkules, Setyembre 10, 2014

"...Ma'am Keps!"


Ika-07 ng Setyembre, 2014
Linggo, 7:30 ng gabi


            Yung aso namin, nakakatuwang ewan. Kasi kahit malaki na siya, ipinagkakasya pa rin niya ang kanyang sarili sa dati niyang tulugan.

Medyo nakakainis lang kapag umaalis ako sa umaga, lalo na’t hindi siya nakatali, kasi hilig niyang makipagharutan. Akala niya siguro natutuwa ako sa matatalas niyang kuko na kumakayod sa sapatos ko at pantalon. Yung fresh na fresh pa naman ako sa umaga tapus hahabulin ka niya hanggang sa labas at makikipagharutan, buti sana kung bagong ligo rin siya tulad ko hahaha. Mabuti na lang at di ko siya aso, pagmamay-ari siya ng kapatid ko, kaya wala akong obligasyon na paliguan at pakainin siya. Basta, yung cactus ko lang ang aalagaan ko.

            Malapit ko na matapos ang Ligo Na U, Lapit Na Me ni Eros Atalia. Mga ilang kabanata na lang ang naiwan. Achievement na ito, makakadalawang libro na ako sa isang taon hahaha. Hindi pa naman din ako palabasa, kasi nakakaantok kung minsan. Na-inspired lang ako kay Mr. Tripster… pero oo wala pa ako sa level ng pagbabasa niya. Isasama ko na rin yung mga students ko sa aking inspirasyong magbasa, nakakahiya naman sa kanila lols. Para may “K” naman akong sabihan sila na maging wide-reader din tulad ko (oha sarili ko pa ang ginawang eksampol… kapal hehehe).

            Nagbabasa naman ako… hindi nga lang buong libro… at hindi ko nga lang talaga natatapos. Pero ngayon, ang goal ko ay matapos ang bawat librong mauumpisahan kong basahin. Kahit gaano katagal… basta matapos ko. Busy eh (alibi).

            Ginamit ang salitang ‘keps’ sa isa sa mga kabanata ng Ligo Na U…

            …naalala ko lang yung co-teacher namin dati na tinatawag naming Ma’am Keps! hahaha. Hindi ko naman alam o in-expect na palasak na rin pala ang paggamit ng salitang iyon. Ang akala ko kasi dahil siya ay isang ‘gay lingo’ (na natutunan namin sa isa pa naming co-teacher na nagbansag kay Ma’am Keps) ay hindi ito masyadong gamitin lalo na sa mga babasahing libro. Pero nakalathala ito sa libro ni Sir Eros, malamang na gamitin pala ang ganung termino (mapa-usapan man o mga nailathala).

            Naisip ko lang kung sinu-sino kaya yung mga nakarinig sa tuwing walang pakundangan namin siyang tinatawag na Ma’am Keps sa loob man ng faculty o kahit pa sa labas ng school.

            Meron pa ngang ibang variety… minsan tinatawag din namin siyang Ma’am Kepi… o kaya Ma’am Keplar lols. Eh hindi rin naman tutol si Ma’am Keps sa paggamit at pagtawag namin sa kanya ng ganun, pero syempre ‘pag masyado nang marami ang tao at pormalan na ang usapan, sa totoong pangalan na namin siya tinatawag (at nakuha ko pang magpaliwanag hehehe).

            Umuunlad na ang mga boses ng mga kapitbahay namin. Mukhang epektib ang mag-videoke-to-da-max! Nasa tono na talaga sila o baka nasanay na lang din ang tenga ko sa kanilang tinig hahaha. Pero hindi, umayos na talaga ang boses nila. Makikipag-friends na ako sa kanila para maisali nila ako sa kanilang videoke club!


Lunes, Setyembre 8, 2014

"...bagsik ng kubeta."


Ika-07 ng Setyembre, 2014
Linggo, 10:11 ng umaga


            Nakakasulasok ang usok…
            Dumadagundong na tugtog…

      Binyag ng anak ng kapitbahay namin ngayon. Naimbitahang ninang si mudra. Mamayang gabi (o kahit mamayang hapon) aabangan ko na ang festive celebration ng aming mga kapitbahay! Excited na akong abangan ang tradisyon nilang pagbirit sa videokeexcited na akong matulog ng maaga mamaya bago pa nila ako magambala hahaha.

            Sa tatlong cactus na binili sa akin ni mudra, dalawa na lang ang natira. Inilagay kasi namin ang isa sa cr… ayun di nakayanan ang bagsik ng kubeta hahaha. Lagi kasing nababasa eh, wagas pa naman maligo yung kapatid ko, kala mo may bagyo sa loob ng banyo; binabaha ang loob at lahat ay nababasa. Hay…

            Dalawa na lang tuloy ang dinidiligan ko tuwing linggo.

            Mainit at maaraw ngayon.

            Ganitong panahon ang gusto ko.


Sabado, Setyembre 6, 2014

"There's a hole in my soul... Can you fill it?"


Ika-06 ng Setyembre, 2014
Sabado, 9:10 ng umaga


“FLAWS”
Bastille

When all of your flaws and all of my flaws
Are laid out one by one
A wonderful part of the mess that we made
We pick ourselves undone

All of your flaws and all of my flaws
They lie there hand in hand
Ones we've inherited, ones that we learned
They pass from man to man

There's a hole in my soul
I can't fill it I can't fill it
There's a hole in my soul
Can you fill it? Can you fill it?

You have always worn your flaws upon your sleeve
And I have always buried them deep beneath the ground
Dig them up; let's finish what we've started
Dig them up, so nothing's left unturned

All of your flaws and all of my flaws,
When they have been exhumed
We'll see that we need them to be who we are
Without them we'd be doomed

There's a hole in my soul
I can't fill it I can't fill it
There's a hole in my soul
Can you fill it? Can you fill it?

You have always worn your flaws upon your sleeve
And I have always buried them deep beneath the ground
Dig them up; let's finish what we've started
Dig them up, so nothing's left unturned

Oooooh
Oooooh

When all of your flaws
And all of my flaws are counted
When all of your flaws
And all of my flaws are counted

You have always worn your flaws upon your sleeve
And I have always buried them deep beneath the ground
Dig them up. Let's finish what we've started
Dig them up. So nothing's left unturned

Oooooh
Oooooh

All of your flaws and all of my flaws
Are laid out one by one
Look at the wonderful mess that we made
We pick ourselves undone


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...