Mga Pahina

Martes, Agosto 27, 2013

Wala nga bang Basagan ng Trip?

            Dulot na rin ng modernong panahon, may dalawang paraan na ng pagi-exist sa mundo: una masasabi mong ikaw ay nabubuhay sa real world at pangalawa ay ang pagiging totoo o pagpapanggap ng panibagong pagkatao sa virtual world. Ano na nga ba ang naging epekto ng social media sa ating buhay? Totoo nga bang ‘walang basagan ng trip’ sa virtual world? Gaano ba dapat kababaw o kalalim ang paggamit natin sa iba’t ibang social media tulad ng facebook, twitter, instagram at sangkatutak pang iba?

            Noong hindi pa masyadong uso ang mga ‘eklat’ na yan hehe, texting ang ‘boom na boom’ dati. Kaya nga naglipana noon ang maraming text clan na nagpapasabog  ng gm (group message) sa inbox mo. At aminado naman ako na nakiuso rin at naki-clan kung kani-kanino, pero di ako sumusulpot sa mga EB (eyeball) dahil nakakatakot din lalo pa’t di mo naman personal na kakilala ang mga ‘pipol’ na iyong nakakatext sa clan. So, ganyan lang kasimple dati, kaya nga tayo nabansagan na ‘texting capital of the world.’

            At sa mabilis na pag-usad ng panahon, para bang walang saysay ang buhay mo kung hindi ka makagagawa kahit isa man lang na account mula sa maraming pagpipiliang social media. Para bang putol ang buhay mo kapag di mo ito naitawid sa virtual na mundo. Naunang sumikat ang friendster, hanggang sa ‘binukbok’ na ang mga testimonials nito at pinalitan na ng palasak at parang ID mong facebook, kasabay ng pagsulpot pa ng ‘many-to-mention’ pang iba. At sa lahat nang yun, dalawa lang ang meron ako- facebook at blogspot. (maisingit lang ang sarili lols)

            Kaya di na rin nakapagtataka kung ngayon ay binansagan na rin tayong ‘social networking capital of the world.’ Tayo pa ba ang papatalo sa padamihan ng facebook o twitter account? Tayo pa ba ang papahuli sa pagpapa-trend ng kung anu-anong mga hash tag? Syempre hindi! Hilig ata ng mga noypi ang magpa-trending! Kaso, ‘eh ano?’ kung tayo na nga ang ‘social networking capital’ ng mundo, nagdulot ba ito ng positibong pagbabago? Ewan ko. Parang tulad lang yan ng economic growth na pinagmamalaki natin (o nila?), nakikita sa numero pero hindi sa pamumuhay ng mga Pilipino.

            Totoo na walang basagan ng trip. Yung wala akong magagawa kung umaapaw na ng pagmumukha ng iba ang news feed ko haha, akalain mo yun nag-facebook pa ako pero ikaw at ikaw lang ang napagmamasdan ko tuwing mag-oopen ako ng aking account lols! (Bakit di ko i-unfriend? Dahil parte na yun ng katotohanan ng buhay haha.)

Na mas pipiliin ko na lang na mag-offline lagi sa chat (pwera na lang kung may kailangan talaga akong i-chat) dahil annoying naman talaga yung icha-chat ka tapus ang ending ‘pa-like’ naman po nito ‘tenkz!’ haha. Ano na ba ang gamit ng chat ngayon? Para sa sapilitang pagpapalike? Yung di mo alam nai-add ka na pala sa mga facebook group na mahahalay, at ang batayan ng pagkakaibigan ngayon ay kapag ni-like ninyo ang post ng isa’t isa hanggang parehas ninyong pasabugin ng sariling mga notification sabay print-screen at share lols!

Yung pati ba naman simpleng ‘gudmorning XD’ ay ipo-post mo pa, for what reason? Hehe. At yung ibabalita mo pa sa buong mamamayan ng facebook na ‘wag na kayong magpapahiram ng rice cooker kung ibabalik din naman ng sira’ (with tag dun sa mga pipol concerned), bakit di mo na lang i-pm? Or i-text? Lols.

            Ilan lang yan sa mga na-obserbahan kong paraan ng paggamit sa facebook. Lahat naman ata tayo ay guilty sa ganyan. Marami na sa ngayon ang naghahanap ng instant gratification mula sa paramihan ng friends sa facebook (as if real friends mo sila), paramihan ng like, makapagpa-trending man lang ng hash tag kahit nonsense kung minsan, yung gawing chat ang pagko-comment with bastusang ‘i-kwento mo sa pagong’ at ‘tanong mo sa buwan’ na mga tugon sa komento. Isipin mo na lang kung ang lahat ng ito ay naitawid na rin sa real world, matino pa kaya nating makakausap ang isa’t isa? At sa tingin ko ay nangyayari na nga rin ito, lalo na sa mga kabataan (tulad ko hehe).

            So, hanggang sa ganitong level na lang ba natin gagamitin ang iba’t ibang social media? Eto na ba ang ibig sabihin ng pagiging ‘social networking capital of the world’? Applicable pa rin ba ang rule na walang-basagan-ng-trip? Hanggang kailan natin pagkakatuwaan ang mga ginagawa ng mga internet bashers? Pati na rin yung mga nambu-bully? Hangga’t trending  ba ay okay pa rin?


            Alam kong marami pa tayong magagawa. At hindi naman maikakaila na kaya nating gawin iyon. Wag puro ‘selfie’, that is ‘so makasarili’.  Marami na ang nagpasimula for a change, tara na baguhin natin ang takbo ng buhay sa social media! (parang campaign lang lols).

Mareng Maring :)

2013 08 20

            Parang tumigil na naman ang takbo ng buhay dahil sa pagkansela ng mga pasok sa eskwela dahil sa malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha. Parehong buwan din noon, Agosto, noong halos tumambay na nang husto ang baha sa bahay namin, yung pakiwari mo na bigla na lang nawala sa kabihasnan ang buong komunidad at bigla na lang nag-transform ang buong bayan sa ‘water world’… at wag naman sanang maulit. Kaya sana naman mahabag itong si ‘Maring’ na wag naman pumares kay ‘Habagat’, dahil ‘kokonyatan’ ko talaga siya kapag nag-anyong tao ang bagyong yan! Lols.

            Pero mahirap talaga kapag ang Inang Kalikasan na ang nagdikta ng kanyang lakas. Saan mang lugar, mayaman man o mahirap, kapag hinagupit ka ng lakas ng ulan, wala ka nang magagawa. At parang sirang plaka na lang din ang mga balita na nagsasabi kung anu-anong mga lugar ang binaha, wala namang nabago sa listahan bagkus may nadagdag lang, syempre laging ‘present’ sa listahang iyan ang aming lugar. At in fairness, nauunahan pa kami ng ibang lungsod sa pagsu-suspend ng klase, dati-rati ang aming lugar ang laging ‘first-to-suspend-the-class’ dahil expected na siya tulad ng seasonal na baha.

            Nakalulungkot na mas marami pa ngayon ang binabahang lugar tulad nang sa amin. Ibig sabihin, magkaka-level na lang din ang mga drainage system ng iba’t ibang lugar, na marahil ay puro barado o depektibo. Wala na rin talagang malinis na lugar, lalo na sa Metro Manila, dahil kung pa’no magreklamo ang sambayanan sa mga nagkalat na basura tuwing tag-ulan, eh ganun din naman ang ating kapabayaan bago sumapit ang panahong ito.

            Ilang taon na ang lumipas, pare-parehong problema pa rin ang hinaharap ng bawat lugar na nasasalanta ng bagyo. Baha in the past… baha sa kasalukuyan… at baha pa rin darating na panahon. Anyare? Tradisyon na ba ito?

            Na-miss ko tuloy yung lugar kung saan ako lumaki. Sa Quezon City, sa di kapansin-pansin na Anahaw Street, bumuhos man ang pagkalakas-lakas na ulan ang baha doon ay hanggang talampakan mo lang at kasabay ng pagkawala ng ulan ay ang mabilis ding paglisan na tubig. Never akong na-trauma sa tubig-baha doon. Ngayon kasi, kung nasaan kami (ayaw banggitin lols), mistulang isang kwentong alamat lang ang ga-talampakang baha, dahil ang usual baha dito ay mula tuhod, pa-hita, hanggang dibdib up to the highest level na pwede ka nang mamangka at mag-scuba diving! (walang halong hyperbole).

2013 08 22

            Totoo ngang nauulit ang kasaysayan. Isang linggo nang walang pasok dahil kahit medyo  tumitila na ang pag-ulan, tambay pa rin ang baha… Ganito rin ang nangyari noong nakaraang taon, halos walang ipinasok sa buwan ng Agosto.

            Kaya isang linggo na rin na dito lang sa loob ng bahay umiikot ang mundo ko. Na gagawin mo na lang ang maaari mong gawin wag ka lang ma-bored maghapon. Okay na rin kahit ganito, feeling sembreak lang sa haba ng bakasyon. At least ngayon, pwede kang magpuyat sa gabi, dahil di naman kailangang gumising ng maaga kinabukasan, saka na-eenjoy ko na ulit ang pakikinig ng radio tuwing 8am at 9am- Tambalang Balasubas at Balahura (Nicole Hyala at Kris Tsuper) hehe. Sila lang ang pinakikinggan ko mula pa noong college.


            Napakalawak ng sinalanta ng bagyo. Ang malaking ipinagpasalamat ko ngayon ay hindi naman pumasok sa loob ng aming bahay ang baha. Yun nga lang isang baitang na lang talaga ang pagitan at feeling bwisita na naman ang baha sa amin. Hangad kong makaraos din ang lahat ng nasalanta ng bagyo. Makabangon sanang muli ang lahat…

Biyernes, Agosto 16, 2013

Just a Thought...

Hindi ko alam kung ano na ba ang lagay ng lipunan natin ngayon pagdating sa usapin na may kinalaman sa sex. Ang ibig kong sabihin, kung dati ay para bang napakalaking kahihiyan kung meron tayong nabalitaan na kumakalat na sex video ng isang kilalang personalidad o kahit na sino pa man, bakit ngayon para bang usual na balita na lamang ito sa marami. Yung tipong ‘alam na namin yan’… yung para bang ikaw pa ang mahihiya sa sarili mo kapag huli ka na sa balita (at kung di mo pa napapanuod ang video lols).

Alam ko naman na marami na ang updated (at nakapanuod na rin, pero di ko pa napanuod-promise!) ng scandal nila Chito at Neri… happy fiesta sa internet ika nga. Di ko ito isinulat para i-promote ang video, nag-alala lang ako sa mga estudyante o menor de edad na marahil nakapanuod na nito. Hindi naman lingid sa atin na isa si Chito sa mga hinahangaang vocalist ng banda. Ano na lang kaya ang iisipin o tumatakbo sa isip ng mga batang yon… Ang generation pa naman ngayon ay masyadong exposed sa paggamit ng internet, at marami sa kanila ang hindi naman nabibigyan ng kaukulang gabay ng mga magulang.

Baka lang kasi nagiging mababaw na ang ating pang-unawa tungkol sa sex. Baka dumating ang araw na mas maging sarado pa ang ating isip para pag-usapan ito pero gustong-gusto namang i-explore sa mga di makatwirang paraan.

Sabi nga ni Chito sa isang panayam, wala na rin naman siyang magagawa sa pagkalat ng video, dahil totoong hindi mo naman mapakikiusapan ang bawat tao na wag gawin ang kanilang nais- ang panuorin ito at i-share pa sa kung anu-anong social network… Matuto na lamang tayo mula sa ating mga pagkakamali, at wag namang manghusga ng todo-todo dahil baka mahiya naman ang sansinukob sa kabutihang inangkin mong lubos! Lols.

Jepbuendia
20130814


Martes, Agosto 13, 2013

Nuod-nuod din ng FIBA-Asia :)

FIBA-Asia…

            Mas nakaka-excite talagang manuod ng basketball kapag mga international teams ang naglalaro, lalo na kung kasali ang Pilipinas. Parang boxing game lang ni Manny Pacquiao kung makatutok ang mga energetic naming kapitbahay, may kasama pang mga hiyaw sa tuwing makakapuntos ang ating koponan.

            Malaki na nga ang naging improvement ng ating team, malaking tulong na rin siguro yung tayo ang nag-host ng laro kaya ano pa ba ang aasahan natin, syempre pukpukan ang suporta ng maraming noypi sa ipinapakitang gilas ng Pilipinas.

            Masaya na ako nung natalo nila yung Korean team, kasi naman mapa-Asian games o kahit ano pa mang tournament, kapag sila na ang kaharap natin, lagi tayong olats sa kanila. Pero ngayon lang natin sila natalo, at mas marami ang mga larong naging talo tayo sa kanila, kaya di pa natin masasabi na nalampasan na nga natin ang husay ng mga Koreans sa larong basketball.

            Sapat na rin na nakapasok tayo sa finals ngayong taon, dagdag pa yung may ticket na tayo sa FIBA-World Cup 2014. Di ko talaga hinangad na mag-champion pa ang Pilipinas hehe. Hindi naman sa kampi ako sa Iran, pakiramdam ko kasi baka ma-pressure lang sila sa world cup kung sila ang nag-champion sa FIBA-Asia; akalain mo yun, kapag nasa atin ang titulo ang laki ng dapat nating patunayan, kaya baka hindi sila makapaglaro ng maayos. Gaya na lang nung nangyari sa finals, alam nating gustong-gusto nilang manalo, lalo pa at naglalaro sila sa harap ng ating mga kababayan, at dahil dun pumanget ang laro nila hehe, kasi effort na effort tayong magpakitang gilas laban sa mga Goliath na Iranian players. Kaya okay lang ang silver medal at ‘da best’ pa rin naman ang buwis-buhay na laro ng ating team.

            Kaya maraming good luck sa kanila next year, alam kong hindi ganuon kalaki ang tsansa nating makuha ang championship sa FIBA-World, ikaw na ang bumangga sa mas malalaki pang teams tulad ng US at Spain, ewan ko na lang hehe. Pero sana kung tatalunin na rin naman tayo ng ibang mga koponan, sana mahirapan naman sila sa ating team at gamitin ang experience natin sa FIBA-World para mas mapahusay pa ang ating laro sa mga susunod pang paligsahan!

            And I know, at ito ay isang prediksyon, maibabalik din natin ang kinang ng tagumpay sa mahal nating bayan, marami pang mahuhusay na manlalaro ang uusbong at kailangan lang alagaan nang sa gayon darating din ang panahon na di na natin kailangan pang kumuha ng mga naturalized players o mga half-half kunwari na Pinoy para lang maging malakas ang ating team, kung pwede namang sariling atin! Lols.

Jepbuendia

20130812

Bakit pa Babasahin ang isang Same-Old-Story?

            Tatlong araw na walang pasok.
            Ang saklap naman kung magtsi-check lang ako ng mga papel.
            At lalong mas masaklap ang computation ng grades

            Lalo na kung wala ka naman talagang mapiga, ma-record at ma-compute na grado mula sa mga batang pinagpala ng katamaran sa pag-aaral. Wala namang grade ang attendance at mas lalong walang puntos na maibibigay sa ingay at kadaldalang walang saysay.

            Pag binagsak mo naman, sa’yo rin ang sisi. Ako na nga nagturo, ako pa rin mag-aaral? Lols.

            Anyway, lumang tugtugin na ang mga ganyang eksena sa akin. Kung dati naniniwala pa ako na nasa kamay ko ang kasipagan ng mga mag-aaral, ngayon ‘konti na lang’. Kapag binigay mo na ang lahat ng pasensya at pagtitiyaga sa isang mag-aaral na tamad, mahilig mangopya at walang kahit katiting na interes sa pag-aaral, sa bandang huli, kung ayaw pa rin niyang magkusa at magsikap na matuto, hayaan mo siyang matuto sa ibang paraan… hayaan mong makita niya ang epekto ng mga ka-engotan na ginagawa niya sa kanyang buhay lols. At kung di pa siya matauhan sa mga nangyayari sa kanya, haynaku, sabi ng nanay ko walang milagro sa mga ayaw tulungan ang sarili.

            Pero ganuon talaga ang life, kahit ayaw mo na sa mga batang hanggang pagsusuot lang ng uniform ang ibubuga sa eskwela, kailangan mo pa rin silang tanggapin nang buong-buo… malay mo, mali ang nanay ko, baka posible rin naman ang miracle! Tiyaga-tiyaga rin hangga’t kaya, kapag ubos na pasensya, bahala na lols.

            Di naman talaga lahat ay magiging mahusay at matalino sa eskwela. Maaaring magaling sila sa ganyan, pero mahina naman sa ganito. Kaya kung ganun talaga, bakit ba natin pipiliting banatin ang isang banat na banat nang lastiko? Maaaring maging mas mahusay kumpara dati, pero parang hindi maaring gawing mahusay tulad ng iba… Labo nun.

            Kaya, pwede bang ang grade ay narrative report na lang? hehe. Isalaysay na lang natin ang mga kahinaan at kalakasan ng isang mag-aaral, nang sa gayon, walang nang babagsak at ang tunay na hangarin na lamang ng pagpapaunlad sa sarili ang maiiwan sa bawat mag-aaral. Dahil ang mga grado, para sa akin, ay di isang direktang reflection ng kakayahan at kalagayan ng isang estudyante. Mas marami pang dapat ayusin sa isang indibidwal higit pa sa pagpapataas lamang ng marka…

x-o-x-o-x

            Super tamad ako ngayong araw. Sulat-sulat din para alibi sa katamaran. At least di halatang nasasayang ang oras ko. At least binobola ko ang sarili na may nagagawa rin naman akong makabuluhan bukod sa pagtunganga sa bintana. ( at di ko talaga matanggap na pag-alis ko sa keyboard ay mga papel na ang hahawakan ko… no choice! )

Jepbuendia

20130810

Lunes, Agosto 5, 2013

TITSER



               “Mahirap maging teacher sa Pilipinas, kasi dito mababa ang sweldo…

            Eh kasi naman… di ko na lang sana napanuod yung ‘the making’ ng isang serye sa channel 11 na pinamagatang “Titser”. Ayan tuloy, mas lalo ko lang nare-realize kung gaano ‘kalaki’ ang kinikita ng isang guro sa kabila ng lahat ng paghihirap at pagsisikap niya sa araw-araw. Ang totoo, humahanga ako sa mga gurong nagtagal sa kanilang propesyon… puso at hindi pera ang dahilan kung bakit sila nananatili sa pinili nilang trabaho.

            Ramdam ko ang sweldo na yan lols. Yung tipong kapag bagong sahod ka, mga isa hanggang tatlong araw mo lang mararamdaman na may kinita ka pala… pagkatapos nun, kusa na lang na mag-i-evaporate ang sweldo mo… at ito ay isang natural phenomenon hehe.

            Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng trabaho, eh ang pagiging titser pa ang sinapit ng kapalaran ko…

            Sabi sa tv- ang pagiging guro ay isang vocation, pinipili ng uniberso ang magiging mga guro.”

            Kaya naman, kung ako nga ay napili o napili-tan, hangad ko na may magawang mabuti para sa propesyong ito. Kahit gaano ka-stressful at ka-haggard ang trabaho ng isang guro, sa tingin ko, hangga’t may puso kakayanin ko (pero sana may pera din, kahit konti lang hehe).

            On a serious note, kung tatanungin mo ang mga mag-aaral ngayon, ilan ba sa kanila ang minimithi na maging isang guro? Marahil kaunti lamang. Lalo na kung ang mga tatanungin mo ay yung mga kabataang matatalino o ika nga eh mga achievers… Bakit nga naman sila mag-aaral sa kolehiyo para maging titser lang gayong napakarami nang kurso ang pagpipilian sa ngayon…

            Para bang ang pagiging guro ay last option na lang… kapag wala nang choice, sige mag-titser ka na lang. Nakakalungkot. Lalo na kung ikukumpara mo ang kalagayan ng ibang guro sa ibang bansa… ang laki ng pagkakaiba.

            Pero ganun talaga… minsan nakakasawa na rin intindihin ang mga ganitong issues. Hindi naman dahil wala nang pag-asa na mabago ang mga problema na kinakaharap natin pagdating sa edukasyon, marahil gawin na lang natin ang ating parte upang huwag nang dumagdag sa mga kasalukuyang problema. Sabi nga eh, kahit mahirap, just do it! Malay mo, bukas super-unlad na ng Pilipinas lols… malay mo lang naman. Who knows?!


x-o-x-o-x
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...