Mga Pahina

Biyernes, Enero 25, 2013

maBUHOK na usapan



Bilang isang nagpapanggap na mabuting mag-aaral, mula elem hanggang hiskul ay di ko talaga pinakialaman ang hairstyle ko. Wag daw magpapa-layered ng buhok o kahit anu pang patusok or pang-adik na hairstyle lol. Bilang kasapi ng natatanging seksyon, dapat daw kami'y maging mga modelo... (weh?)... at ako na nauto ng mahabang panahon ay naging sunud-sunuran, no choice eh, baka katkatan ang hair ko ng adviser namin eh di mas lalong pangit... so clean cut as always *saklap*

Hanggang sa tumuntong na ako sa kolehiyo, na-excite ako ng lubusan, eto na, pwede na ang long hair, colored at kahit anu pang hairstyle! Pero leche flan, educ pala ang kinuha kong course :( Sabi ng mga prof namin dapat pa rin kami maging modelo... (weh talaga? hehe)... bilang mga susunod na guro. So hanggang layered hairstyle na lang at bawal ang mga patusok or mahabang bangs, dahil yung ibang prof namin ay di nagbibigay ng exam kapag long hair ka *saklap ulit*

Kaya sabi ko sa sarili ko, sige na, pagbibigyan ko na to, anyway, pag nagtrabaho na ako pwede na talaga!

Hanggang sa ayun, pagdating sa trabaho, teacher nga pala ako, di pa rin pwede tsk' model pa rin ang peg! Pero sa unang taon lang yun. Habang tumatagal, tumitibay na rin ang loob na sumuway haha :) Yung buhok na dati'y napakaayus ng suklay, eto na unti-unti nang nagugulo na di na sinusuklay, kamay-kamay lang lol. Hanggang sa naiipon na sa gitna at tumatayo na... tapus charan! para-paraan din. Tapus may time pa na nagpahaba ng kaunti na mukha na akong ewan, hinihintay ko lang na sitahin ako na nangyari din naman hehe, hanggang sa naka-jimmy neutron na :)

Mula nung tinataas ko na ang buhok ko, 'jimmy' na ang naging tawag sa akin ng ilang co-teacher ko :) Bilang si jimmy daw at ako ay parehas inclined sa science at parehas kaming may mala-'ice cream' na buhok :) Nung una, di naman ako napapansin ng kataas-taasan, pero syempre alam mo na, makikita at makikita pa rin ang nakataas kong buhok;

Anung mga eksena ito?

... Nung teachers' day, nagbigay ng message ang school director namin. Umapila siya sa mga guro at mga nangangasiwa ng disiplina na gabayan mabuti ang mga mag-aaral at isa sa natukoy ay ang buhok ng mga bata na para daw may mga palong etc... at hetong mga mababait kong friendship na teachers ay sabay-sabay pang tumingin sa akin, napansin tuloy ako. Gusto ko sanang sabihin na "uy! mga bata daw hindi teacher!" Pero wala na, strike 1 na ako lol :)

... At habang may kainan nun sa faculty, napadaan naman ang spiritual director namin, at kahit nakatalikod na ako sa kanya, kita pa rin pala ang tulis ng buhok ko, ayun napansin ulit ang hairdo, maaari daw bang ibaba namin ang aming hair' (buti dalawa kami nun haha). Pero strike 2 pa rin ako tsk'

... Tapus nung nag-aayos naman kami para sa batch picture ng graduating class, bilang mga pasaway pa rin ang ibang mga students namin, napansin ng academic coordinator ang ayos ng buhok ng mga pa-cool na students; sabi niya "bakit ba yang mga buhok ng kalalakihan ay parang may mga palong pa din?" sabay lingon sa akin derecho sa buhok ko, so may-i-smile na lang me haha. Lakad-lakad din para malayo sa eksena :)

... At ang pinaka recent ay ngayong araw lang :) Nagkaroon ng meeting ang hiskul faculty again with school director. Sakto nasa unahan pa man din ako nakaupo, kaya pagkalingon niya sa akin sumenyas ang kanyang mga kamay referring to my hair na medyo nataas daw ata, this time napabanat talaga ako ng ''hindi po, na-fly away lang po yan'', na sinundan ng tawanan. Kaya nung matapos ang meeting hindi na 'jimmy' ang tawag sa akin.... 'fly away' na lol. Bigla ako napaisip, 'signos' na ba 'to? Baka ma-fly away na ako sa school hehe :)

But for the record, di naman consistent na ganun ang aking buhok... madalas lang talaga ganun :) Pag alam ko namang mahaba na ang hair ko, isinusuklay ko na yun ng maayos na mala-sakristan. Ewan ko nga ba kung bakit lagi ako tinatanong ng mga students if nag-sakristan daw ba ako? Pwede namang hindi di ba... kasi hindi talaga :)

So bukas... anu kaya ang magiging hairdo ko? Medyo mainit na ngayon ang mga ganung buhok hehe. Sa buhok lang naman ako medyo pumapalag kasi di ako nakaranas ng "hair freedom" sa buong buhay ko lol :)

Linggo, Enero 20, 2013

Paalam 3500c

Sino na ang bago mong friend ngayon?

... Wala na pala si 3500c. Natapos na ang kanyang paghihirap sa mga kamay ko hehe. Apat na taon din ang kanyang itinagal sa akin. Di ko talaga siya kahit kailanman tinangkang palitan dahil kung anong meron siya ay 'swak' lang sa mga demand ko sa buhay :) Pero ngayon ikinalulungkot kong 'waley' na siya.

Nung minsang na-lowbat ang bestfriend ko ay di na siya naisalba ng charger. Na-comatose na :) Ayaw na mag-open, di na maayos ang tunog at mabagal na rin, kaya madalas mablanko ang kanyang screen. Kaya yun.

... Wala na akong maihahagis sa umaga tuwing nag-aalarm.
... Wala nang malalaglag sa hagdan or kahit sa daan.
... Wala na akong paliliparin sa ere at di naman sa lahat ng oras ay masasalo. 
... Wala nang magtyatyaga sa mukha ko para kunan ng larawan.
... Wala na akong pakikinggan na mp3 o papanuoran ng mga na-record na moments ng aking buhay.
... Wala na akong pang-save ng mga random thoughts or minute ng meetings na ginagawa ko sa kanyang 'notes' feature.
... Wala na rin yung 'calendar' na pinupuno ko ng mga events na pinapa-alarm ko yearly para maalala ko na ngayong araw pala nangyari yung masayang event na yun.
... Wala na ang mga larong batman and superman, captain america, pacman, fantasy warrior 2, snake, sudoku at canal control. Wala nang libangan kapag bored sa buhay.
... Wala na ang kanyang 2megapixel camera na pinagtyagaan ko :) kahit slow motion kumuha.

... Wala na ang bestfriend ko na pinakamagatal kong nakasama sa buhay. Dun pa naman naka-save ang speech ni Steve Jobs at Miriam Defensor Santiago na pinakikinggan ko bilang source of inspiration hehe. Yung mga kanta ng hillsong at starfield. Yung mga naka-save na inspiring quotes at marami pang 'ek-ek' ng buhay. Naging 'extension' talaga yun ng aking sarili.

So, sino na nga ang naging kapalit niya?

... Kinailangan ko siyang palitan, dahil sa ngayon ay mahirap mabuhay ng walang cellphone. Nag-SAMSUNG na ako :) yun nga lang ang samsung na ito ay walang 'galaxy' walang letter 'x' or 'y' at lalo namang walang 'tablet' o 'stylus man lang. At hindi rin touchscreen lol :)

<------- ayan siya :)

haha, sosyal di ba?

Kahit walang wifi si nokia 3500c, nakakapag-internet pa rin naman ako dun basta may load :) pero itong samsung na 'to. total disconnection sa cyberspace haha.

Ang meron siya na wala si nokia 3500c ay ang kanyang maliwanag na 'torch light' haha, and the rest are obsolete!
Pero matagal ang battery nito, once a week lang i-charge.

Napaka-basic ng cellphone ko ngayon, level-DOWN haha. Pang text and call lang talaga. Di ko na yan binili, actually pinaglumaan yan ni mudra, pinamana niya sa akin nung malaman niyang nawala na ang aking bestfriend phone.

Si mudra at si pudra ay naka-QWERTY phone, yung kapatid ko naman naka smartphone na samsung, at ako? Ayan ang lagay ko ngayon lol :)

Naawa pa nga si mudra kay nokia 3500c nung makita niya yung huling condition nito. Wala na yung parang bakal na nakapalibot sa harapan, natanggal kakahagis at kakabagsak ko, at di na rin maisara yung likod dahil sa lobo niyang battery lol, pinalitan ko naman yung battery pero suko na talaga siya.

Parang di ko pa rin kasundo si 'samsung basic phone' na yan. Di ako agad nagigising sa kanyang alarm, dahil apat na taon akong nasanay sa 'papaya mp3' tone ng alarm ni 3500c.
Parang di rin siya pwedeng maihagis or malaglag man lang dahil baka wala pang 'sang buwan ay bawian na siya ng life lol :)

Uhm, anu kaya ang bibilhin kong cellphone? Di pa rin ako makapag-decide kasi yung gusto ko ay yung tatagal din tulad ni 3500c. Namimi-miss ko na ang bestfriend phone ko, di ako bibili ng bago hangga't di ako nakaka-move on :) (weh? o wala ka lang pera pambili? haha)

Basta, sa mundong 'to na puro na touchscreen o smartphones ang uso, di ko pa rin malilimutan ang bawat pagdampi ng dalliri ko sa keypad ni nokia 3500c :) R.I.P.!

Lunes, Enero 14, 2013

Lucky Me! 100 :)



Anyare sa'yo Jep?

...Eto na naman yung mga tagpo ng buhay na bawal magpahinga. Pagtatayo ako ng table, lalabas ako sa faculty deretso sa classroom. Pagbalik ko naman sa table nakabungad ang mga papel at forms na sarap ipa-raffle lol :) Ang sarap talaga ihagis-hagis sa ere ang mga papel na yan, walang katapusan! :)

Hindi naman at wala naman ako sigurong bahid ng pagiging reklamador haha. Love na love ko nga ang ginagawa ko  eh :)

Anong mga bagay ang nami-miss mo sa ngayon?

...Nung unang taon ko ng pagtuturo, naiiyak talaga ako kapag sobrang pagod na hehe. Ganun talaga ang fighting mechanism ko sa pagod- ang lumuha lol. Yung tipong paghiga ko sa kama, unti-unti na lang umaagos ang mala-perlas na patak ng aking luha :) Yun ang naging paraan ng aking katawan para maibsan ang pagod (abnormal?).

Na-miss ko na ang tagpong yon. Ngayon kasi laway na lang ang tumutulo sa akin kapag natutulog haha :) Medyo tumatag na ang aking sikmura sa pagod factor na yan. Minsan nga mas masarap pang matulog ng pagod para mahimbing ang tulog... magpakailanman :) May mga moment din na pagkagising ko naka-uniform pa din ako hehe, yun naman eh kapag to the highest level na ang pagiging haggard, yung tipong mahihimatay ka na lang sa kama!

...Pero nami-miss ko talaga ang kumain kasabay ni mama. Minsan kasi gabi na ako nakakauwi kaya sa labas na ako kumakain. Parang nakakatampo lang sa side ng mama ko na nag-effort s'yang magluto at hintayin akong umuwi tapus wala rin pala siyang makakasabay sa pagkain. Eh mas gabi pa kung umuwi ang tatay at kapatid ko. Kaya minsan kahit 'sogbu' na ako, kumakain pa rin ako basta't alam kong nagluto siya. Resulta? Ayun masuka-suka sa dami ng nakakain ko pag gabi lol :)

Kaya naniniwala ako sa Lucky Me! Dapat talagang bigyan ng halaga ang sabay-sabay na pagkain ng isang pamilya.

Ika-100th post mo ngayon di ba?

...Oo nga eh, akalain mo yon. Ngayon pa lang ang ika 'sandaang post ko :) Hangad ko ang susunod pang isandaan :)

'Kaw? Anung nami-miss mo ngayon sa buhay?

Sabado, Enero 12, 2013

Totoo ba FB?

Ito ay galing sa facebook :)
share-share din lol

Minsan nakaka-pressure ang buhay. Di ko malaman if kaya ko ba o hindi or whatever. Pero kapag naiisip ko na minsan lang ang mga pagkakataon, parang dapat lang i-grab ang lahat ng opportunities... yun nga lang tingin ko dapat pa ring pag-isipan. Hay, nakakalito, basta move on lang ng move on!

Sabi naman ng mambobolang application sa facebook eh ako daw ay isang compassionate soul at excellent sa maraming bagay :) at nagpapadala naman ako dun para pang-good vibes lang :)

Pag ganitong mga buwan sa school na malapit nang matapos ang academic year, bumubuhos  ng mga gawain at deadlines, nakakairita haha :) lalo pa na graduating class ang hawak ko... yung masasayang moments napapalitan ng pagka-busy! Panabla ko na lang ang pagtawa at pag-ngiti :)

...Inhale! ...Exhale!

Kaya mo yan jep! Konting sipag at tiyaga lang!
Makakatapos din! Nakakagigil haha :)

Pag natapos talaga ang mga moments at events na ito magwawala ako ng TODO!!!

Magpapa-gulong gulong ako sa kalsada!
Pipitikin ko lahat ng makakasalubong ko!
Sisigaw at magtatatalon na parang new year! :)

O siya, bawal magkasakit.
Disadvantage lang sa 'kin yung pagiging tulala creature ko, kailangan ko ata mag-evolve.
Minsan napakaikli ng atensyon ko, napakadali kong mainip.

Para akong nakikipag-karera sa oras. Nagiging stressful na marinig ko yung 'tik-tak' ng orasan, ayaw tumigil, nakakairita haha :) Di talaga ako mananalo against time.

Kailangan kong ma-control ang stress at pressure, I need to meditate all the time lol :)

Lunes, Enero 7, 2013

O Life! O buhay! Kaylupit mong Tunay :)

Ito na talaga
ang tunay na first day high.
Nakaka-high kasi super kahaggard.
Naulit na naman ang sumpa,
lumabas ako sa bahay ng 'fresh'
after ng school ako'y isa nang 'rotten flesh'.

O life! O buhay!
Why mo ako pinahihirapan?
Why are you so lupit?
Eh ako naman ay so bait :)

Di ko na ma-take ang haggardness!
Gusto ko nang bumalik sa pagiging freshness :)

Ang pagtuturo ay walang katapusan,
pag-uwi sa bahay,
mga ginagawa'y pang-eskwelahan.

Give me a break! Leche flan!
Di ako super human...

Sometimes, I tawa to myself,
bangag to da max pero project pa rin ang face :)
Minsan, I caught myself tulala,
so pre-occupied of too many things in life.

I dunno where to start,
buti sana if bayad kami 24 hours!

O life! O buhay!
One sheet of paper!
Kaylupit mong tunay :)

Martes, Enero 1, 2013

Bilang Mayaman, Kinuha naming Guest si PSY! (feat. Lagoon)



"Lagoon"
-jepbuendia-

Sabi nung tatay ko, kapag nalulungkot ako, pumunta lang ako dun sa lagoon. Dun niya ako madalas dalhin nung bata pa ako. Tahimik yung lugar na ‘yon, malaya kang makakapag-isip. Nung huling punta nya dun, di na siya bumalik. Di na siya nagpakita. Bigla na lang syang nawala.

Pumupunta pa rin ako sa lagoon. Kapag naaalala ko siya, pumupunta ako dun. Magpapalipas lang ng oras sandali. Lagi kong pinagmamasadan yung tubig sa lagoon, yun lang eh nakakapagpakalma na sa akin. Malinaw, saka malinis.

Mula nung di na niya kami binalikan, ako na yung umako sa pangangailangan ng pamilya. Maaga akong nagtrabaho. Nakakapagod. Ganun pala ang magtrabaho. Mahirap pa lang kumita ng pera. Mahirap pala yung suportahan ang pangangailangan ng pamilya.

Nagalit ako sa kanya kasi bigla na lang niya kami iniwan. Sa pagkakaalam ko maayos naman ang kanyang trabaho, kaya niya naman kaming bigyan ng sustento. Ewan ko ba kung anung nangyari sa kanya.

Kanina mula sa trabaho, dumeretso ako dito sa lagoon. Ganun pa rin ang tubig. Malinaw, saka malinis. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit niya kami iniwan. Ang alam ko lang, kapag nandito ako, pakiramdam ko kasama ko siya. Nandito ako kasi may problema ako. Ang sabi naman niya kapag malungkot ako pumunta lang ako dito.

Malamig pala ang tubig. Lalo na kapag palubog na ang araw. Namumula noon ang kulay ng langit. Unti-unti kong inilubog ang sarili. Nararamdaman ko yung lamig, papaakyakt sa aking bibig. Hanggang sa ang mga mata ko'y wala nang makita. Ang huli kong nasilayan ay ang kulay pulang araw. Hinayaan ko na matangay ako ng tubig. Bahala na kung mapunta man ako sa malalim…

Hindi nga siguro ganun kadali ang buhay. Hindi nga rin siguro ganun katatag ang aking tatay. Alam ko na kung bakit dito siya nagpupunta. Alam ko na ngayon kung nasaan siya...

x-o-x-o-x

PS: Nakapanuod ako ng isang documentary mga 2 oras bago sumapit yung bagong taon. Ang pamagat eh "The Secret of Life in Japan". Totoo pala na mataas ang bilang ng mga taong nagsu-suicide sa bansang 'yon. Marahil sa taas na rin ng demand ng pamumuhay dun. Akala ko nung una kung anong secret yung tatalakayin sa video yun pala tungkol yun sa mga japanese na di na kinaya ang 'pressure' ng buhay, halimbawa nagpapakamatay sila kapag di nagiging successful ang kanilang business. Para sa kanila, mas mabuti nang tapusin ang buhay nang may natitirang dangal kaysa danasin pa nila ang sobrang pagkabigo at pagkapahiya.

Naisip ko mabuti na lang ang mga Pilipino ay masasayahing tao. Kahit medyo mabigat ang problema o hagupitin man ng bagyo, tuloy pa rin ang buhay, makakangiti pa rin paglaon.

x-o-x-o-x

Kamusta naman ang Bagong Taon?


Sa sobrang yaman nga pla ng 'community' namin, ay nakeri naming i-guest si PSY dito sa aming lugar :)

Korek! Si PSY talaga! Walang halong biro. Mula hapon ng Dec. 31 hanggang ngayong Jan.01 nagko-concert pa rin siya dito sa lugar namin!!! Paulit-ulit na "oppa gangnam style" lol

Di pa ba sapat na mahigit 1 billion hits na s'ya sa YouTube? Kailangan talaga paulit-ulit patugtugin ang kantang yon. Da best talaga kasi iba-ibang version pa- original, pang-christmas, remix, pang-disco, pang-pirated na tumatalon, mashup, techno, kulang na lang yung acoustic version din.

At napaka-romantic din ng aming new year. 6 seconds bago mag 12 midnight nag-brown out dito sa lugar namin! Lights out talaga, kaya no choice 'candle light' mode kami lol. First time ko mag-new year ng brownout! Mga 1:30am bumalik na yung kuryente kaya tuloy ang putukan at concert ni PSY featuring ryzza chacha and pusong bato.

Hapi New Year! Napahaba ulit ang note ko.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...