Mga Pahina

Linggo, Nobyembre 25, 2012

TENthings: Kamusta na Me?



1. Yung ginigising pa rin ako ng nanay ko para pumasok, kahit malaki na ako at kaya ko naman na gawin yun mag-isa :)

2. Yung makapag-kape sa umaga at makapag-almusal bago umalis ng bahay...

3. Yung may babati sayo paglabas ng bahay kahit di mo naman sila ka-close or kakilala :) na dala lang siguro ng uniform na suot ko :)

4. Yung nakakasalubong mo yung mga dati mong students habang papasok sa school na isisigaw pa yung pangalan mo sa daan, mapansin mo lang sila...

5. Yung maggu-good morning sayo ang lahat ng makakasalubong mo papunta sa faculty...

6. Yung makakita ng maraming smiles :)

7. Yung dumadampi sayo yung sikat ng araw sa umaga habang papunta ka sa room sa third floor...

8. Yung makipag-kwentuhan at makipag-tawanan kahit maraming gawain...

9. Ang foodtrip after class :)

10. At ang matulog ng mahimbing kahit pagod.

...sampu lang yan sa mga bagay that I appreciate sa araw-araw na buhay.
...yan yung di naiintindihan ng iba, kung bakit nandun pa rin ako.
...yan yung di nila nakikita dahil di materyal na bagay.
...yan yung di mababayaran at di masusukat.

kaya, kung kakamustahin niyo man ako, wag mo sanang sabihin na napag-iwanan na ako
oo, wala pa akong ipantatapat sa kinikita niyo
baka nga mas maganda na ang kinalalagyan niyo ngayon, masaya ako para sa inyo :)

iba lang talaga yung pinili ko...
malay mo pag nagsawa na rin ako sa mga bagay na 'to
baka tahakin ko na rin ang landas niyo
at maikukumpara ko na rin ang sarili ko tulad ng ginagawa niyo...

pero sa ngayon...
bigyan niyo muna ako ng oras,
di talaga to nakakayaman... nakakapagpabago lang ng buhay :)

Martes, Nobyembre 20, 2012

Buhay, Misteryo at ang Paalala ni Mam Aning



Sa anong paraan mo ba gustong gamitin ang buhay mo?

Nakakatuwang isipin na maaring maging makabuluhan ang buhay mo sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.

Hindi lang puro pagyaman o pagkamkam ng mga materyal na bagay. Lagi akong naniniwala na higit pa dun ang dahilan kung bakit tayo narito at nabubuhay.

Hindi naman perpekto ang buhay ko... kahit ako ay di rin perpekto. Pero ang sarap maramdaman na sa kabila ng 'imperfections' mo ay nakapagbibigay ka pa rin ng tulong o inspirasyon para sa iba, yun lang eh parang napakasaya na. Yung tipong, di bale na kung 'wasted' ang buhay mo, at least baka sa ibang tao matupad ang mga hinahangad mo, baka 'oks' na rin yun :) At least yung mga sumunod sayong nabuhay ay di naging tulad mo :)

Kaya sa tuwing iisipin ko kung ano ba ang pwede ko pang gawin sa buhay na 'to, minsan sumasagi rin sa isip ko kung ano pa ba ang pwede kong magawa sa buhay ng iba? Sa ganung paraan, naiiwasan ko ang maging makasarili o yung mag-focus masyado sa sarili. Totoo pala na kung ano ang ibinibigay mo sa mundong 'to ay ganun din ang babalik sayo.

I am Mr. Mysterious...

Di ko alam kung ok lang ba na i-share ko yung blog ko sa marami ko pang mga kaibigan at kakilala. Iilan lang kasi, sa tingin ko, ang tunay na nakakakilala sa akin *yung deep inside me* :)

Itong blog kasi na 'to ay isa sa mga bagay na tumulong sa akin para mas makilala ang sarili, kaya naisip ko baka pag nabasa nila ang mga sinusulat ko, malaki ang chance na mas makikilala pa nila ako ng lubusan.

I'm not very vocal sa mga taong di ko pa talaga close or kapalagayan ng husto, kaya pag may iba akong kakilala na nakikitang masaya akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ko, nagtataka yung iba, ganun daw pala ako at kahit ako ay nagtataka rin kung bakit di nila nakikita ang pagiging masiyahn at 'artistahin' ko lol :)

On the other hand, iniisip ko rin na wag na lang. 'Cause I know time will come, they'll see me as a 'rising star' hahaha :)

"Araw-araw tayong nakikibaka..." sabi ni Ma'am Aning

Isa yan sa mga linyang di ko makakalimutan mula sa history instructor namin nung college. Sabi niya ang pakikibakang tinutukoy niya ay ang sa ating sarili.

Iniisip ko na marahil tama nga sila tungkol sa akin, pero lahat naman tayo ay may 'mysterious effect' ang buhay... na kung hindi tutuklasin kung ano pa ang nasa loob ng iyong sarili ay mananatili na lamang itong misteryo. Kaya dapat nating mapagwagian ang bawat pakikibaka sa ating kalooban higit pa sa labas na mundong ating ginagalawan.

Nagpapaka-deep na naman ako sa araw na ito.

x-o-x-o-x

Anong ganap sa buhay ko today?

Kaninang umaga, naghatid ako ng mga retreat letters para sa mga students bago pa dumating ang kanilang bus, syempre may kasabwat akong isa. Kahit medyo nakakapagod magsulat, sa katunayan nga ay di ko naman nagawan lahat, pinilit ko pa rin gumawa. Sayang kasi yung pagkakataon na masabi mo kung anong mabuti ang meron sa kanilang sarili, nang sa ganun ay di puro kamalian ang kanilang nakikita. Dahil hangga't may naniniwala sa iyong kakayahan at pagkatao ay napakalaking tulong na yon para sa paglago niya.

Nakakatawa lang na nag-ala 'ninja move' pa ako kanina para di mapansin ng marami, ang sarap ng feeling parang spy lang with disguise pa dahil 'pambahay mode' lang itsura ko kanina lol :)

Ayun lang. Salamat sa araw na to, nakapag-post din :)

Linggo, Nobyembre 11, 2012

Ngiti :)





I know how it feels to get out of the house na sobrang bigat ng nararamdaman, because you are so preoccupied by many things tulad ng problema. (taglish mode...)

I've been through that point... many times in my life. Kaya nga nung medyo naka-move na ako, nangako ako sa sarili na di na mauulit yun, maaaring mangyari pa rin, but this time, I'll make it sure, na kahit ano pa man yan, I can handle all of it!

Kaya whenever I walk out from the house, I always wear a 'smile' as if sobrang ganda ng magiging araw ko, kahit alam kong at the end of the day ay 'haggardness' pa rin ang ending... pero ganun talaga kaya 'smile' na lang.

Lahat naman kasi ng tao ay may dinadalang problema... ika nga eh, kanya-kanyang paraan lang yan on how you carry your problems :)

I believe na yung smile can be a source of inspiration, kaya di ko na yun pinagdadamot pa :) Akalain mo yun simpleng ngiti lang nakakapagpagaan na ng loob ng iba.

Kaya ugaliin natin ang pag-ngiti :) Malay mo, 'sang buhay bawat araw ang nababago mo.

*parang pang-commercial lang ng toothpaste*

Linggo, Nobyembre 4, 2012

Anong Drama ng Bangs Mo?



Sumasakit ba talaga ang 'bangs'?

Maraming bagay ang masakit sa bangs (kung meron man) gawin tulad ng mga sumusunod:

1. Pagko-compute ng grades.
Kahit may excel na para mapabilis ang pag-compute ng grades, masakit pa rin ito sa bangs. Ang hirap atang mag-record at mag-encode ng mga numbers. Nakaka-high na puro numbers ang makikita mo; ang sakit sa brain at sa mata :)

Tapus, kailangan mo pang i-analyze kung bakit bumaba o kung bakit may requirement na hindi napasa ang bata etc... (hanggang ma-haggard)

2. Pagbabasa ng mga Reaction Paper
Best in reading talaga kapag nagpagawa ka ng ganyan sa mga students. Nakakabulag sa mata :) Ok naman yung iba kasi computerized, madaling basahin. Yung iba kaydaling lukutin dahil kayhirap basahin lol. *joke lang* Syempre 'pag di mabasa, no choice, babasahin mo pa rin... *hanggang maduling*

Masarap namang basahin yung mga gawa nung bata eh... basta ba gawa talaga nila. Ang nakaka-insulto lang ay yung papasahan ka ng hindi makatarungang 'copy-paste' *ka-badtrip* Yung tipong pag binasa mo ay patalun-talon ang ideya ng mga paragraph... 'anyare? tagpi-tagping mga ideya? Nasasayang lang tuloy yung 'effort' ko. *humihingi ng simpatya lol*

3. Mahirap gumawa sa bahay kasi:
-wala akong enough space; 'pag gumagawa kasi ako gusto ko sakop ko ang lahat :)
-tapus nariyan pa yung pamangkin ko na laging gustong makipag-kulitan
-nakakainis na ako ay busy samantalang ang ibang members of the family ay hapi-hapi mode lang, syempre nakakatuksong maki-join :)
-tapus, lagi na lang nasa isip ko na hindi dapat maging ganito ang buhay ko lol :)

Ilan lang yan na para sa akin ay masakit na sa maikli kong bangs :)
Kaw? Anong drama ng bangs mo?

Biyernes, Nobyembre 2, 2012

Be Fearless; Basta ako Channel 4!



"I am lead by my dreams, not by my problems"- isa lang yan sa mga linyang natatandaan ko sa mga blogs na nababasa ko. Sabi nga, we have to be fearless, dahil kung lagi tayong matatakot to explore this life, sayang naman ang buhay. tsk'

Madalas, meron tayong tendency na i-anticipate ang mangyayari bukas base sa mga problemang dapat nating harapin... yung ganung tipo ng pag-iisip ay napaka-negative, nagdudulot lang ng pag-aalala at nakakapagod na madalas ay humahantong din sa wala. Sabi nga eh, lagi naman nariyan ang mga problema... kumbaga mga expected visitors na yan :) Kaya, totoo naman, na mas masarap isipin ang bukas dahil alam mong isang araw na naman ang madaragdag at lilipas para makalapit sa pagtupad ng mga hinahangad mo sa buhay :) Kaya relax lang... mag-chill at be cool... have faith, be fearless!


x-o-x-o-x

Ang weird pala kapag mga limang araw ka nang nasa loob lang ng bahay. Yung para bang nasanay ako na sa loob lang ng bahay umiikot ang mundo ko, yung limang araw na wala na akong natanaw kundi ang mga dingding at kisame ng bahay namin :) Tapus paglabas ko parang bagong mundo, parang bagong laya lang na preso lol :) Ang weird talaga kanina. Kahit lagi ko naman nakikita ang labas, parang lahat ay bago sa 'king mga mata :) 

x-o-x-o-x

Minsan ayoko na manuod ng tv. Puro naman remake ng mga koreanovela ang mapapanuod. Wala na bang bago? Wala na bang original? Yung makatotohanan at di puro pagpapakyut at kakornihan lang :) (demanding lang, sayang naman kasi yung tv namin eh kung puro ganun lang ang palabas)

Sa ngayon ang mga favorite channel ko ay 11 at 25; GMA News TV Channel 11 at Net 25 feed your mind! :) Pwede na rin yung channel 4 'pag wala nang option lol :) Masarap kayang manuod ng press conference... hmpf. (wala kaming cable, level 01 lang ang yaman namin hehe)

Huwebes, Nobyembre 1, 2012

Ang Pag-aaral, ang Undas at ang Trick or Treat :)



“You cannot teach a man anything; you can only help him find it within himself." - Galileo

Nung nag-aaral pa ko (high school at elem), naniwala ako na maaaring maituro ng isang guro ang lahat sa kanyang mga estudyante. Dati talaga akala ko ganun.

Tapus, nung nasa college na ako, naisip ko na maaaring mas marami akong matutunan sa sarili kong paraan, pero hinayaan kong maging biktima pa rin ako ng luma at walang muwang kong kaisipan. Palaasa sa maituturo ng mga professor... na pinagsawaan ko rin pero hinayaan ko na lang na maging ganun, kasi sa isip ko "eh ganun din naman ang marami".

Sa ngayon, na ako naman ang nagtuturo, nakikita ko pa rin ito sa mga mag-aaral. Tila lingid pa rin sa kanilang isip na mas marami at malawak ang kanilang matututunan kung bibigyan nila ito ng panahon para na rin sa kanilang sarili. Hangad ko na maisip nilang hindi perpekto ang mga guro nila sa kasalukuyan. Oo, maaaring marami ngang alam at kayang maibahagi ang isang guro, pero iba pa rin ang pagkatutong nagmumula sa kanilang sarili.

Sabi nga eh "children need to be taught how to think, not what to think".

Naalala ko lang yung guro ko nung high school sa literature, sabi niya di raw siya naniniwala na dapat i-motivate ang mga bata sa pag-aaral, para sa kanya, dapat ang motivation para matuto ay nagmumula sa mga estudyante mismo.

Minsan, marami lang talagang nagtatalong kaisipan sa loob ko. At ang mga ito ay epekto lang nang walang katapusang pagche-check ko ng mga papel :) Kapagod, bakasyon ngayon di ba? Pero di pa rin ako nilulubayan ng mga papel at bolpen. Tsk' :P Ang mga moment na ito ang nakakasira sa pagiging "tulala creature ko". Kainis ng konti LoL.

x-o-x-o-x

Kahit kailan, di ko pa naranasan ang pumunta sa sementeryo tuwing undas. Wala naman kasi ang puntod ng mga namatay naming kamag-anak dito. Lahat nasa probinsya. Tuwing bakasyon lang kami nakakauwi dun, kaya tuwing bakasyon lang din kami nakadadalaw sa mga puntod. Kaya never ko pa talaga na-experience na pumunta sa sementeryo kasabay ng maraming tao... Wala rin namang saysay kung makikidalaw ako sa mga puntod ng kamag-anak ng aming kapitbahay... Wala... wala atang pag-asa na minsan ay makigulo ako sa dami ng tao tuwing undas... sayang.

x-o-x-o-x

Tanong: Ikaw, kamusta naman ang undas mo?

Sa edad mo bang yan ay kumakatok ka pa rin sa pintuan ng may bahay sabay sabi ng "trick or treat!" tulad ng mga bata dito sa amin, na madalas dedma at pagpapalayas lang sa kanila ang nararanasan lol :) Feeling ko kasi sa mga nakatira lamang sa mayayamang subdivision "uso" ang mga ganun :) Kaya pag dito ka nag-trick or treat sa lugar namin... hay naku... kahit mapaos ka pa dyan... walang kahihinatnan :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...