Mga Pahina

Martes, Agosto 28, 2012

Ilang Bagay na Makati sa Isip



Ka-haggard naman ang mga nagdaang araw. Tatlong linggo nga kaming nawalan ng pasok, pagbalik naman super buhos ang biyaya ng trabaho. Yung tipong pumasok ka ng fresh tapus paglabas mo expired ka na haha. Ganun talaga. Hay buhay. Buti na lang nariyan pa rin ang tawanan at kulitan na dulot ng mga kaibigan mo sa trabaho :)

Dagdag pa ang extra challenge 'pag high tide. Bawal sumayad ang mga paa sa lupa kung ayaw mabasa. Matagal na nga ang byahe, mahal pa ang pamasahe.


x-o-x-o-x

Napapanahon na ba?

Nung nasa bakasyon mode ako (dahil sa bagyo, baha at high tide), naisip ko na mag-shift ng career. Feeling ko kasi, I need to expose myself to another type of workplace or environment para mag-grow tulad ng malalagong puno sa kagubatan :) Yung ideya na 14 years na nga ang inilagi ko sa eskwelahan, pati ba naman ang trabaho ko sa school pa rin? Siguro ayoko lang maging masyadong familiar sa atmosphere ng eskwelahan. Ganun lang. Di naman sa ayoko magturo, masaya naman talaga ang magturo eh, kinilig lang ako sa ideya na "ano pa kaya ang maio-offer ng life sa 'kin?" Exciting lang di ba :) Tapus saka na ako babalik sa pagtuturo after ng exploration period :) *dora?*

x-o-x-o-x

Totoo ba? Di nga?

Minsan inaatake na naman ako ng ka-morbidan na mga ideya sa buhay. Nais kong matuklasan kung totoong may langit :) *seriously?* Kaya 'pag natutulog ako I make a wish upon a star na mag-astral project ako sa heaven :) Eh kasi naman, isa ito sa mga misteryo ng buhay, yung feeling na di mo masasagot hanggat di mo masusubukang mamatay lol :) So, kapag napatunayan ko na may heaven, 'lam na, magpakabait kayong mabuti para maisalba :) Anu kaya ang buhay sa langit nuh? Yung tipong ang sarap isipin na anghel ka rin pala, akalain mo haha :)

x-o-x-o-x

Bakit nga ba ganun?

Oo, naniniwala ako kay God. Pero inaamin ko na di ako masyadong relihiyosong tao. Ni hindi nga ako makapagbasa ng bibliya araw-araw. Pero mahilig din naman akong makinig at manuod ng mga programang patungkol sa Kanya. Pero bakit nga ba di ginawa ng Diyos na kausapin tayo sa ating mga panalangin tulad ng pakikipag-usap natin sa kapwa tao? Yung tipong may naririnig ka talagang response... ang weird eh, pero sana ganun :)

At saka, ang sarap siguro ng feeling na nakikita rin natin s'yang nag-eexist dito :) Yung tipong palakad-lakad din Siya sa daan, bumibili sa tindahan tapus kapitbahay mo pa *ambisyosa* di ba? Bakit nga kaya di Niya ginawang ganun ang kanyang sarili? Bakit ba napaka-hiwaga ng mga bagay tungkol kay God... nakaka-kati ng isip, yung tipong parang may sinosolve kang puzzle na gustong gusto mong makuha ang sagot.

x-o-x-o-x

Yan lamang ang ilan sa mga random thoughts ng buhay ko ngayon. Kaw, anu naman ang sa iyo? :) Share!

Linggo, Agosto 19, 2012

Ano ang uunahin mo: Pamilya o Trabaho?



"Tutuloy ka pa rin ba sa trabaho? May sakit pa rin si Jake, di mo ba ako matutulungan sa pagbabantay?"

Yan lang ang hirap sa trabaho ko. Gusto ko man samahan ang aking asawa, wala akong magagawa. Ako ang sasalang para sa isang show mamayang gabi. Kailangan ko pa ring magpatawa kahit ang nararamdaman ko ay mabigat na.

"Pasensya ka na Gloria. Alam mo naman itong trabaho namin... Humanap na ako ng kapalit pero wala talaga... Bantayan mong mabuti si Jake. Babalik din ako agad."

Niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa bago ako umalis. Yun lang ang magagawa ko sa ngayon, dahil kung di ako magtatrabho wala rin akong ipangpapagamot sa anak ko. Umaasa na lang ako na magiging ayos lang ang lahat, lalo na ang anak ko.

Tuloy pa rin ang pagpapakita ng ngiti sa kabila ng pighati. Tuloy pa rin ang pagpapasaya kahit kaybigat na ng nadarama. Buhay payaso nga naman... ikinukubli ang nararamdaman gamit ang mga pinta sa mukha.

Pagkatapos ng pagpapalabas, dali-dali akong nagpunta sa likod ng stage para mag-ayos ng gamit para makabalik kaagad sa piling ng aking mag-ina nang biglang tumawag si Gloria na naginginig ang tinig...

"Da... si Jake... kinumbulsyon na naman kanina..."

"Oh anu na ang nangyari Gloria? Ok na ba si Jake? Pabalik na ako d'yan!"

"... hindi na niya kinaya... wala na siya."

Parang tumigil bigla ang oras. Tanging pagtangis na lang ng aking asawa ang narinig ko sa kabilang linya... Napaupo na lang ako. Nanghina ang mga tuhod ko sa pagkabigla. Sabay ng pagbuhos ng ulan nung gabing 'yon ang aking mga luha.

Nang biglang may narinig akong boses mula sa aking likuran...

"Bakit po kayo umiiyak?"

Boses ng isang bata. Hindi ko na nilingon dahil alam kong isa lang siya dun sa mga batang nasa party na nakapanuod ng aking palabas. Pero hindi ko malaman, sinagot ko pa rin siya...

"Umiiyak ako kasi... hindi ko na muling makikita yung anak ko... kasing edad mo rin siya marahil..."

"Tahan na pa..."

"Jake!"

Paglingon ko'y wala akong nakitang bata... pero nasisiguro kong nasa likod ko lamang siya kanina... Tumingin akong mabuti sa paligid, ngunit ako lamang ang narito. Ang boses na yun... yun ang tinig ng anak ko...

Sabay ng pag-agos ng aking luha ay ang pagkabura ng pinta sa aking mukha. Kahit anu pang pagtangis ang aking gawin, di ko na muli s'yang maibabalik...


"Payaso"
-jep buendia

x-o-x-o-x

1. Naalala ko lang yung kwento ni Pokwang kaya naisulat ko ang kwentong ito.

2. Ang mga tao talaga sa amin, ang sunday ay official "videoke day". Palakasan ang laban? At kailangan sabay sabay? Grabe ang sakit sa tenga, kakabingi. Libre konsyerto dito. Nakalimutan ata nila na may mga kapitbahay din sila.

3. Malapit nang bumalik ang buhay ko sa dati may pasok na sa miyerkules! Makakausad na rin ang buhay ko :) Thank you Lord haha :)

4. Ikaw? Anu ang sunday sa inyong komunidad? *tagalog talaga*

Sabado, Agosto 18, 2012

It's OK Not To Be OK



Kaninang umaga nakita ko na naman ang mga kalapating lumilipad... Naisip ko, buti pa sila malaya, eh ako padungaw-dungaw lang dito sa bintana.

Napansin ko na, may isang kalapati sa grupong iyon na parang may problema sa kanyang paglipad... Maya-maya'y nabaling sya sa kanan, at muntik nang sumadsad sa lupa... buti na lang nakabawi siya ng lipad.

"Elena!!! Anu bang ginagawa mo dyan! Halika nga't bumaba ka dito. Wala ka nang ginawa kung di ang dumungaw dyan!!! Tumulong kang mag-ayos dito para mamyang gabi. Dali!!!"

Gabi-gabi na lang laging ganun... Tuwing pagkagat ng dilim, sya ring pagsadsad ko sa putik. Elena... pinaikling Magdalena. Nakakatawa. Isa rin pala akong kalapati... hindi malaya... mababa ang lipad... Makakaalis pa ba ako sa ganitong buhay? Sawang-sawa na ako sa ilalim ng pulang ilaw.

"Anu ba?! Ang tagal mo ah!!!

Hay naku... nagwawala na naman ang balyena. Sana pagkatapos nito, makabawi rin ako ng lipad.


"Elena"
-jep buendia

x-o-x-o-x

"Why am I doing this to myself?"
Losing my mind on a tiny error,
I nearly left the real me on the shelf.

Haha :) Minsan talaga shunga-shunga lang ako. May topak ako na ayokong nakikitang nagkakamali ang sarili ko. Feeling ko kasi people around me will not forgive kung magkamali man ako. Yung tipong parang walang lugar sa mga mata nila kahit na maliit na pagkakamali ko. In short, dati, I tried to fit into their expectation hanggang sa di ko na nakikita yung sarili ko... na di naman pala talaga ako perpekto... at yun ang totoo.

Don't lose who you are in the blur of the stars!
Seeing is deceiving, dreaming is believing,
It's okay not to be okay.

Tapus, oo masaya pag natutupad mo yung inaasahan nila sayo. Pero pagkatapos nun... wala na. Nasunod mo nga ang expectation nila, pero ako naman sa bandang huli  ang totoong nawawalan. Tama. Hindi lahat ng nakikita ay katotohanan. Minsan, maniwala ka, kung anu ang nasa puso mo, yun talaga ang totoo :) Minsan okay lang naman pala talaga ang hindi maging ok :) Kasi nga di naman tayo perfect...

Sometimes it's hard to follow your heart.
Tears don't mean you're losing, everybody's bruising,
Just be true to who you are!

Inaamin ko na nung una, naninibago ako, pero masarap din pala talagang sundin kung anu ang gusto mo. Nariyang lalayuan ka nung mga taong dati'y nakaikot sa iyo. Akala nila nagbago ka na, pero ang di nila alam, sinunod ko lang ang nasa puso ko. Nakakatawa nga eh, tinawag nila akong talunan :) Tapus, dati akala ko, talunan lang ang umiiyak. Pero tuwing gabi, inaasam ko ang pagpatak ng aking luha. Kasi dun ko nakikita ang totoong sarili. Na vulnerable din akong tao.

The more I try the less it's working...

Nainis lang ako nung na-realize ko na, ang tagal din pa lang naging sunud-sunuran ako sa iba. Yung tipong todo effort ka to please everyone... pero di naman pala talaga ganun... buti na lang natauhan na ako...

Real talk, real life, good love, goodnight,
With a smile, that's my home!
That's my home...

Matapos kong kumawala sa kung anu man ang gustong mangyari sa kin ng iba... Dun ko lang naintindihan ang pagiging malaya. Yung buhay ko ngayon, ito na yung umpisa ng good life :)

Just be true to who you are!

"Who You Are"
-jessie j

"Naka-Relate Lang"
-jep buendia

link:

Huwebes, Agosto 16, 2012

Pwede Bang Ako Muna Ngayon?

Palihim kong kuha habang nagkaklase...
Nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo (kala mo naman napakatagal na ang lumipas) kapag di ko na masyado ma-absorb ang pinag-aaralan namin, madalas tulala lang ako sa bintana... naghihintay ng uwian :)

Yun yung mga moment na haggard na yung utak ko (wow meron?) para makaintindi pa ng kung anek-anek na lesson.

Kaya madalas talaga akong maupo malapit sa bintana. Kasi bukod sa mahangin, meron pang libreng short course sa photography haha, syempre gamit lang ang cheap kong nokia 3500c :) *bestfriend*

So habang busy ang lahat sa kakatalak dyan sa harap, super hanga naman ako sa cloud formations at ang kulay ng langit lalo na tuwing paglubog ng araw. Para sa akin droga na yun :) Nakaka-high ng feeling :)

Iniisip ko kasi na ang mga formation ng clouds na ang pinakamagandang artwork sa lahat... kasi walang kahit na sino man ang maaaring magdikta ng hugis o porma nito.


x-o-x-o-x

Naalala ko yung sinabi nung prof namin sa psychology, sabi niya hindi natin dapat pinipigil ang ating nararamdaman. Halimbawa kung galit na galit ang kaibigan mo dahil hiniwalayan ng syota, wag mo syang pakalmahin lang dahil di mo naman talaga naiintindihan ng lubos ang nararamdaman niya. Hayaan mong maubos sa isang iglap ang lahat ng kanyang galit.

Kaya nga daw may mga taong hirap mag-move on kasi lagi silang naka-linger pa rin sa di maubos na emosyon. In other words, dahil dun tawagin na lang natin silang mga shunga haha :) *ang sama*

Kaya nga kapag badtrip ako at medyo wala sa sarili... aba nilulubos ko na :) Baliw-baliwan na ito to da max para maubos agad ang topak :) Nandyang kain ako ng mga junk foods tutal patapon na rin ang buhay na 'to! lol :)

O kaya, soundtrip... basagan ng ears :) Or ligo to da max, yung tipong gumagawa pa ako ng sariling ulan sa banyo hahaha. Ganun lang. After ng isang bagsakan na baliwan blues... ayun back to abnormality :) Tuloy ulit ang life.

x-o-x-o-x

Maipapayo ko na masaya at makabuluhan ang pagsusulat. Mula nung hinayaan ko ang sarili ko na magsulat *kahit ano*, dun ko lang mas naintindihan ang sarili ko. Dun ko nakita na di naman pala ako laging naka-depende sa pananaw o payo ng iba... na meron din pala akong sariling mga paniniwala at ideya.

Natutunan ko rin na gamitin na lang ang masasakit na karanasan o nararamdaman para makagawa ng isang kahit super ikli lang na kwento. At least, di ako masyadong nagpapadala sa masasakit na bahagi ng buhay. *taray! drama?*

x-o-x-o-x

Speaking of nosi balasi, na-realize ko na hindi naman pala lahat ng kaklase ko ay naging super close ko... pero di ko naman din sila kagalit o kaaway. Wala lang. May ganun lang siguro talaga.

Ok na rin sa akin yun, kaysa naman yung mga nakapalibot na tao sayo ay feeling close di ba? hahaha. Yung tipong sarap ibaon sa lupa :) at sampal sampalin ang mukha lol :) *sadista talaga ako* at i-ngudngod sa putik at sabihan ng "hoy! close ba tayo?! lumayo-layo ka nga sa 'kin ah, naaalibadbaran ako sayo parasitiko!" hahaha :)

Well, so far, wala pa naman akong nasabihan nun, coz i'm kind :) *naubo... with phlegm*

x-o-x-o-x

And it's not really worthy to stay in a rat race. Yung mga taong nasa ganung kalagayan... hay ewan. Basta ako, eto proud tulaley. Pagod na ako sa rat race na yan. I've had enough. 

Yung tipong may makakasalubong ka tapus sasabihin "Uy! kaw na ba yun yung anu eklabu *mga papuri* kamusta ka na?... bakit ganyan ka na?" *anu?*

Minsan tuloy napapatingin ako sa salamin... may mali ba sa dati nang mali kong mukha? yung tipong lahat na lang... materyal ang batayan.

Pwede ko namang sabihin na "Lam mo successful na rin naman ako eh. Pinalaya ko yung sarili ko sa stereotype na kalagayan ng lipunang ito. Pinamuhay ko yung para sa kin ay tama at totoo. Ginawa kong batayan ang aking sarili. Kumikilos ako at nabubuhay nang hindi masyado naka-depende sa iba. Pwede na ba yun sayo? Kung hindi, sa kin ok lang."

Soplak ko na sana eh... kaso yung napadaan... hindi pala ako ang kausap. So eskapo mode na lang ako haha :)

Ang mahirap sa mundong 'to, pag nabigyan ka ng ganito, akala nila lahat na nasa iyo. Pagbibigyan ko ba sila... malamang hindi... pasensya na... PINAGBIGYAN KO LANG ANG AKING SARILI.

Sabado, Agosto 11, 2012

Paalala ng 3 Idiots: "All is Well"

Grabe. Isa kami sa maraming 'pinalad' na nasalanta ng matinding buhos ng ulan at pagbaha. Mahirap. Nakakabadtrip.

Pero kung ikukumpara ko yung naranasan namin sa iba, feeling ko wala akong karapatang magreklamo... kasi ngayon kahit pa'no nakakaraos na kami, di tulad ng iba na patuloy pa rin ang nararanasanang hirap.

Kaysaklap. Sana lang patuloy na ang pagganda ng panahon para 'everybody happy' :)

1. Nanghihinayang
Nung sabado lang lumisan nang tuluyan ang panauhing pandangal namin sa bahay... ang baha. Nasiyahan s'ya masyado sa space na binigay namin sa kanya para makapasok s'ya nang tuluyan sa aming munting tahanan. Actually, tuwang tuwa kami dahil ang dami nyang pasalubong sa amin na basura :) Gara! Galante pa :)

Nanghihinayang ako kasi, di tuloy ako nakagala nung sabado, wala si mudra eh, so ako talaga ang kailangang maglinis... hay... Di tuloy ako naka-attend ng birthday ng kaibigan ko... ako lang ang wala sa dabarkads... ang ending nakakalungkot kasi ako sa ang wala sa japan-japan *picture* :(

2. Instant Career
Naulit na naman ang shooting ng titanic sa bahay. Sabi ni direk kelangan ng part two. Tumabo ng husto ang tubig baha... ayun na nga umabot sa bahay namin. Extra lang naman ako sa pelikula, wala namang kinita...

At yun pa rin naman ang role ko... ang magtaas ng aming mga gamit. Sinulit ko nga eh, sayang ang exposure :) Ma-nominate kaya ako? Best in Over Acting? :) Yung tipong kahit damit lang mga binubuhat ko, binuhos ko talaga ang buong pandama ko para mai-portray ko ng maayos ang pagbubuhat... ang ending- inabot ng baha yung ilang damit namin, pero oks lang, may award naman kay pudra eh :) Ang kupad ko daw kasi... eh yun yung nasa script eh, magagawa ko? :)

3. Instant Model na rin?
Well, di ko naman to inasahan. Two nights tumagal ang aming pictorial. Dahil nga meron kaming panauhing pandangal *baha*, dun kami lahat natulog sa itaas. At dahil brownout, dun ako pumwesto sa may maliit na bintana. Walang kuryente. Madilim. Eh wala akong magawa *bukod sa wala akong makita* ayun pinaglaruan ko ang liwanag ng mga kidlat. Feeling maraming flash ng camera sa paligid :)

Dinama ko ang bawat liwanag na nalilikha ng kidlat papunta sa munting bintana. Ganun pala ang feeling ng isang celebrity, bubulagin ka sa mga flash ng camera *kidlat* Magrehistro naman kaya ang mga pose ko sa langit? haha :) Dami kong japan-japan dun ah. Dalawang gabi kong ginawa ang trip na yun. Mukha na nga akong sinto-sinto eh. Ayun, kahit madilim, enjoy pa rin lol :)

On the other hand, feeling ko talaga minumura ako ng langit sa bawat matatalim na guhit ng kidlat at super lakas na dagundong ng kulog. Marahil nabadtrip lang sila sa ginawa kong trip. "Pose ka pa dyan ah, etong sayo !$#&!!@%!" parang ganun.

4. At kapag walang makain, "oh eto BISCUIT" :) Da best pamatid gutom habang naghihintay ng grasya :)

5. Mga Alaalang Nawala
Nung bagyong Ondoy, naitapon ko na ang kalahati ng aking mga memorabilia *mga picture, sulat, journal, test paper, ID, magagandang project, etc abubot* Nag-iipon talaga ako nun para kapag tumanda na ako at hirap nang makaalala ay kukunin ko lang ang mga gamit na yun at *presto* balik alaala :)

Pero, wala na eh. Nabasa lahat. Tinapon ko na. Tsk! Balak ko pa naman yun ipakita sa mga pamangkin o magiging anak ko at ipamana sa mga susunod pa sa aming lahi :) Ipon na lang ulit. Wala na tuloy natirang sulat mula sa mga estudyante ko... lahat nabasa. Pati yung apat kong journal kung saan una akong nagsulat. Wala. Taon pa man din ang binilang ko para dun. Leche flan... kaytamis. Di ko na mababalikan ang mga una kong naisulat pati na rin yung pinakatatago kong talaarawan. hay... :(

6. NGA-NGA
Sa sobrang desperado ko na mapahinto ang malakas na ulan, naisip ko lang, kung lahat ng tao ay nga-nga-nga para saluhin ang tubig ulan... maiiwasan kaya natin ang baha?

Tapos, naisip ko pang gumamit ng genetic engineering para makalikha ng bagong breed ng mga halaman na matakaw sa tubig... nang sa gayon mas mapabilis ang paghupa ng baha.

Pero da best talaga yung NGANGA solution. Yun talaga ang solusyon.
Kaya pag may malakas na unos, halina't ngumanga tayo! lol :) Sabay-sabay saluhin ang ulan! Yum Yum Yum!!!

7. Center of Excellence: Swimming
Kakatuwa dito sa lugar namin. In two weeks time natuto nang lumangoy yung mga bata dito ng dahil lang sa baha. Panalo. Malay mo, nandito sa amin ang susunod na olympic champ! Go for the gold!

8. Bakit nga ba?
Ang mga kalokohan ay di rin mawawala. Sabi nung mga thunders na lalaki sa lugar namin-
"Bakit bawal lumusong sa baha ang mga babae?"
Sagot: Eh kasi daw may sugat. Malalim ang biak, baka daw mapasukan ng kung ano at maimpeksyon.

Eh may sumabat na ale: "Maghuhugas naman ah!"
OK. haha :)

Syempre, nariyan din ang 'inuman tuwing baha'.
Akala naman nila cool... weh... 

x-o-x-o-x

*ang haba lang di ba...
*super update ako...
*mabuti na lang napanuod ko yung 3 Idiots bago pa ako nawala sa kabihasnan
*kaya kahit nangangamba, lagi ko na lang sinasabi "all is well"
*yun ang natutunan ko sa pelikula

x-o-x-o-x

Pagsasanay:
1. Ikaw, kamusta ka?
2. Lumilikas din ba ang mga multo kapag baha? Sa'n sila pumupunta?
3. Inalala mo ba yung mga ipis at daga noong kasagsagan ng baha? Kawawa naman sila di ba? *walang masilungan*

Sabado, Agosto 4, 2012

Pag Pinisil Bastos Agad?

Ang larawan ay mula dito.


LIGAW
-jep buendia-

Syempre, iba talaga yung feeling kapag kasama mo yung 'love of your life'... kilig to da bones :)

Madalas kaming tumambay nun sa Manila Bay... sabay naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw... napaka-romantic ng scene.

Habang nakaupo kami, hiningi ko ang kamay ni Bea. Iniabot naman niya yun sa kin. Hinawakan ko ng mahigpit. Ang sarap hawakan ng kanyang kamay... malambot at banayad. Pinisil-pisil ko ang kanyang kamay tapus...

PAK! *'sang malakas na sampal*

Bea: Ang bastos mo Daniel ah!!!
Daniel: *nagtataka* Ano? Anu bang ginawa ko? *hawak ang pisnging nangiwi sa pagkakasampal*
Bea: Ayoko ng ganito...

Nagpumiglas si Bea. Tumayo sya't tumakbo papunta sa kabilang kalsada. Di niya namalayan, may paparating pa lang humaharurot na sasakayan at...

Daniel: Beaaaaaa!!!! 

Isang malakas na kalabog ng pagkakabunggo. Kumalat sa kalsada ang dugo.

Nang imulat ko ang aking mata, nagising akong nasa kandungan ni Bea. Laking pasasalamat ko... bangungot lang pala.

Bea: Oh anu bang nangyari? Parang takot na takot ka?
Daniel: Akala ko kasi wala ka na. Ayokong mawala ka Bea. *niyakap niya ito ng mahigpit*

NGUNIT... pagtingin ko sa mukha niya'y... dugo ang umaagos mula sa kanyang noo.
Maliwanag ang buong paligid... di ko namalayan duguan din pala ako...

Habang nakaupo kami, hiningi ko ang kamay ni Bea. Iniabot naman niya yun sa kin. Hinawakan ko ng mahigpit. Ang sarap hawakan ng kanyang kamay... malambot at banayad. Pinisil-pisil ko ang kanyang kamay tapus...

TEKA... bakit nauulit ang pangyayari?

Ah... oo nga pala. Sabay kaming naaksidente ni Bea. Hinabol ko siya at pareho kaming nabundol ng sasakyan.

Kaming dalawa ay mga LIGAW na kaluluwa. Paulit-ulit na mabubuhay... HINDI na muling magkakaHIWALAY.

x-o-x-o-x

Kamusta? Mabuti pa ang mga ligaw na kaluluwang 'to may endless love :) Pero ang kabit na si Lyn wala. Well, ganyan talaga ang buhay...

x-o-x-o-x

Pagsusuri: Sagutin ang mga tanong:
1. Naniniwala ka ba sa mga ligaw na kaluluwa?
2. Gusto mo rin bang maging tulad nila? Kung oo, dadalawin mo ba kami?

Luhang KABIT ng Pamamaalam



KABIT
-jep buendia-

"Alam ko na darating din tayo sa puntong ito. Malungkot man pero, sabay nating lilisanin ang mundong ginawa natin. Inasahan ko na rin na baka mangyari nga... na baka nga di talaga pangmatagalan... baka nga... siguro tama sila.

Pero... nais kong malaman mo na, nung mga oras na yun...masaya ako.

Ang hirap pala ng ganito...

Akala ko kasi wala nang katapusan yung mga oras na magkasama tayo... pero... yun na nga... dumating na."


Nung mga oras na yun... Walang ibang naramdaman si Lyn kundi panlulumo at awa. Wala man lang ni isang salita s'yang nabanggit sa pamamaalam ni Ricky. Batid niya na wala siyang karapatang ipagtanggol ang sarili... isa lang siyang kerida. Kabit.

May pamilyang dapat balikan si Ricky. Samantalang siya... akala niya'y makakaalis na siya sa dati niyang gawi. Pero hindi pala. Natapos din ang mga masasayang panaginip. Ito ang pinakamalungkot para sa kanya.

Walang namutawi sa kanyang bibig. Unti-unti... naramdaman na lang niya ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi... tumakbo na lamang siyang papalayo kay Ricky. Umaasa na MABUOng muli ang sarili.

x-o-x-o-x

Wala akong tanong ngayon... ikaw meron ba? :)
Nung nakaraan super tawa ako kay Elsa. Tapus bigla na lang ako nalungkot. Ano 'to karma? lol :)

Huwebes, Agosto 2, 2012

Mahirap 'Pag Brokenhearted

Oh Gener 'anyare?


1. Isang linggo talaga kaming nawalan ng pasok dahil sa bagyo. Kahit di na ganun kalakas ang ulan, napakatagal namang humupa ng baha. Nag-enjoy sa pagtambay.


2. Kung alam ko lang na 1 week mawawalan ng pasok, umalis muna sana ako sa lugar namin. Stranded. Di makalabas ng bahay. Ayoko rin lumusong sa baha, dirty eh! :) *arti* Lam mo na maselan... Baka mabasa ang 'maselang bahaghari' lol. Hirap nun pag inatake ng germs :) *ang kati?*


3. Sya nga pala, wala na akong ibang kaharap at kausap kundi ang monitor. Nabubulag na nga ako eh kakatitig sa kanya.


x-o-x-o-x

Dear Charot,

Di ko naman sinasadyang masaksihan ang isang eksena kanina... Malay ko ba? Isa lamang akong tulala na nilalang kanina sa bintana dahil pinagmamasadan ko ang baha... sosyal nga eh, umaagos na ang baha ngayon, may waves at kuryente pa:)

Nakita ko ang neighbor naming lasengga with her julalay friend, nag-aaway sila ng kanyang boyfriend at ganito nga ang nangyari....

-tingininginingning- *sound effect yan*

EKSENA
-jep buendia-

Tagpo: Sa bahang daan *with so many dirty things lol*
(ang tubig baha ay lampas tuhod)

Mga Tauhan: *di tunay na mga pangalan*
Elsa - ang lasenggang brokenhearted
Beth - ang kaibigan ng brokenhearted
Ron - ang manloloko

"Walanghiya ka! Kapal ng mukha mo... Sige ano pa bang panloloko ang ginawa mo?!" Ang taray lang ng linya ni Elsa, kaya yung pagkakatulala ko sa bintana ay nagambala. Na-excite ako eh :) feeling ko may 'shooting', pang-teleserye ang level. Kaya dun ko tinuon ang aking priceless attention...

Basa na sila ng tubig baha, pero tuloy pa rin ang eksena... Tinulak-tulak ni Elsa si Ron, kasi nga gusto niyang paaminin yun sa mga kasalanang ginawa niya habang sila pa. Alalay lang sa trip ni Elsa si Beth, si Ron naman super sorry sa kanyang sin...

Beth: Tama na Elsa, umuwi na tayo, lasing ka eh...
Elsa: Bitiwan mo nga ako, hayop tong lalaking to eh! *sige pa rin ang pagtulak at pananapok niya kay Ron*
Ron: Sorry na... ano ba? *sinasalag ang mga palo ni Elsa*

Tumagal ng ilang segundo ang ganung eksena nang biglang...

Elsa: Umalis ka nga sa harapan ko!!! *habang dinuduro si Ron*

Umatras naman talaga si Ron kasi nga masakit na ring salagin ang mga palo niya... Yun nga lang pag-atras niya saktong pasugod si Elsa, eh lasing ang bruha, kaya pag-move forward niya ay wala siyang napalo... nawalan siya ng balanse at...

Boom! LUBLOB ang lola mo sa baha:) *super tawa talaga ako*
Pero wag ka... bumangon "wet look" haha :)

Syempre pahiya ng konti. Bumangon talaga siya... yung tipong parang nagmula sa lupa haha :) PLAKDA kasi yung pagkakasubsob niya eh. Da best talaga kung nasaksihan nyo lang.

Ang ending, kahit nalublob si Elsa sa nangingitim na tubig baha mega sugod pa rin siya kay Ron *makaganti lang*. Dun na natapos ang pag-oobserve ko, kuntento na ako dun.

Siya nga pala, yung kaibigan niyang si Beth, mega-tawa lang din nung malublob si Elsa sa dirty water... walang ginawa. Tsk'

Mahirap talaga pag brokenhearted... naluLUBLOB sa baha.

x-o-x-o-x

Pagsusuri: Ibigay ang iyong opinyon sa mga sumusunod:
1. Masama na ba ako dahil tumawa ako sa nasaksihan ko?
2. Anong payo ang maibibigay mo kay Elsa?
3. Mabuti ba talagang kaibigan si Beth? O epal lang siya sa eksena?
4. Kung ikaw si Beth anong gagawin mo?
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...