Mga Pahina

Martes, Hulyo 31, 2012

Bubot na Tsiko nga ba?



BAHA
-jep buendia-

Tuwang-tuwa si Marimar dahil baha na naman sa kanilang lugar. Yung kalsada sa labasan ay nagsilbing instant swimming pool ng mga bata.

"Hoy!!! Dali, bilisan niyo. Dito oh medyo malalim, makakalangoy tayo!" Damang-dama niya ang pag-iimbita, seasonal lang kasi ang mga ganitong eksena. Dali-dali namang nagsunuran ang mga kaanib niya.


Marimar: Betong, wag mo masyadong i-nganga yang bunganga mo!
Betong: *super saya sa paglangoy* Eh bakit ba? Di ako makahinga eh baka malunod ako! *sige pa rin ang pag-eexplain at paglantod ni betong sa tubig*

Nang biglang...

Betong: *eh nakanganga pa rin* Urk!!! *ubo-ubo*
Marimar: Oh anung nangyari sayo? *nilapitan si betong at tinapik ang likod nito*
Betong: May nalunok ako!!! *ubo-ubo pa rin*
Marimar: Ano yun? Iluwa mo dali! Nganga ka kasi eh :)
Betong: Nakita ko... kulay brown eh!!! *naiiyak*
Marimar: Yak!!! Tae yun Betong! Tae! Kadiri!
Betong: *umiiyak* Hindi... di yun tae, BUBOT na tsiko lang yun! *humahagulgol na... yari sa nanay*

At diyan nagtatapos ang adventure ni Marimar at Betong. Di ko na kinaya ang mga sumunod na eksena :) SPG. Di dapat tularan.

x-o-x-o-x

Panuto: Kumuha ng papel at sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit mahalaga na hindi ngumanga kapag naglalantod sa tubig baha?
2. Naniniwala ka ba na bubot na tsiko lang ang nalunok ni Betong?
3. Masama ba o mabuti ang idudulot ng bagay na nalunok niya? Ipaliwanag.
4. Maliligo ka rin ba sa baha? Kung oo, anu ang dapat mong gawin para hindi matulad kay Betong?
5. At panghuli, mabuti bang kaibigan si Marimar? Kung ikaw si Betong... gugustuhin mo ba?

Lunes, Hulyo 30, 2012

Isang Araw sa Buhay ni Lukresya



LUKRESYA
-jep buendia-

"Hoy! Lukresyang baluga, maligo ka naman nang pumuti ka!" pasigaw na panlalait ng isang batang iskwater kay Lukresya, walang humpay na tawanan at panlilibak na naman ang kanyang naranasan mula sa mga kalaro niya.

Hindi napigil ni Lukresya ang sarili. Di niya napigilan ang galit. Kahit maliit ang pangangatawan, sumugod pa rin siya, tulad ni Taguro ginamit niya ang kanyang 100 porsyentong lakas at nakipagbuno sa mga kaaway. Ang ending, dahil feeling malakas si Lukresya, ayun lupaypay at may black eye :) Gula-gulanit ang damit... daig pa ang nahalay lol.  Wala siyang magawa... kundi ang umuwi sa Ina.

Lukresya: Ina, bakit ba inaasar nila akong baluga?
Ina: Di pa ba obvious anak? Isa kang negra! Itim ang iyong kulay, loka loka ka talaga! Alam mo namang totoo eh bakit ba pinatulan mo pa sila? Kita mo nangyari sayo!
Lukresya: Pero Ina, gumagamit na ako ng papaya? Di pa ba yun sapat?
Ina: Masyado kang naniniwala sa mga komersyal... Kahit kayasin mo yang balat mo, itim pa rin ang kulay mo hahahaha!
Lukresya: Ang sakit naman ng sinabi mo Ina. Eh sayo lang din naman ako nagmana.
Ina: Kaya nga, tanggapin mo na ang katotohanan. Loka ka talaga! Maging proud ka sa kulay natin, kaunti lang tayong mga itim. Halika ka nga gamutin natin yang mga sugat mo... basagulera!

At pinunasan at ginamot nga ng Ina ni Lukresya ang kanyang mga sugat... pero...

Lukresya: Ina... matanong ko lang, anu ba yang pinapahid mo sa mga sugat ko?
Ina: Betadine!!! Ano pa ba?
Lukresya: Eh bakit iba ang amoy... amoy... ano eh...

At inamoy ng Ina ni Lukresya ang likidong kanyang pinapahid sa mga sugat ng anak... at...

Ina: Hahahahahahaha! Naku... pasensya ka na anak, kala ko betadine, TOYO pala! :) O sya maligo ka na lang nga muna hahahahahahaha!!!! Pasensya na, loka rin tong nanay mo eh :) Lam mo na mana mana lang yan :)

*isang araw na naman ang lumipas sa buhay ni Lukresya at ng loka niyang Ina*

x-o-x-o-x

1. Wala na naman sa katinuan ang isip ko :)
2. Wala rin kaming pasok ngayon. Bukas kaya?
3. Wala ring mabuting naidulot ang bagyong Gener... kundi baha.
4. Wala bang pasok bukas dahil sa baha?
5. Sana wala. Kasi nga baha :)

Linggo, Hulyo 29, 2012

Emo Rain Again



ULAN
-jep buendia-

Bakit ba
bigla ka na lang nawala?
Akala ko ba
di mo na ako iiwan?
Heto ako ngayon
nag-iisa...
Lumuluha
kasabay ng buhos ng ulan.





1. Hanglamig naman. Nakakaantok. Sarap matulog :)
2. Ang lakas ng ulan... aabot kaya 'to hanggang bukas? *para walang pasok haha*
3. Nagmasipag ako kanina. Ang dami kong tsinekan at nirekord. In other words, pinarusahan ko na naman ang sarili ko dahil sa aking kaunting katamaran :) Pero oks lang, nag-enjoy naman ako *ang weird nga eh* samantalang yun ang pinakaayaw kong gawin.
4. Ganun pa rin ang sabado... tulala moment *meditation time*
5. Sana may chatbox din dito sa blogosphere katulad sa fb :)
6. Marami na naman akong binabalak... na hindi naman talaga matutupad.
7. Ewan ko kung bakit naghahanap ako ng mentor... *protege?*
8. Sana may mabasa pa akong libro. Di na ako nakakabili eh.
9. May magpasaya kaya sa akin bukas? :)
10. Gusto ko ng makakausap. Yung matino haha :) *di tulad kong loko* (kunwari)

Sabado, Hulyo 28, 2012

Padyak at Pagpag



PADYAK
-jep buendia-


Wala akong magagawa. Kailangan gising na ako bago pa sumikat ang araw. Kailangan kong magpadyak para sa kanila.


Ito na ang trabaho ko. Sa ganitong paraan ko na rin binuhay ang pamilya ko. Dapat akong kumita, kahit pa kaunti lang, dahil kung hindi... wala man lang akong iaabot na pambaon sa aking mga anak kahit limang piso lang. Yung may manguya man lang sila sa eskwelahan.


Mahirap... pero kailangan kong tiisin... ang puyat, pagod at init ng panahon. Lahat ng ito para sa kanila... sa aking pamilya.


Minsan nasisiraan na rin ako ng loob. Hindi lang kasi perang panustos ang pinoproblema ko. May sakit din na tuberculosis ang asawa ko. Sumasala na nga kami sa pagkain... gamot pa kaya ay mabibili pa namin? Naaawa na rin ako sa mga bata, baka kasi sila rin ay mahawa. Anu naman ang magagawa ko? Tanggap ko na sa sadyang mahirap lang kami dito sa mundo.


Minsan iniisip ko kung kakayanin ko pa ba... Kung sa bawat padyak ba ay matatapos din ang aming paghihirap? Mukhang hindi... malabo yang aking pinapangarap. Dinadaan na lang namin sa dasal ang aming kalagayan. Siguro naman di Niya kami pababayaan.


x-o-x-o-x

PAGPAG
-jep buendia-

Tuwing  gabi o bago magdilim... inaabangan ko na yung paglabas ng cook sa isang restaurant. Hindi siya ang pakay ko kung hindi yung laman ng plastik na itinatapon niya sa tabing daan. Hahalungkatin ko yun... sayang eh. Baka meron pa kaming pakinabangan. Hindi naman talaga yon marumi... kaya ipinapagpag na lang namin.

Nung nakaraan nga eh halos buo pa ang manok na nakuha ko. Kinagatan lang nung kumain. Sayang kaya kinuha ko na rin. Kaunting hugas tapus iinitin... laman tiyan na rin. Okay na rin to kaysa wala akong mapakain sa mga anak ko. Lintik kasi ang aking asawa... di man lang makapag-trabaho.

Di bale nang galing sa basura ang kinakain namin... kaysa kumalam ang mga sikmura namin. Malay mo balang araw, makabibili na rin kami ng matinong pagkain.

Sa gawain naming ito, karibal pa namin ang mga daga at pusa. Para na rin kaming mga hayop na kumakain ng tira-tira. Nakikipag-agawan pa kami sa kanila. Hindi ko alam kung hanggang kailan ganito... basta ang alam ko, kailangan mapakain ko ang mga anak ko.

Miyerkules, Hulyo 25, 2012

Bobong Pag-ibig :)


Hindi mo alam kung ga'no ako katagal nananatili dito. Pilit kong hinihintay ang pagbabalik mo.

Akala nga ng mga kapitbahay namin ay nababaliw na ako. Pano ba naman, hinahangad ko lang ang pag-ibig mo.

Sabi mo kasi, di mo ako iiwan. Pero umalis ka. Napakatagal. Ano ba ang iyong inaasahan? Alam mo namang maghihintay ako magpakailanman.

Lagi lang akong nakaupo rito. Hindi na nga makakain at hindi na rin makaligo. Kita mo mukha na akong gusgusin at mabaho. Badtrip ka naman oh! Sabihin mo lang kung ayaw mo... nang makababa na ako dito sa bubong.

Wag mo lang ulit ipapakita yang mukha mo... Naku humanda ka, dahil sayo pumanget ako!!! Araw araw akong "bad hair day"... araw araw ko ring suot ang puting damit na to. Sabi mo kasi wag akong magbabago... kaya literal na wala akong binago para sayo!

Kita mo naging bobo na ako. Dahil yan lahat sa pagmamahal ko sayo. Kaya't wag lang kitang makita kasama ang kabit mo, tatalon talaga ako mula dito sa bubong. Sisiguruhin ko talagang mahuhulog ako... pero hindi na muli sa iyo.

Martes, Hulyo 24, 2012

Wag na Lang...



" I believe in responsible parenthood."


Nadismaya lang ako sa napanuod ko sa face to face... Lagi na lang kasing ganun ang mga problema. Mga pamilyang nag-aaway, mga "eskabeche" (kabit stories), pagtataksil, mga pabayang magulang, pakikiapid etc... na ang ending- napapabayaan ang kanilang mga anak. *sad*


Pero... di naman talaga ako sa programa nagrereklamo eh, nadismaya ako kasi ganito na ba talaga ang kalagayan ng mga pamilya ngayon?


1. Hay naku. Naniniwala ako na wala kang karapatang magkaroon ng pamilya kung sarili mo lang din naman ang iniisip mo. Kawawa naman ang mga anak.


2. Nakaka-disappoint lang  na kung sino pa yung matatanda na aasahan mong gagabay sayo eh mukhang sila pa ang dapat pangaralan.


3. Tatay ka nga... di mo naman minamahal ng lubusan ang iyong mga anak. Mas mahal mo pa ang alak... at ang makipaglaklakan sa mga katropa.


4. May mga nanay din na parang "accessory" lang ang mga anak. Pagkaluwal, bahala na sa buhay... mapakain sa hindi... maturuan man ng tamang asal o kabaluktutan.


5. Kaya siguro maraming bata ang mahirap maituwid... kasi ang mga magulang ay mas baluktot pa ang pag-iisip sa kanila.


6. Hindi naman sa naninisi... pero bakit kung sino pa yung sobrang mahihirap, sila pa yung maraming anak. Kaya ba nilang buhayin yun? Tapus magkakasakit dahil sa malnutrition... ang malungkot pa, mamamatay na lang. At hindi rin dahil mayaman ay may karapatan na ring magkaroon ng pamilya. Maraming mayaman na pera ang pinapakain sa mga anak... hindi ang pagmamahal. Di rin naman nadadaan sa materyal na bagay ang responsibilidad ng isang magulang... aanhin ng mga anak ang mga bagay na yun kung di naman nila nakakasama at nakakausap ang kanilang mga magulang.


7. Napakabigat ng gampanin ng magulang sa kanilang mga anak. Kung ang mga magulang ay pabaya, kawawa naman ang mga bata dahil baka buhay nila'y mapariwara... mapunta sa wala.


x-o-x-o-x

Hindi kasalanan ng mga batang palaboy ang mamalimos sa kalsada. Kasalanan yun ng kanilang mga magulang na wala sa sarili at hindi naman talaga handa sa pagiging mabuting magulang. Sa tingin ko, hangga't di nababago ang ganitong kalagayan, patuloy pa rin ang paghihirap ng marami sa atin.

Kaya sana... kung magiging pabaya, makasarili at walang pagpaplano... Wag na lang. Kawawa naman sila.

Linggo, Hulyo 22, 2012

Nagugutom Ako

"I am always preoccupied by the idea that life can offer more than what I have right now."


Don't get me wrong... (haha, natatawa ako pag nag-eenglish tama na nga ang sapi na ito...)


Yun nga. Hindi naman sa naghahangad ako ng mas marami pa. Ang ibig kong sabihin, napakarami pang bagay ang gusto kong gawin, matutunan, ma-experience, ma-explore, makilala, makausap, mabigo o mapagtagumpayan. Maraming marami pa.


Lagi na lang yan ang nasa isip ko. Kainis. At mas lalo ko pa yang iniisip kapag kinabukasan ay alam ko na kung anu-ano ang mangyayari sa akin... Lam mo naman, I'm trap in a paulit-ulit routine life... na ayoko talaga.




Ayoko ng napaka-predictable na buhay. Parang isang pelikula lang na wala man lang thrill, suspense at kung anu-ano pang element of surprise... yung tipong ayoko ng plain rice... gusto ko ng over, exotic, super natural organic fried rice lol :)


Basta. Habang tumatagal mas lalo lang akong nagugutom sa buhay na gusto ko. Hindi ako naghahangad na maging mayaman o maging sosyal ang pamumuhay. Hindi iyon. Ang gusto ko ay magkaroon ng higit pang kabuluhan at saysay ang bawat segundo, milisecond at nanosecond ng buhay ko... para anumang oras, kapag kinuha na ako sa langit (sure? sa langit talaga? haha) ay hindi na ako magdadalawang isip pa o hihingi ng "pwede pa-extend pa?"


Ganun. Mula nung magkaisip ako (weh?) yan na talaga ang sapi ko. Dati parang natatakam lang ako... tapus parang gusto ko na... tapus ngayon super gutom na (kaya ikakain ko na lang to haha)... Basta ulit.


"I want more and more... I want more."

x-o-x-o-x

Sabado, Hulyo 14, 2012

Nag-Audition ako sa PBB :)

Home alone ang drama ng buhay tuwing sabado. Yung tipong, paggising ko ay nakaalis na ang mga kasama ko dito sa bahay at ako na naman ang maiiwan mag-isa... for the rest of the day. Ako lang naman kasi ang walang pasok kapag sabado.


1. Yung tipong wala kang makausap kundi ang tv at ang computer.


2. Kakain ka ng mag-isa habang nanunuod ng tv. Sya nga pala binubuksan ko maghapon ang tv namin may marinig lang ako na ingay :)


3. Haharap ka na lang sa salamin at kakausapin ang sarili.


4. Maglilinis ng bahay (kunwari) at maglalaba ng uniform.


5. Sarado ang mga bintana, nakababa ang mga kurtina. Wala akong nakikita mula sa labasan namin. Mala-bampira lang... ayaw maarawan :)


6. Nakahiga maghapon kasi nakakatamad ang mga moment na ganito. Mag-iisip nang mag-iisip... hanggang wala nang maisip.


7. Makikinig mula sa mga ingay sa labas (nakikitsismis lang). Maririnig ang mga murahan ng mga batang paslit na naglalaro na kaysarap buhusan ng mainit na tubig hehe (bad). Bata bata pa lutong na magmura tsk tsk.


8. Magkakape at lulunurin ang sarili sa softdrinks.


9. Ganito pala ang feeling ng isang bilanggo (reflection lol).


10. Paulit-ulit na ito... sana sa susunod na sabado ay makalaya na ako lol :)


x-o-x-o-x

PBB Audition...
Sakto nung araw na yun. Nasa MOA ako. Nagulat ako kasi napaka daming tao. Yun pala may audition para sa mga gustong maging housemates sa bahay ni kuya. Eh dahil nandun na rin naman ako, so mega pila na rin me :)

Nakaka-excite kasi napakadaming gustong maging housemates... super isip ako if makukuha ba ako o hindi. Pero sa loob ko ay OK lang naman kahit hindi, tutal napadaan lang naman ako.

Nakakakaba nung tinawag na yung batch namin. So mega tanong naman ang jury tungkol sa aming sarili. Yung isa ay tinanong ako kung bakit ako ang dapat na pumasok sa bahay ni kuya, at eto naman ang naging sagot ko:

"Hello po (paunang bati pa lol). Natutuwa po kasi ako sa mga reality shows, kaya naisipan ko ring sumali. Gusto kong malaman kung reality show nga ba ang Pinoy Big Brother (tapus pinutol nya yung pagsagot ko)...

Follow up question nung nagtanong: "Ah sandali lang ah, reality show naman talaga ito hindi ba?"

Tinarayan pa ako ng konti. So I continue my answer, sabi ko:

"Oo nga po reality show nga. Pero nitong nakaraang edition po kasi parang puro mga artistahin ang kinukuhang housemates ni Kuya. Naisip kong sumali kasi gustong kong malaman kung ako na di naman artistahin ay magkakaraoon ng chance na sumali sa PBB."

Tapus sabi niya: "Eh anu bang meron ka para kunin ka namin bilang housemate ni Kuya?"

Ang naging sagot ko ay:

"Hindi po loud ang personality ko. May pagka silent type. Baka hindi po ako mapakagpataas ng inyong rating kasi di naman ako OA at madrama ng sobra. Hindi rin artistahin ang look para tilian at abangan sa tv. Hindi ko rin kayang lumandi sa camera at magpa-cute. Ang kaya ko lang po ay ang maging ako. Totoo naman po ako eh, pwede na po ba yun sa isang reality show?"

At ang ending:

Sabi ng nag-interview, tatawagan na lang daw kami for the result.

Note: Hindi na talaga ako natawagan pa mula nung araw na yun. Siguro di talaga ako pumasa sa screening. Di bale na, OK lang talaga. Dahil ang totoo, gawa ko lang din naman ang kwentong ito :) lol. Epekto lang ito ng "home alone" tema ng buhay :) Kaysarap lang talagang mangarap :)

Martes, Hulyo 10, 2012

Usap at Script

Scripted LIFE...
Kung ang buhay ko ay katulad ng isang script na naisulat ko noon para sa aming play nung high school, marahil ay marami akong gagawing pag-eedit. Yung tipong, aayusin ko ang lahat ng mangyayari mula umpisa hanggang ending. Siguro maisusulat ko na ang isang script ng perpektong buhay. Yung ang ending ay ang palasak na "and they lived happily ever after."


Pero ang lofty dream ko na ito ay di mangyayari kailanman. Nakatakda na talaga ang pagkabigo at tagumpay sa kahit sino man. Sabi ko nga eh, kung may panget man na script na naisulat sa buhay ko, meron pa rin namang chance para sa "turning point" ng kwento. Di naman kailangan na lahat ay mangyaring maganda... minsan we have to take the good things with the bad ones. Minsan talaga ang buhay ay puno ng drama, meron ding comedy, action o suspense... kahit ano pa yan... patuloy pa rin ang buhay. Tuloy pa rin ang ating pagganap sa script ng ating buhay, kung saan tayo ang super bida :) at ang nasa taas naman ang direktor at camera man.


Kaya paghusayan ang pagganap sa iyong buhay, bago pa isigaw ng direktor ang "cut! oh tapus na ang shooting! pack up na! :)


x-o-x-o-x


Komunikasyon...
Bakit ba minsan, kung sino pa ang iyong kapamilya, sila pa ang hirap kang kausapin... Bakit mas madaling pag-usapan ang ano mang bagay sa mga kaibigan kaysa sa nanay, tatay o mga kapatid... hmmmm.


Ganyan kami. Ang hirap din kapag di bukas ang communication sa pamilya. Puro pakiramdaman. Buti sana kung laging parehas ang aming interpretasyon sa nararamdaman ng bawat isa... paano kung hindi? Kaya madalas, di masyadong magkaintindihan. Parang mga pipi at bingi. Parang cold war lang din.


Kaya sa mga nagbabalak magkaroon ng family... tandaan, bukas na komunikasyon ay kailangan. Based on experience yan :) Kaya dapat sundin bago magsisi (todo payo lang? hehe).

Lunes, Hulyo 9, 2012

Ang Fireworks at 3 Bagay na Aking Natutunan

Fireworks... again?
Tamang badtrip lang yung mga kawad ng kuryente dito sa may poste namin. Sabado at linggo nag-ala fireworks na naman ang mga kable. Yung tipong tinatapos ko yung syllabus na kailangan ko na ipasa, tapus saka pa nawalan ng kuryente... ang ending, di pa ako nakapagsubmit, eh lunes ang deadline. Aray :(


Akala ko rin ay papasok ako ngayon na gusot ang uniform. Salamat na lang sa mga taga-meralco... alas onse ng gabi nagkailaw na ulit... yun lang eh nagplantsa pa ako ng gusutin kong uniform hanggang 1:00 AM. Napuyat ako dahil sa fireworks na yan. Yung totoo... aminin na yan... uso na naman ang mga "jumper baby" :)


I have learned...
In my 23 years of existence (Venus Raj ulit ang peg?), natutunan ko na:


1. I have to choose my battles.
Pang artista lang ang tag-line? Eh sa kanila ko rin naman talaga nakuha ang linya na yan. Natutunan ko na wag patulan ang kung anu-anong mga bagay sa aking buhay. Minsan kailangan lang natin piliin kung alin sa mga iyon ang dapat nating labanan, bigyan ng paliwanag, sugurin, awayin, patayin lol. Basta wag lahat. Kasi nakaka-haggard pumatol sa mga wala namang kabuluhang bagay. Stay fresh, cool at relax ika nga :)


2. Intindihin rin ang sarili.
Alam mo kasi, isinabuhay ko talaga ang pilosopiya na "kung sino ang nakakaintindi, siya ang dapat na magparaya." Pinaniwalaan ko yan since high school. Yun nga lang, sa sobrang maintindihin ko, lagi kong natatagpuan ang sarili ko na nagpaparaya. Yung tipong pilit kong inintindi ang kalagayan at buhay ng iba... hanggang sa ang sarili ko naman ang siyang di ko na maintindihan. In other words, napagod na rin ako sa ganung sistema. Kaya ngayon, di naman sa pagdadamot, sarili ko muna, at tutulong pa rin naman ako sa iba.


3. Live your life.
Ayoko na rin na pinangungunahan ako ng iba sa buhay ko. At wala na rin akong masyado pang pakialam sa sasabihin ng iba sa akin. Kahit kailan, di ko talaga kayang makipagsabayan sa pangangalkal ng baho ng iba, mapatunayan mo lang ang iyong sarili. Di ganun ang kinalakihan ko. Natuto akong humanga sa natatanging karakter o talento na meron ang isang tao... ang hindi ko kayang gawin ay ang makipaglibakan ng todo. Wala naman talagang pinakamahusay, magaling o pinakamatalino. Kanya-kanyang level lang yan. Di ko na pipigilan pa ang sarili ko na maging masaya. Ang kahulugan ko ng "masayang buhay" at "matagumpay na buhay" ay maaaring di kahalintulad sa iba... kaya please lang, lubayan ninyo ako ng sarili ninyong paniniwala. Meron din ako, try mo :)

Sabado, Hulyo 7, 2012

Super Bday! :)


Isang taon na naman
ang nadagdag.
Dalawampu't tatlong taon na
akong nabubuhay.

-jepbuendia

x-o-x-o-x

1. Iba na ang birthday kapag tumatanda kana, di na masyadong excited (totoo yan). Yung tipong iisipin ko na lang kung ano ba ang mangyayari sa akin buong araw... espesyal man o hindi, oks lang :) Pero yung nangyari kahapon, super saya at memorable talaga :)

2. Iba rin ang birthday kapag tumapat ng first friday mass :) Yung tipong may misa sa school at mega announce na bday ko kahapon :) (july 6). So lahat ay informed, parang suspension lang ng klase.

3. Parang holiday lang ang naramdaman ko :) Yung totoo ayoko na lumabas ng faculty dahil sa bawat student na makakasalubong ko ay walang humpay na "happy birthday" ang bati :) Syempre mega "thank you" naman ako :) Trending ang hapi bday na pagbati sa mga tenga ko mula umaga hanggang gabi :) At super kanta ng hapi bday song sa bawat klase na papasukan ko :) Ang ending, pagkatapos kumanta, ay hihingi ang mga students ng free time, pero dahil bday ko, tuloy pa rin ang lesson lol (basag trip).

4. Kahapon ko naramdaman na bday ko talaga buong araw :) Magmula sa misa sa umaga na tinapos ng birthday song na pakana ni sister :) Hanggang sa mga surpresa ng advisory class :) Super saya lang talaga :)

5. Yung tipong pagbalik namin sa faculty after ng mass eh napuno na ng mga messages ang locker ko :)

6. At paglabas ko ng lunch ay may tugtog pa ng drum and lyre na dumadagundong sa katanghaliang tapat...

7. Party party talaga pagdating ko sa aking mga anak-anakan :) Yung tipong dedma na kung naiingayan man yung ibang klase, basta kami masaya hehe :) May mga handog pang performances at pasabog ng mga pick up lines :) boom!

8. Natapos ang araw ko kasama ang dabarkads kong mga kaguro :) Kahit di na kami magkakasama ngayon sa iisang school, masaya pa rin kaming nagkikita with food trip, kwentuhan at tawanan to da max :)

9. Di ko alam kung pano idedetalye ang mga naganap kahapon, basta ang alam ko lang, naramdaman ko talaga na bday ko buong araw, at di lang ako ang naging masaya, kundi pati na rin ang lahat ng naki-celebrate sa pagiging tao ko dito sa mundo :)

10. Hangsaya-saya talaga :) Nakaka-high din pala ang super kasiyahan :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...