Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 30, 2012

Live More!


"I want to live more."

Minsan naiisip ko nakakasawa rin ang mga daily routines ng buhay. Kaya nga ako na lang din mismo ang gumagawa ng mga "baliwan mode" para lang may maiba sa buhay kong ito :)

Sana, hindi lang ako basta bumabangon sa higaan, wala man lang thrill. Gusto ko sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga ay may bumabagsak na isandaang kutsilyo mula sa kisame ng bahay na dapat kong maiwasan :) Oh di ba, sa ganung paraan, tiyak magigising ako kahit walang alarm clock.

x-o-x-o-x

Siguro, kung wala lang akong obligasyon sa aming pamilya ay pipiliin kong maging social worker. Masaya siguro na mabuhay sa pinapangarap mong paraan. Hindi ko naman talaga gustong yumaman. Kuntento na ako kung maipapatayo ko ng magandang bahay sila mama at papa, makakain ng sapat sa araw-araw, may panggastos sa mga pangangailangan, at pambayad sa lahat ng bills :) Yun lang, oks na yun. Kaso, di ko pa nagagawa yan sa ngayon.

Naisip ko lang, kung papayagan nila akong mabuhay mag-isa, magpapaka layu-layo talaga ako. Gusto ko talagang maging member halimbawa ng isang NGO para makatulong sa society (wow ah). Ok lang sa akin walang kitain basta may titirahan at pakakainin nila ako haha (pagkain talaga). Kaso, nahihiya lang din ako sa aking pamilya dahil feeling ko di naman nila ako pinagtapos para maging ganun lang. Pero ewan ko lang din, yun talaga ang naiisip kong gawin, yun nga lang pag pinili ko ang hamak na buhay na gusto ko, malamang hindi ko magampanan ang aking tungkulin sa aming family.

x-o-x-o-x

Hay naku... nagpapaka-deep na naman ako. Bakit ba gusto kong tumulong sa iba? (kahit di naman ako mayamang tunay);

1. Di naman mga bonggang pagkain ang naihahain namin sa bahay, pero feeling ko mas masarap kumain kasama ng mga nagugutom (mga pulubi, mga pinabayaan ng magulang). Yung tipong nagkakaroon ng saysay ang bawat pagsubo ko ng pagkain sa bibig dahil alam kong di lang ako ang nabubusog kundi pati sila din :)

2. Tuwing matutulog din ako sa makati kong kama haha (swear makati talaga yung kama ko kasi halos kasing tanda ko na yung kutson, kasama ko yung lumaki at di talaga ako nakakatulog pag hindi ako dun nakahiga) iniisip ko yung mga natutulog sa labas, sa lansangan at sa semento. Ang lungkot lang kasi natutulog ka ng mahimbing habang sila ay natutulog lang kung saan. Hangad din naman nilang ng maayus na tulugan di ba?

3. At kapag may sakit naman ako, super hinayang pa ako sa mahal ng check up at mga dapat bilhing gamot, pero sa kabilang banda super thank you na ako dahil kahit pulubi ang kalupi ko at least naaalagaan ko ang aking sarili, kaya di ko rin lubos maisip kung paano na lang kaya yung mga walang-wala?

4. Naaawa rin ako sa mga batang biktima ng kapabayaan ng magulang. Kung may paampunan lang ako, kinupkop ko na silang lahat. Ang kakapal ng magulang nila para magkaroon ng anak tapus pababayaan lang.

5. Gusto kong malaman ng lahat ng mga naghihirap sa paligid na meron pa ding nakakaalala sa kanila. Na gusto kong makiramay sa pakikibaka nila sa araw-araw para mabuhay. Na minsan di rin ako nakakatulog ng mahimbing lalo na pag umuulan dahil alam kong merong mga taong walang masisilungan.

Yung feeling na di man ako super bait na tao, at di man ako madasaling madalas, kapag sila naman ang nasa isip ko, parang gusto kong kulitin si God for a miracle to them. O kaya ay kalampagin ang mga super yaman para ibahagi naman ito sa iba. Ganun talaga.

Kaya sana, hindi lamang basta pakikisimpatya ang kaya kong gawin.
Kaya dapat magtulungan tayong mga pipol, "heal the world, make it a better place"

*nakakatuwa lang, yan yung kinanta ko nung 3rdyr high school ako sa harapan ng aming klase, kakahiya lang kasi super ganda ng boses ko :) pauso kasi yung mapeh namin nun may pa-showcase pa ng talent, yan tuloy, super sing ako :)*

Martes, Mayo 29, 2012

Blogger o Facebook?

Sa ngayon ay mas ninanais ko pang tambayan ang blogger kaysa sa facebook. Minsan nakakasawa talaga ang magcheck ng facebook account.


1. Yung tipong pati mga kakainin na lang ng mga ka-fb mo (almusal, tanghalian at hapunan pati merienda) ay pino-post pa talaga :) kakaumay. Tapus sasamahan pa ng "ito ang almusal ko! kain tayo! (weh? haha) Pwede namang kumain na lang ng derecho di ba? Hindi ka ba mabubusog kapag di mo pinost yung pagkain mo? lol.


2. Mga status update na di naman talaga update.
For example; "ligo na ako"   "out na me"   "gudmorning mga ka-fb"   "gudpm, sino gusto ka pm"    "nandito na si klengklang"   "haist super traffic"   "nuod muna me"   "birthday ko, greet nyo ako"   at marami pang iba na di ko masikmura haha. Pati pagligo ina-update na rin? 


3. Mga post na di naman ka-like like (haha)
yung tipong sya na nga yung nagpost, sya pa nag-like sa post nya, at sya pa rin ang nag-comment haha. Kaw na mag-facebook mag-isa lol. Tapus pag may nag-like dun sa status nya another comment naman sya nga "salamat sa pag-like" haha with tag dun sa nag-like :) oh di ba ayaw paawat :)


haha minsan over na ang mga nag-fafacebook


4. Idagdag pa ang kanilang mga "boredom pictures"
Eto na ang bagong trend, kapag nabo-boring ka, picturan mo ang sarili mo one-to-sawa haha tapus i-upload sa fb at magtatalon kapag may nag-like o comment :) super tawa lang ako dito, ang mga boredom pictures kasi ay dapat punong-puno ng pag-ngiwi ala cerebral palsy at pag-smile ala lukaret style with editing pa ah :) syempre sa dulo ng mga yan ay ang walang katapusang "salamat sa likes" haha.


havey o waley na ba ang facebook?
*well, depende sa gumagamit*


basta ako, keep blogging! :)

Lunes, Mayo 28, 2012

Wala Ka Nito :)

Bago matapos yung nakaraang school year, sinubok ko ang mga estudyante (3rdyr at 4thyr) na lumikha o mag-imbento ng isang bagay kung saan maipapasok nila ang kanilang mga natutunan sa science; ang likha ay dapat unique, kapakipakinabang at maipapakita ang pagiging resourceful. Naging mahirap para sa iba, lalo na yung mga tamad hehe, pero naging madali at masaya naman para sa mga mag-aaral na likas ang pagiging malikhain (o pagiging maloko? hehe) Narito ang ilan;


1. may gumawa ng kendi gamit ang kamatis
2. may nagpropose ng isang project plan para makapagtayo ng isang bahay na lulutang sa baha (kasi nga naman bahain ang lugar namin)
3. meron ding bicycle na pwede pang gamitin na pantanggal ng damo
4. lotion na gawa sa saging at honey (super apply pa ako sa balat para matesting, ang ending super lagkit ko din haha)
5. makabagong upuan na pwedeng mag-exercise 


at marami pang iba :) 
(many to mention hehe parang slumbook lang)


pero ang pumatok talaga sa akin ay ito:
*babala: wag masyadong seryosohin :) naging mahusay man ang pagpapaliwanag nila sa kung anu-anong mga scientific concepts na meron dito, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kilay ko sa di mawari nilang likha hehe:*


charan!!! ang magic "discobol"
wala talaga silang binigay na pangalan sa kanilang nilikha, kaya ako na ang nagpangalan :)


naging resourceful naman: ginamit ang mga lumang cd, pati na rin yung mga battery na ginamit nila sa pag-construct ng circuit


pero di ko talaga lubos maisip kung saan ba ito gagamitin? pwede siguro sa cosplay o kaya flashlight kapag brownout :)


at talagang iniwan nila ito sa akin, para naman daw may maipagmalaki akong likha sa mga susunod kong etudyante lol












sa mga nais bumili, ipagbigay alam lamang sa akin (pinagkakitaan pa?)
wala na kayong makikita nyan saan man sa mundo; only in the Philippines :)

*salamat sa komang kong kamay for assistance*
*salamat din sa hitech nokia 3500c*

So, what are you waiting for? Buy now!!!
Limited Edition only.

Linggo, Mayo 27, 2012

I Love Palengke

Gustong-gusto ko talaga ang pumunta sa palengke :) Feeling ko kasi bukod sa loob ng bahay, yun lang din ang isa sa mga lugar na pwede kang mag-haggard look hehe. Kaya kaninang umaga, kahit bagong gising pa lang, go ako sa pagsama kay madir sa pamamalengke nya, in other words, effort less ang self preparation kung sa palengke ka lang pupunta, lalo  na ngayong summer, "in" talaga ang haggardness :)


Ang badtrip lang sa munting kasiyahan kong ito ay kapag may nakakakilala sa akin sa kabila ng "haggard disguise" ko. Yung tipong nag-eenjoy ako sa pagmamasid ng mga tinda sa tiangge tapus biglang may sisigaw na "uy sir! kaw pala yan!" tapus sabay tingin mula sa dulo ng iyong kuko sa paa hanggang sa dulo ng mga fly away kong hair. Ang saya lang di ba? Sa laki kong to, maitatanggi ko bang ako nga to. Di na ba ako pwedeng mabuhay ng malaya sa mundo? May karapatan din akong maging haggard haha. Makibaka!!! Wag matakot, maki-haggard!!! :)


Yun lang ang mahirap, kahit saan, hanggang sa palengke ay teacher ka pa din lol.



Na-encounter ko lang, sabi nung lalaki (daw): Nay pabili ng kalahating kilong kamatis at "kerots".
-oha! sosyal lang si kuya, may accent, pakerots-kerots na lang hehe

Basta mahal ko ang palengke. Dito rin sa lugar na ito ako nakakakuha ng inspirasyon. Alam mo yung napakasarap tingnan ng mga masisigasig na tindero't tindera, bata man o matanda, na walang pagod na nagsisikap makaubos ng kanilang mga paninda. Dito mo makikita ang tunay na kahulugan ng "pagbabanat ng buto". Yung tipong kahit tumatagaktak na ang kanilang pawis sa sobrang init, idagdag pa ang medyo wonderful na amoy ng paligid hehe, masikip, maputik- lahat ng mga ito ay di naging hadlang sa kanila upang itaguyod ang kanilang pamumuhay sa tama at mabuting paraan! Di katulad ng mga buwaya sa pamahalaan!!! (super exclamation haha) at ng mga magnanakaw sa kapaligiran!!! 

Mabuhay ang palengke! Mabuhay lahat ng masisipag na nagtitinda! whew :)

Lunes, Mayo 21, 2012

AI-baliw-DATE

Oo na.. Lunes ngayon.


1. Excited na ako kung sino ang mananalo sa American Idol. Kakayanin ba ni Jessica Sanchez ang "karisma" ni Phillip Phillips? Ngayon pa na napabalita na may sakit si Phillip, at imbes na magpaopera ay pinili nya munang tapusin ang season finale ng AI (buwis buhay lang). Kaya naisip ko baka makisimpatya ang madlang Americans sa kanya at bumoto ng over. Gayunpaman, oks lang sa kin kahit di manalo si Jessica, lam ko namang at the end of the day (is another day?) may patutunguhan pa rin ang kanyang career. Yun lang.

2. Mga inaabangan kong date:

May 25- announcement ng winner sa Bagsik ng Panitik ni Bino. Handa na akong mag-congratulate sa mananalo. Oo masaya na ako dun. Yung pagsali pa lang (first time) ok na yun sa akin. Saka nabasa ko rin yung gawa ng ibang kalahok, at talaga namang maraming mahuhusay! So tanggap ko na ang katotohanan haha. Better luck next time ang drama :)

June 4- opening ng klase. How i wish sa june 13 na lang kami mag-start. Hindi pa ako nakapag-evolve bilang teacher hehe. Nag-eenjoy pa rin ako bilang karaniwang tao.

June 17- raffle sa sm haha. Sana naman mabunot ako. Never pa akong nanalo sa raffle ng grand prize. Sana now is my time to shine haha. Kainis lang kasi nung hinulog ko yung raffle ticket sa box eh nilupi ko pa, pano mabubunot yun? Well, God's will :)

Yun lamang.
Naging masaya ang bakasyon ko. (that's what i wanted to believe haha)
Kasi kahit pano ay nabigyan ko rin ng oras ang hilig ko sa pagsusulat at hangad ko na kahit sa pasukan ay makapag-post pa rin ako, hanggat maaari nga gusto ko ay araw-araw. Sana. I hope so. Sana magamit ko ang oras ko wisely :) Let's see!

3. Mga kinababaliwan ko:
Physics- kaya ko to haha.

Technological Singularity- mula nung makapagbasa ako tungkol dito, sa impluwensya na rin ni Jason Silva, kumati tuloy ang utak ko. Feeling futurist at epiphany addict na rin ako. Feel na feel ko ang mangyayari sa darating na panahon (as if naman buhay pa ako nun), anu nga kaya ang maiimbento ng tao na hihigit pa sa katalinuhan ng lahat ng tao sa daigdig? Makakabuti ba ito? o ito na ba ang katapusan ng lahat? (parang pelikula lang)

Tomorrow Today- addict talaga ako dito. Nakakatuwa kasi ang mga science research na ginagawa sa Germany. Sana may ganito ring show sa Pinas nang ma-appreciate naman ng mga pinoy ang kagandahan ng science and technology, lalo na ang mabuting paggamit nito.

Yun lamang. Super pangarap ko pa rin ang Harvard University (kahit bisitahin ko lang, oks na!)

Sabado, Mayo 19, 2012

LadLad & LGBT (BalikTanaw FSblog)


(November 23, 2009)
Naging usapin ngayon ang tungkol sa pagtangging ginawa ng Comelec sa grupong “Ang Ladlad” upang maging isa sa mga party list group sa darating na eleksyon. Ang “Ladlad” party list ay binubuo ng mga gay, lesbian, bisexual at transgender. Sabi pa ng Comelec naging basehan daw nila ang mga “teachings” sa Bible at Koran… at syempre pati na rin ang sarili nilang desisyon (aminin yan!). Di raw maganda ito para sa kabataan (tulad ko hehe) at sinabi pa nila na ang pagiging isang gay/ lesbian/ third sex ay imoral… (ayon lang naman ‘to sa kanila).
     Kaya naman… anu pa ba ang aasahan mo mula sa madlang people… ayun, ipnagsigawan ang kanilang mga hinaing! Syempre naman tutol sila sa naging desisyon ng Comelec. Sa saturday issue nga ng Inquirer, may isang article dun na naglalaman ng galit/ puot/ pagkasuklam/ himagsik/ rebolusyun (hyperbole?!) ng mga taong pro- Ladlad. Sabi nila, tila nabubuhay pa ang Comelec sa Dark Ages… at isa itong malinaw at hindi malabo na halimbawa ng DISKRIMINASYON! At dahil dyan… mag-aalsa sila! (sa tingin ko lang).
     Eh may mga bading at tomboy din naman daw na pulitiko ngayun sabi sa isang editoryal ng dyaryong tabloid na Balita… kaya wag na daw maghimagsik ang mga bakla, tomboy (butiki, baboy?!), dahil matagal na nilang napasok ang mundo ng politics… yun nga lang di sila LADLAD!
     Baka raw natatakot lamang ang ilang pulitiko na maagawan sila ng “eksena” once na maka-enter sila sa pulitika dahil syempre mas “bongga” sila (hehe). At ang tawagin pa silang mga “IMMORAL” ay di rin nila tanggap, dahil mauubos daw ang lahat ng pulitiko kung pag-uusapan ang moralidad- wag naman daw magmalinis ang Comelec. (oo nga naman). Sino ba ang may karapatang humusga? Sabi nga ng isang korny na motto: “Don’t judge if you’re not a judge!” Buti pa yun kahit korny ay korny pa rin (hmpf!).
     ANG SA AKIN LANG… wala lang. Baka hindi pa talaga bukas ang isip ng marami… alam mo naman ang kulturang Pinoy “ma-emote.” At wala rin naman akong nakikitang dahilan kung bakit kailangan pang maging party list ng “ANG LADLAD.” Wag na nilang pasukin ang isang mundong magulo tulad ng pulitika. Kung akala nila magiging maayos ang lahat once na ma-approve ang kanilang grupo, mukhang hindi rin. Anu bang gusto nilang mangyari… gumawa ng batas na magpaparusa sa lahat ng magdidiskrimina sa mga myembro ng third sex? Dadagdagan lamang nila ang sandamukal na batas sa Pinas na walang pakinabang, walang katuparan kundi nasa papel lamang! At saka hindi isinasabatas ang respeto… malas lang kasi nasa Pinas tayo… na konserbatibo kuno.
     Kung sa bagay, kaya ko lang naman nasabi yun kasi wala talaga akong alam sa layunin ng grupo nila… (hehe). Wala lang, isa ata ako sa mga taong nakikisawsaw lang sa usapan.
     Di naman ako pro or anti-LADLAD… Wala lang. Isa na naman itong patunay ng “IMMATURITY” ng sistema ng pulitika dito sa Pinas- na lagi ring ginagamit na dahilan ni Gloria kung bakit di umuunlad ang Mahal kong Bayan ng Pilipinas. Echoz nya! (hehe). Bakit di ba sya parte ng pulitika ngayun? Eh di ibig sabihin, isa rin syang malaking (o maliit?) IMMATURE! (tama!).
pasabit1: Buti na lang nanalo si Efren Penaflorida sa CNN Heroes. Good news! Kaso nga lang bakit ganun ang voting system? “AS MANY AS YOU CAN.” Mas maganda sana kung “VOTE ONCE” lang. Sa tingin ko mas fair yun para sa lahat ng candidates ng CNN heroes. Dahil para na rin syang walang pinagkaiba kung bakit laging nananalo ang pambato at panghagis ng Pilipinas bilang Ms. Photogenic sa Ms. Universe… anyways nanalo pa din. Congrats!
pasabit2: Bawal pa rin kasuhan ang mga “chakang” infomercials ng mga pulitiko dahil di pa naman daw sila nagpa-file ng COC. Neknek ulit ng Comelec! Ibig sabihin nadala sila ng panlolokong iyun ng mga pulitiko?! Halata na ngang nangangampanya eh. Gawin daw bang bobo ang mga tao. Eto ba ang bagong pag-asa/ bagong umaga/ bagong pulitika na sinasabi ng mga nasa infomercials?! Eh di ba yung ginagawa nila ay “style” ng mga makaluma at trapong mga pulitiko?! Ang laki-laki na natin naglolokohan pa rin. Masabi lang na may pinagbasehang batas kaya di pa makasuhan… Ay oo nga pala, ipinatutupad na ang mga batas ngayun para “magpalusot.” Lusot ba naman?

Clinton is Here! (BalikTanaw FSblog)

(November 13, 2009)
     Yehey! Nagawa ko ring ayusin ang mga gamit ko… Yun ang pangarap ko eh, natupad na haha!
     Kung meron man akong di naayus… mga 5 to 8 percent lang siguro (kalkulado ko yan). Kakapagod… ilang araw akong tinamad… kaya ilang araw ko din bago pinagsawaan ang pag-aayos ng mga papel (na ibinasura lang naman), mga maaalikabok na gamit at pati mga picture sa cellphone ko ay napagtripan kong i-organize (congratulations!). Pero syempre di dapat matuwa dahil… di rin yun magtatagal… baka sa simula pa lang ng darating na sem (last na ‘to) ay bumalik na rin yun sa dati… yun naman ang normal na ayus ng gamit ko eh- MAGULO!
    At anu pa nga bang mas makabuluhan pang nangyari sa araw na ito? Eh may usb cable na ako kaya nakapag-upload na ako hehe. (Ang babaw.)
     Ay meron nga pala… bumisita pala ngayun si Hillary Clinton… Sino bang may pakialam sa pagbisita nya?! At ano ba talaga ang pakay nya dito?!
     Paggising ko kaninang umaga yun ang naabutan kong palabas. Wala lang pinanuod ko lang din kahit na di talaga ako ganun kapanatiko ng mga pulitiko. Ang dami namang tanung sa kanya… at matapos nyang masagot ang mga iyon… ano na mangyayari?… Wala lang.
     May tanung pa kay Clinton kung anu ang gagawin nya kung sya ang Presidente ng Pilipinas… Ay ewan… kahit naman sagutin yun ng matino ni Hillary Clinton wala namang magbabago sa bansa natin… anu bang gusto ng taong nagtanung na yun… ang umasa? na balang araw ay si Hillary Clinton na ang nakatira sa Malakanyang. Eh as of now si Gloria pa ang ating pangulo… kung may dapat mang tanungin ng ganun, dapat ibato yun sa mga kakandidato sa darating na eleksyon… at hindi kay Clinton! Puro hypothetical questions… kaya tuloy ang pag-unlad natin ay parang ilusyon na lang din! (Wag naman.)
     At feeling ko lang… kasi damang-dama ko… bakit ba tila sobra ang pag-asa/ pagsandal/ pagpapa-pansin natin sa Amerika? Na para bang sila ang solusyon ng lahat ng problema ng mundo? Ang sarili nga nilang bansa ay may problema din, sabi nga ni Hillary Clinton “we are also not perfect.” So bakit tayo nagiging palaasa sa kanila?… dapat matuto tayong umunlad sa sarili nating gawa.
   Pero in fairness… ang galing ni Clinton… ang galing nya mag-english… sabi nga ng nanay ko hindi nya maintindihan ang sinsabi nya… buti na lang merong update na ginagawa si Ted Failon para maintindihan ng lahat. Yung mga sinabi ni Hillary… matagal na nating alam yun… di lang natin pinapansin… at di lang natin ginagawa.
   Tapos meron pa… ewan ko ba kung anung nangyari kay Edu Manzano at tatakbo sya bilang Vice President ni Gibo… handa na talaga sya magtanung ng “Pilipinas Game KNB?!” haha! Ooops! Di ko minamaliit si Edu ah, pede nya yun gamitin sa kampanya. Good luck sa kanya.
    Kakasawa na mga pinagsasabi ng mga pulitiko… mga abstract na script… walang patutunguhan… inililipad lang sa hangin.
    Gabi na… matutulog na ako. Sana bukas WOW Philippines na!

First Time Applicant (BalikTanaw FSblog)

(March 26, 2010)
  “Kung mataas lang ang sahod ng isang teacher… eh di sana di na ako naghangad pang maging call center agent.”
March 25- Gumising ako ng maaga, may interview kasi ako sa Ortigas sa isang call center company. Hindi talaga ako sigurado kung matatanggap ba ako o kaya’y kung ano ang mangyayari after.
“Oi umalis ka na, kala ko ba 6:30 ang usapan nyu, late ka na oh ala sais na,” sabi ni mama.
“Wag ka mag-alala ma, late din naman yung mga kasama ko, (hehe),” yun na lang ang naisagot ko.
Lampas 6:30am na nang dumating ako sa aming meeting place- Mang Inasal, Malinta. At tsaran! Ako pa ang nauna, (hehe). Sabi ko na nga ba tama ang sinabi ko, (hehe). Himala atang nauna pa ako sa kanila, samantalang lagi naman ako ang humihingi ng pasensya kasi lagi talaga akong late (masamang kaugalian, hehe). At dahil dyan… walang nagtext! Kahit isa sa kanila ay wala pang nagtetext kung nasaan na sila… Kinuha ko ang cellphone at nag-GM. “Wer n kau? d2 n me!” Tapos isa-isa na silang dumating. Si ate Julie, buti na lang dumating sya dahil sya ang nakakaalam ng lugar, si Darryl, na kahit wag na mag-apply ay kukunin naman (hehe), si Aubrey, na akala ko ay di makakapunta pero buti na lang din at nakarating sya, at si Gilbert, hay natupad ang prayer namin ni Da na sana ay payagan sya. Nakumpleto na kami kaya lumarga na tungo sa kinabukasan (haha).
Sakay muna ng bus, muni muni at konting usapan tungkol sa mga ini-expect namin pagdating dun. Medyo mahaba din ang byahe, kaya nakakaantok, medyo mainit at mausok, kaya panigurado pagdating namin sa office ng Teledevelopment ay hagard na kami. Tapus sakay naman sa MRT. At di ko inakalang magiging effortless ang pagpasok ko sa MRT, sa dami ng tao na gustong makasakay, at sa patpatin kong katawan, ayun nagpatangay na lang kami sa mga naggigitgitang mga tao (haha), para akong basura na inagos sa loob. At bawal gumalaw sa loob ng MRT dahil sa sobrang siksik sa dami ng tao di ka na magtatangka pang kumilos (pati na rin ang huminga haha). Kawawa naman ang mga babae at malilit na tao (hehe), dahil durugan talaga ang laban, lalo yung mga malalaking mama, sila pa ang nakikipag-pwersahan! Mga panget na yun! At matagal naming tiniiis ang ganun, hanggang makarating sa Ortigas station.
Pagkababa, ang sarap ng pakiramdam. Nakahinga din. Lumakad kami sa initan, dedma na lang kahit mainit at pinapawisan… basta makarating lang sa paroroonan. Daming taong nagmamadaling maglakad, wala na ngang pakialam kung may mabangga man sila. At sa wakas, nakarating na kami sa Equitable Tower, at sa labas nun ay tumambad sa amin ang mga call center agent na nagyo-yosi break- halo halo sila, mga babae, bakla, bisexual, at lalaki din daw (haha). In fairness, may mga attitude silang lahat (haha). Syempre di muna kami umakyat sa 36th floor kasi hagardnez pa kami kakalakad. Tambay muna kami sa labas habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Naitanung ko tuloy, ganito ba talaga sa corporate world? masyado na kasi akong nasanay sa school environment, eh kasi nga educ naman ang course ko (haha).
Matapus ang ilang sandali, dumeretso na kami sa loob. Kinausap ang receptionist at sumakay ng elevator paakyat sa 36th floor. Ang taas! Pagdating dun sa Teledevelopment office ay kinausap din namin ang contact person na si Peggy, mabait naman sya (hehe), napaka-soft ng voice, siguro matagal na rin sya dun. Naghintay muna kami sa waiting area para tawagin ang aming pangalan. Mahabang proseso ang dinaanan namin- mula sa pagfill up ng information sa kanilang database, exam sa grammar at computer, hands-on test sa phone call (na favorite part ko kahit mahirap hehe kasi masaya) at typing test (na di ko inabot, hmpf). At ang pinaka huli ay ang interview! whew! Inabot kami ng maghapon sa opisina nila, kala ko pa naman ay makakapag apply pa kami sa iba at makakagala (hpmf).
To make the story short, ang kapalaran ko ay napunta bilang trainee nila (na di ko alam kung itutuloy ko ba). At dahil tumawag si Maricon next time na lang ang karugtong… (hehe nag-enjoy sa kwentuhan hehe)!

Linggo, Mayo 13, 2012

Ma, kelan puputi ang uwak?

Dahil mother's day ngayon (at kahit parang nakakaumay na makakita ng hapi mother's day greetings) syempre di pa rin ako pahuhuli na ipagsigawan sa sansinukob that I have the best mom in the universe!!! (sobra?)


1. Kahit ginapos ako ng nanay ko sa gate nung bata pa ako, OK lang (makakaganti rin ako lol) kasi natuto na akong magpaalam sa kanya kung saan ako pupunta, kahit maglalakwatsa lang.


2. Kahit panget ako mag-drawing, salamat pa rin kahit napagkamalan niyang baboy yung ginuhit kong aso nung grade 1 ako hehe. Proud ko pa ring pinakita yun sa mga uhuging klasmeyt ko (ang rude ko lang hehe) at baon ko pa rin ang pampalubag loob niyang "ok lang yan, at least kaw ang may gawa" :)


3. Napakatapang niya dahil handa niyang awayin ang kahit sino kapag may umapi sa patpatin niyang anak tulad nung sipain ako ng isang bakulaw na lalaki na napaatras sa super kame hame wave ni mama haha. Taob siya!!!


4. At dahil di niya talaga mapaganda ang pagdrawing ko, sa kanya ko natutunan na magbakat ng drawing sa libro hehe para lang mafeel ko na pede talaga akong mag-fine arts lol. (mapangarap?)


5. Kahit marami na ang nabaling walis tambo kakapalo niya sa akin dahil super pasaway ako, OK lang din, sinumbong ko naman siya sa bantay bata 163 lol, dahil dun natutunan kong magpakabait ng husto :) (weh?)


6. Salamat din at minahal niya ako nang husto kahit super naiiyak pa rin ako kapag kinukwento niya na dapat talaga ay ilalaglag niya ako nung buntis pa siya :( malakas lang daw talaga ang kapit ko hehe, kaya naman dama ko talaga na espesyal ako sa kanya, super caring ganun :) siguro kasi di na rin siya nagsisi nang masilayan niya ang isang anghel na tulad ko haha (anghel pa?)


7. Na-appreciate ko rin yung mga pinagpupuyatan naming project noong elementary, dahil dun lagi akong very good sa mga project dahil maaga akong nakakapag-pasa.


8. Kahit masungit daw si mama (kasi lahat ng klasmeyt ko ilag sa kanya haha) ang totoo super bait talaga siya, lalo na pag may sakit ako kahit anung ipabili ko go lang! :)


9. Salamat sa pagtitiyaga na mapahanginan man lang ako sa manila bay, sa luneta o sa nayong pilipino nung bata pa ako para lang mapalakas ang baga ko, ngayon i'm super strong na (talaga?) polluted kasi dun sa lugar namin.


10. Hindi niya ako pinalaking spoiled. Hinayaan niyang maranasan kong mag-igib ng tubig gamit ang maliit na pitsel at balde para mapuno ang isang drum. Noon kasi pag summer, nawawalan ng tubig sa amin. Kahit nagtataka ako na yung mga kapitbahay kong bata ay di naman pinag-iigib at naiiwan akong mag-isa sa igiban kahit malamok, kasama ko pa nun yung aso na si sadam :) dahil dun natutunan ko kung ano ang pagsisikap at pagtitiyaga :) Proud ko pang sinasabi na "ma napuno ko na yung drum!"


11. Sa kanya lang din ako naniwala na balang araw "puputi rin ang uwak" lol.


12. Salamat sa mga training na binigay niya sa akin (training talaga?) Natatandaan ko nung grade 3 onwards hehe ako ang inuutusan niyang mag-grocery :) Bibigyan niya lang ako ng listahan at after mga 1hour uuwi na ako niyan bitbit ang dalawang plastik na malaki pa sa akin lol. Kahit pawis na pawis na ako pag-uwi, OK lang, sa kada linggo na pagpunta ko sa grocery dun ako natutunan ang value ng pera at ang tamang paggamit dito :)


13. Sobrang maalalahanin mo dahil nung minsang sinugod ka namin sa ospital dahil inatake ka, nung nagkamalay ka ay kami pa rin ang nasa isip mo; pinauuwi mo na ako kahit kailangan pa kitang bantayan dahil alam mong malapit na ang defense ng thesis namin at nakikita mong hagardnez na ako nun, super iyak talaga ako dahil di mo na inisip ang sarili mo. (naiiyak ako!)


Napakadami pa at di sapat ang isang post para isa isahin ang kabutihan ni mama :) Bukod sa mga salita hinayaan niya kaming matuto sa gawa. Pasensya na kung super reklamador ako kasi napapansin kong ginagawa mo na akong katulong lol, pero lahat pala ng mga bagay na yun ay para din sa akin :) salamat sa paniniwala mo sa akin, salamat sa sakripisyo at pagmamahal :)


Di man tayo "cheesy type" na pamilya, lam ko naman na alam mo (more than words) na super mahal ka namin nila ate :)
Pero trip ko talaga maging cheesy tayo one day, basta wag lang corni :)


happy mother's day!!!


*huli na*
salamat sa paulit-ulit mong pag sasabi sa akin na pumunta sa tindahan ni aling conching tuwing tinatanung kita kung kelan puputi ang uwak :) dahil dun lagi akong pinagagalitan ni aling conching tuwing manghihimasok ako sa tindahan nila makita lang ang puting uwak :) hehe, dun ko napagtanto na wag maniwala sa lahat ng sinasabi ng nanay ko :) (kaya tuloy ngayon medyo pasaway pa rin ako lol)

Huwebes, Mayo 10, 2012

Agawan Base: It's more fun in the Philippines

Sinabi ko na noon na di na ako gagawa pa ng mga post na tumatalakay sa mga social or political issues, pero di ko talaga maiwasan :) Feel na feel ko talaga ang maging aktibista. Gusto ko talagang ipagtanggol ang sambayanang Pilipino pati na rin ang kalupaan at likas-yaman nito, that's all thank you! Mabuhay :) (Q&A lang?)

Di ko mapigil na wag gumawa haha, mapagpatol kasi akong tao :) Lalo na pag inaapi ang mahal kong Pilipinas! (super makabayan lang).

Katulad na lang ng nangyayaring tensyon sa pagitan ng China and Philippines. Ewan ko kung bakit trip na trip agawin ng China ang Scarborough Shoal eh kung titingnan naman sa kahit anung mapa, luma man or bago, eh talaga namang mas malapit ang islang iyon sa ating bansa. Bukod dun ay pasok pa rin ito sa ating exclusive economic zone, in other words, tayo talaga ang may karapatan dito. Pero dahil singkit ang mata ng mga Chinese (pasensya na) ay baka di nila nakikita ng malinaw ang mapa :)

Ayon nga sa balita ngayon, merong 32 chinese vessels ang naroon sa scarborough shoal. Talaga namang damang dama nila ang pagkakaroon ng malakas na pwersang militar kaya ganun na lang ang pagyayabang at pangangamkam ng China sa mga lupain kahit di naman sa kanila. Isa na nga sila sa pinaka malalaking bansa sa mundo, di pa ba kasya ang kanilang populasyon dun? At pati mga kaliit liitang isla ay inaangkin pa? or sadyang inggit lang sila sa ating likas na yaman? Malay mo nga naman may makalkal na kung ano sa isla tulad ng deposito ng petrolyo, well swapang lang tawag dun (pasensya na ulit, bakit ba ako nagpapasensya :) ayoko lang kasing magmukhang masama at bitter lol)

At ewan ko ba dito kay manong Enrile, maghanda na daw tayo sa giyera! (ok lang ba sya?) Makikigiyera agad? Di ba pwedeng pag-usapan muna? Sa kanya pa talaga nanggaling yun ah, sige sumugod sya mag-isa haha, wala nga tayong mga armas at sasakyang pandagat diba, let there be peace on Earth :) Sabi pa niya kailangan na daw nating "maghasa ng gulok" dun sya tumama, dahil hanggang gulok lang talaga tayo lol.

Nagpalabas pa ng ban ang Chinese embassy laban sa ating bansa. Pinayuhan nila ang kanilang mamamayan na nasa Pilipinas na huwag muna lalabas hanggat maaari, or kung lalabas man ay dapat may kasama. Hello?!!! (may telephone?) Di naman makikitid ang utak ng mga Pilipino na bigla na lang magagalit sa sino mang Chinese na makikita namin. Palibhasa ganun sila. (nahihigh-blood ako haha) Di kami masasamang tao, malawak ang aming pang-unawa, mahal namin ang aming kapwa kahit Chinese pa yan, ipinagtatanggol lang namin ang aming teritoryo and we're not taking it personally. Thank you! :) (haha)
At dahil dyan, nakisawsaw pa ang bansang Taiwan na pinag-iingat din ang kanilang mga fellows dito sa ating bansa dahil baka mapagkamalan daw silang Chinese. Whatever?! Di naman kami mga basag-ulo (medyo lang haha).

Nauso tuloy ang hacking sa mga government website tulad ng sa UP at PAGASA. Pati ba naman sa online world nakikipag-away? Kaya pag may nakabasa nito na isang Chinese na naging bitter sa mga nasabi ko, malamang ma-hack din ang account ko lol. Goodbye blog haha (wag nyong gawin yan, hirap magsimula ng blog ah lol. :)

Mabuhay!
Agawan Base: It's more fun in the Philippines :)

Biyernes, Mayo 4, 2012

Panain na lang ang Panamanian National :)

Nakakatuwa lang ang ilang balita ngayon sa TV... di ko alam if kelangan ko bang mag-react, papatulan ko ba or dedma na lang :)


Pag pumatol ka kasi, sasabihin ng iba "nu ba yan, pati ba naman dyan nagrereact ka pa!" kapag wala ka namang ginawa at dinedma mo lang maaaring sabihin ng iba o ng sarili mo mismo na "anung klase kang mamamayan ng Pilipinas? wala kang kwenta! wala kang pakialam!" (weh? nagpapaka-deep lang).


So, magrereact na lang ako! wapakels na lang! (weh ulit? yung totoo ay wala ka lang mai-post)


#1: Immunity: Survivor lang?

Nakakaloko yung nangyari sa isa nating kababayan. Ayon sa babae, pinagsamantalahan sya ng isang Panamanian national. Nagsampa sya ng kaso pero nabalewala lang dahil isa palang diplomat sa ating bansa ang may sala, at ayon sa pinaiiral na batas (na hindi naman patas) may "immunity" daw ang pagiging isang diplomat, so hindi sya makakasuhan, lakas lang ng resistensya di ba? Immune na immune! :) Ibig sabihin kahit pala makapatay sya, maghuramentado sa labas, hindi pa rin kakasuhan? Daig pa survivor sa immunity :) Ewan ko, di na ako nagresearch pa sa mga diplomatic rules etc (i have no idea lol) kaya sana naman pakipaliwanag ito ng mga polsci grad or abogado for the benefit of common people (madlang tao). Kawawa naman si ate, ganun ganun na lang? Pero sa isang banda parang gusto rin syang pagsabihan (nang-sermon pa), napanuod ko kasi yung interview sa kanya, sabi nya naging magaan daw ang loob nya sa Panamanian, kumain sila, nagkwentuhan at sumama pa sa isang room at yun na boom! :) So, ibig sabihin may kasalanan din siya, foreigner nga eh tapus feeling close? kwento mode pati nga daw buhay-buhay nila ay "may-i-share" sya at sumama pa sa isang room? naman... (nanisi pa lol). enwey... ang lesson sa pangyayaring ito ay "wag agad magtitiwala at makipag-super friends sa iba, sapat na ang maging nice!"


x-o-x-o-x

*commercial*

Mula nung sinabi ko sa aking mahal na ina na may blog ako, alam kong naging medyo curious sya sa mga pinagpopost ko sa blog. Tulad ngayon, yung issue #1 ay inabot ako ng kalahating oras kasi padaan-daan siya sa likod ko dahil lam nyang may tinatype na naman akong kababalaghan hehe, so gumagawa sya ng mga special tactics para mabasa ang mga sinusulat ko (na ayaw kong mangyari hehe) at ito ang ilan sa mga logical and rational tactics nya (na waley naman lahat dahil pag na-sense kong nandyan na siya ay kiniklik ko sa ibang tab hehe):

1. dadaan sa likod ko pero ang tingin ay sa monitor
2. tatawag sa telepono (kasi malapit yun sa desktop) pero nakatingin pa rin sa monitor :)
3. lumalakad ng dahan dahan para wala akong marinig na kaluskos kasi ang target ay mabasa pa rin ang pinopost ko hehe pero pag alam kong malapit na sya, lipat agad ako ng ibang tab
4. at eto ang pinaka-da-best (pero waley pa rin), kukuha siya ng silya at uupo sa tabi ko tapus sasabihin niya paki-open yung fb nya, tingnan namin yung mga pictures, paki search ang mga branches ng DHL, i-google ko daw ang numero ng DFA, NSO, DOH at iba pang departamento sa bansa haha, at dahil sa mga pinagagawa niya nawawala ang momentum ko sa pagsusulat (tulad ngayon tinamad na akong sundan pa ang issue #1 dahil sa tactic nyang ito lol nawala ako sa focus) ang ending- di ko matagumpay na naisulat ang lahat ng naisip ko; di pa rin niya nabasa ang ginagawa ko at parehas kaming talo!!! :)

ang kulit naman kasi ni mother earth eh, sinabi ko naman sa kanya na yung blog ko ay di para sa kanya o kahit sino pang member of the family haha (dahil baka masayang lang ang oras nila) *ang damot lang* :) hay nakow, so what is ur next strategy mother earth? :)

Martes, Mayo 1, 2012

Kay Susan Tayo! :)



Nakaka-touch, nakaka-iyak at nakaka-inspire pa rin ang video na ito kahit ilang beses ko na itong napanuod :)
Isa itong matinding patunay sa kasabihan na "don't judge a book by its cover"
(haha lakas lang maka-kowts)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...