Mga Pahina

Sabado, Abril 28, 2012

JMM Covers

Share lang:


Eto pa:


Let's support JMM Covers!
Maiba lang. Refreshing naman eh :)

Biyernes, Abril 27, 2012

Tindahan Scandal :)

BABALA: Ang post na ito ay naglalaman ng ilang maseselang salita mula sa mga chikadorang nilalang. Patnubay ng sino man ay kailangan :)


 Nakakatuwa rin pa lang magbantay dito sa aming tindahaan. Kung anu-anong kwento ang di ko naman sadyang marinig (promise!).


Nung isang araw, may isang pulutong ng nanay ang tumambay malapit dito sa aming tindahan. (pulutong talaga eh nuh). Meron kasi silang kumare na nagtitinda rin sa may tabi lang namin. Mainit ang panahon, kaya normal na dito sa aming lugar ang makakita ng mga grupo ng tao na nagpapahangin sa labas.


So todo kwentuhan ang mga chikadorang nanay, naghahagalpakan pa ang mga tawa nila. Pati nga ako ay natatawa at naloloka sa mga pinag-uusapan nila.
Ang eksena ay napunta sa itlog ang usapan:


chikadora 1: ang init ngayon noh, pero masarap pa rin kumain ng itlog.
chikadora 2: ah oo nga eh, itlog ba? (tawanan) teka anu bang itlog ang gusto mo, yung nilagang itlog o yung itlog ng asawa mo? (tawanan ulit)
may sumabat 1: tinatanung pa ba yan! (super lakas ng boses) syempre yung itlog ng asawa ko (tawanan na naman) mas gusto ko yun kasi masarap amoy-amuyin! (super proud sa sagot niya)


hahaha, grabe naloka talaga ako sa usapang yon, di ko alam kung bubuhusan ko ba sila ng tubig para ipagtabuyan :) tapus di pa natigil;


may nagtanong: eh bakit itlog ng asawa mo?
may sumabat 1: nagbabago kasi ang amoy nun habang tumatagal (hagalpakan)


gusto ko na ibaon ang sarili ko sa kinauupuan ko sa mga usapan nila :) dinudumihan nila ang inosente kong pag-iisip (weh?)


tapus napunta pa sa sex toys;


chikadorang hinihika: (hinihika kakatawa) wag nyo akong patawanin, mamaya hikain ako dyan, sige kau pag-ako nagkulay blue dito isugod nyo ako ah! (nagkulay blue talaga teh?)
sagot ng sumabat: naku kunwari ka pa! (pinalo pa si kumare nyang hinihika) tuwang tuwa ka naman! basta ako nagpapakatotoo lang (sya nga naman haha)
chikadora 1: uy may narinig ako ah, may bago ngayon eh, yung sex toys ba yun?
chikadora 2: (namamangha) laruan yun teh? anu itsura nun?
sagot ng sumabat: naku anu pa eh di katulad nung sa asawa mo (tawanan)
chikadora 2: eh ganu kalaki yun? pwede ba yun ipasok? (walang humpay na hagikgikan)
sagot ng sumabat: (nagmamaalam) alam ko iba iba yun eh, eh di piliin mo na yung malaki (tawanan ulit) ayoko ngang ipasok yun mamaya di na mailabas! (super tawanan)


grabe talaga di ko maisip na ganun pala magkwentuhan ang mga nanay hahaha
pero humirit pa talaga yung hikaing kumare nila:


chikadorang hikain: wag ka mag alala (nagpayo pa) hahawakan ko naman yun para mahugot mo pa!!!
chikadora 1: pero di pa talaga ako nakakita nun
sagot ng sumabat: meron yan, bumili ka, pumunta ka ng SM! (nagpromote pa? pati tuloy ako napa-isip kung meron nun sa SM haha)


mabuti na lang at unti unti nang dumami ang mga tambay sa labas at napuksa rin ang mga chikadorang mudra. di ko talaga sila kinaya :) sila na!!!


hahaha di lang yan, umaga pa lang yan ah, gusto ko pa sanang ituloy yung mga kwento naman ng mga lasing nilang asawa pag tumatambay sa harap ng tindahan pag gabi :) kala nila sila lang ang malupit, malupit din ang kanilang mga mister! hahaha. o sya baka mabasa pa to ng mga sawsawerong mga imbestigador na may radar, at pag-ugatan pa ng gyera between mga chikadorang nanay at lasenggong mga tatay :)


Panawagan:
Nananawagan po ako sa samahang kababaihan na gumawa po kayo ng maraming livelihood projects para may mapaglibangan ang mga kababaihan at mga nanay dito sa aming lugar :)

Mali Talaga ang Umasa

Korni man ang mga promises, biktima pa rin ako nito. Yung tipong tinatanaw mo na ang hinaharap pero lumilingon ka pa rin sa nakaraan. (emo lang)

Magkaibigan kami. Magkaklase sa elementarya. Halos lahat ng sikreto ng bawat isa ay alam namin. Madalas nga kaming tumambay sa bahay nila. Food trip, kwentuhan at tawanan.

Gayunpaman, di ako ang gusto ni Ara. May pagtingin sya sa isa ko pang kaklase na si Rowel. Ok lang naman yun sa akin, at least di man ako ang gusto nya, mas madalas naman nya akong nakakasama kumpara kay Rowel.

Minsan tinabihan ko sya sa upuan. Simpleng daldalan ganun lang. Hanggang sa naitanong ko sa kanya kung bakit ba niya nagustuhan si Rowel. Tawa lang sya ng tawa. Di niya suguro inasahan na sa akin pa manggagaling ang tanong na iyon. Pero sinagot pa rin naman nya ang tanong ko. Sabi niya, nagustuhan niya raw si Rowel dahil matalino, mabait, palangiti at gwapo. Sa loob-loob ko nasabi ko na lang- bakit matalino rin naman ako parehas naman kaming nasa top 10 ni Rowel, mas mataas nga lang ang rank niya sa akin, mabait din naman ako kaya nga nya ako naging kaibigan, pala-ngiti rin naman ako, pero mas gwapo lang talaga sya sa akin lol (pero dati yun, ewan ko ngayon hehe).

Hindi ko naman siya pinilit na magustuhan ako. Naiintindihan ko siya bilang kaibigan. Bago ako bumalik sa upuan nagpahabol pa ako ng isang tanong; tinanong ko siya na panu kung hindi ka pansinin ni Rowel? Si Rowel kasi ay parang heart throb na sa aming klase. Sabi niya ok lang naman daw, alam niya rin na baka hindi siya pansinin nito, sabay ngiti pa ni Ara. Tapus nabigla na lang ako nung idagdag niya na- "oh sige pag malaki na tayo at wala pa rin tayong bf at gf, gusto mo tayo na lang?" Lumaki ang aking mga mata nang marinig ko yun, parang good news lang ang dating. Wala namang halong pag-iimbot ang pagsagot ko sa kanya ng- "sige ba! sabi mo yan ah" sabay tawa naming dalawa. Pagkatapus ng maiksing usapan namin na yun, bumalik na ako sa aking upuan. Sa katunayan, magkatabi pa kami ni Rowel sa upuan, para bang gusto kong sabihin sa kanya na di mapupunta sa kanya si Ara haha.

Di ko alam kung seryoso sya o hindi sa mga nasabi nyang yun. Alam kong bata pa kami, pero marunong na akong umasa sa mga pangako. Umasa ako na balang araw mangyayari rin iyon.

Lumipas ang mga araw, nagtapos na rin kami. Nagkahiwalay na kami ng landas nung high school. Wala na kaming komunikasyon. Wala na akong  balita kay Ara.

Alam kong maraming pagbabago ang magaganap; na sa pagyabong ng aming isip, maaaring ang pangakong iyon ay di na matupad.

Nung kami'y nasa kolehiyo na, nagkaroon ako ng pagkakataon na matext ang mga dati kong kaklase. Magiliw nilang kinukwento ang masasaya nilang bonding nung high school. May panghihinayang din sa akin na hindi ako nakasama sa kanila dahil lumipat kami ng tirahan. Hanggang text na lang ang pag-uugnay namin ni Ara. Sinsero kong sinabi na na-miss ko na ang aming samahan at malulutong na tawanan :) Naitanong ko pa nga kung naging sila ba ni Rowel... kinabahan ako... buti na lang ang sagot niya'y- "hindi naging kami." Mula noon. inasam ko na kami'y magkita muli kasama ang barkada.

Labis kong ikinatuwa ang aming pagkikitang muli. Ganun pa rin ang tropa- masayang kasma, makulit, maloko. Halos di matapos ang aming kwentuhan, tawanan at biruan. Yun ang isa sa mga araw sa buhay kong ayokong magwakas. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Ara. Tinanong ko kung natatandaan pa ba nya ang aming naging usapan. Di naman nya iyon nakalimutan. Pero sabi niya hanapin ko na lang daw ang aking kasiyahan. Di na ako umimik. Di ko man lubos na naintindihan ang nais nyang iparating, may kutob akong alam ko na ang ibig nyang sabihin.

Parehas naming binuo ang pangakong iyon. Pero di ko inasahan na maiiwan akong mag-isa. Maaaring ito talaga ang itinakda nga pagkakataon.

Meron na pala siyang kinakasama. Hindi pa naman sila kasal pero may anak na rin sila. Di ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Dahil naisip ko, wala akong karapatan na manisi o magalit sa kanya. Masyado lang akong umasa sa pangakong iyon. Gayunpaman, masaya pa rin ako sa aming pagkikta.

Matagal kong pinanghawakan ang pangakong iyon.Sana pala nakinig na lang ako sa paboritong kasabihan ng kalog kong kaibigan; baka nga totoo na promises are meant to be broken...

Ayos lang na naiwan akong nag-iisa. Susundin ko ang kanyang payo na hanapin ang aking kasiyahan.




Miyerkules, Abril 25, 2012

Ang Aking Pagbabalik

Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan :)
-nakikisali sa pakulo ni bino-


x-o-x-o-x


Masaya ako na nakabalik muli sa aming probinsya dito sa Cotabato. Mga anim na taon din ang hinintay ko sa pagkakataong ito. Mapalad akong nakakuha ng scholarship para makapag-aral sa Maynila. Sabi ni ina, kahit mawalay man ako sa kanila, dapat kong pagsumikapan ang pag-aaral. Malungkot man para sa akin ang mag-isa, hinarap ko pa rin ang buhay sa Maynila. Kinasanayan ko na lang din ang buhay ko doon sa araw-araw. Heto nga't nakapagtapos na ako ng kursong edukasyon, nagbabalik ako ngayon sa aming bayan bilang isang guro.


Pagtuntong ko sa aming tahanan ramdam ko pa rin ang mga maligno ng nakaraan. Ganun pa rin ang itsura ng aming bahay, gula-gulanit ang dingding, luma pa rin ang mga kasangkapan, ang mga kapatid ko'y hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral at may sakit pa rin si ama. Bukod dun ay kaawa-awa pa rin ang aming bayan at marami pa rin ang mahihirap. Pakiramdam ko wala ring saysay ang pagtatapos ko sa kolehiyo. Sarili ko pa lamang ang aking nabago, ganoon pa rin ang pinanggalingan ko. Hindi ko matagalan ang aking mga nakikita, kaya minabuti ko munang magpaalam kay ina, bibisitahin ko muna ang dati kong paaralan na sya ngayong aking pagtuturuan.


Walang tao nung magpunta ako sa paaralan. Sabi ni Ka Gimo baka sa makalawa pa ang balik ng ilang guro, pero bukas naman ito kaya naisip ko na ring maglibot sa loob. Luma pa rin ang mga klasrum, walang bagong gusaling naitayo. Ang kinatuwa ko lamang ay nandun pa rin ang damuhan sa likod ng paaralan kung saan ako madalas tumambay kapag may problema. Doon sa damuhan ako nakakapag-isip ng maayos, nakakapagmuni-muni, natutulog pagkatapos ang paggawa sa bukid. Doon ko nabuo ang aking mga pangarap, dito sa damuhang ito binigyan kong hinuha na hindi mananatiling mahirap ang aking buhay.


Sa luntiang damuhan, nakatutuwa lang na naroon pa rin ang punong mangga na pinag-ukitan ng aking pangalan; "gino galunggong" ang nakaukit doon. Hindi talaga ako ang may gawa nun, yun ang naging bansag sa akin ng aking mga kaklase nang sabihan ako nung aking guro sa panitikan na ako raw ay utak galunggong! Napakatamad ko raw magbasa kaya hindi ako makasagot sa kanyang mga tanong. Dinaan ko na lang sa ngiti ang alaalang iyon. Marahan akong nahiga sa damuhan, pinagmasdan ko ang kagandahan ng kalangitan. Naisip kong marami din pala akong naging alaala sa paboritong lugar ko na ito. Natatandaan kong madalas din akong magpalipad dito ng saranggola; iniisip ko noon sana kung gaano katayog ang nararating ng aking saranggola ganun din sana ang aking marating sa buhay. Madalas mang mapatid ang aking pisi, alam kong di ako magsasawang magsimula muli. Hitik din sa mga kulisap ang damuhang ito; madalas namin itong hulihin at paglaruan ng aking mga kaibigan. Maihahalintulad ko ang mga kulisap sa aking mga kababayan, madalas paglaruan ng mga nakatataas sa lipunan. Matagal akong nawala dito sa aming bayan, pero ganoon pa rin ang inabutan kong kalagayan.


Papalubog na ang araw, napasarap ang aking paghiga't pagtambay. Bago ako tuluyang umuwi sa aming tahanan, naisip kong dumaan muna sa silid-aklatan. Bukod sa damuhan, pangalawa ito sa paborito kong lugar. Dito ako namamalagi tuwing tanghalian; imbis na kumain dito ko na lang inuubos ang aking oras. Madalas kasing wala akong baon noon na pananghalian kaya't pagbabasa na lamang ng mga lumang libro sa silid-aklatan ang aking ginagawa.


Pinagmasdan kong muli ang kabuuan ng paaralan. Kung makikita lamang ng Kagawaran ng Edukasyon ang kalunos-lunos na kondisyon ng aming paaralan, maisipan kaya nila itong tulungan? Napailing na lamang ako sa aking naisip. Kung sa Maynila nga ay di rin maayos ang lahat ng paaralan, sa amin pa kayang bayan.


Pagbalik ko sa aming munting tahanan, masaya naming pinagsaluhan ang masarap na hapunan. Dalangin ko nga na sana'y laging may pagkain sa aming hapag. Na sana sa pagbabalik kong ito ay may maidulot akong pagbabago.


Bago matulog, pinagmasdan ko ang mga lumang larawan ng aming klase. Hindi ko akalain na ang gusgusing bata sa larawan ay magiging isang guro na ngayon. Naitanong ko na lamang sa aking sarili kung matutupad pa ba ang ilan sa matatayog kong mga pangarap. Pagkalipas lamang ng ilang linggo, isa na ako sa magsisilbi sa kumalinga sa aking paaralan. Walang kasiguraduhan kung mababago ko ba ang aking mga nakikita. Kung kakayanin ko bang maging bayani para sa kapakanan ng iba. Ipinikit ko ang aking mga mata, umaasa ako na sa aking paggising ay may isang umaga akong makikita na puno ng pag-asa.

Martes, Abril 24, 2012

Ako at ang Galunggong :)

'Da best' talaga yung teacher ko nung grade 2 nang sabihan nya ako ng 'utak galunggong'; salamat kay Ma'am Manalese nung araw na yun dahil mula umpisa hanggang sa matapos ang araw ko sa eskwelahan ay walang tigil ang mga dugyot kong kaklase (haha makaganti lang) sa pangungutya sa akin at paulit-ulit na pang-aasar ng utak galunggong sa akin hanggang sa labas ng gate ng school. Mga panget na yun, utak hangin naman! (bitter lang?)


I tried to imagine kung ga'no ba kalaki ang utak ng galunggong at bakit naman naikumpara ako dun :)


Ang eksena kasi ay ganito: Na-late ako ng pasok sa klase nya nung araw na yun, dahil isa rin ako sa mga napili para kumuha ng test na susukat kung gaano kahusay ang naging pagtuturo ng mga guro sa amin (yun ang pagkakatanda ko). Sabi nung proctor sa amin nung orientation ay dumeretso na daw kami sa mga testing rooms, so yun naman ang ginawa ko (masunuring bata). Eh ang plano pala ni ma'am ay pumunta muna kami sa kanya para makapag-review at nang makakuha naman kami ng mataas na score. At yun na nga, bilang pagsuway sa kanyang utos, pagpasok ko pa lang sa room ay nag-iinit na ang kanyang ulo;


Sabi nya: Bakit di kayo dumaan sa akin?
Sabi ko: Eh sabi po nung proctor dumeretso na daw po kami dun sa testing room.
Sabi nya: Hindi ba sinabihan ko kayo na dumaan muna sa akin! (habang nanlalaki ang kanyang mga mata). Kung hindi ka ba naman 'utak galunggong!' (boom!)


At naghagalpakan na ang matatalino (weh?) kong kaklase. Di naman ako naiyak, super badtrip lang ako nung araw na yun :)


x-o-x-o-x


Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa aking alaala ang pangyayaring yun, pero hindi ko nagawang magtanim ng galit kay Ma'am Manalese- dahil isa siya sa paborito kong guro- mabait at parang nanay ko na rin siya.


Natatandaan ko pa nga na ako ang lagi nyang inuutusan para bumili ng coke sa umaga. Laging 2 coke ang ipinapabili nya. Minsan din ay sinusundo ko pa sya (with some of my classmates) sa kanyang boarding house kapag late na sya sa school, kasi ilang lakad lang naman yun from the school, at nalulungkot ako sa tuwing sasabihin ng julalay nya na hindi sya makakapasok dahil may sakit si ma'am; kaya tumatakas na ako agad palabas ng skul kapag alam kong wala siya dahil ayokong malipat at makihalubilo sa ibang section.


Isa siya sa mga naging inspirasyon ko; sya nga ang nagpromote sa akin sa star section nung grade 3 (siguro gusto nya talagang ma-improve ang utak galunggong na ito lol) at mula noon hindi na ako nawala sa cream section.


Actually wala na sya ngayon. Namatay na sya dahil sa hepa. At isa ako sa mga huling nakakita ng naninilaw niyang mata. Kahit nasa wheelchair na sya noon nung kami'y magkita muli hindi pa rin niya nakalimutan na kamustahin ako at ang iba pa nyang naging anak-anakan. Hindi ko sya malilimutan.


Salamat Ma'am Manalese :)

Lunes, Abril 23, 2012

Sino si 3500c?

Bilang pagkilala sa natatanging serbisyo ng pamato kong cellphone na nokia 3500c, napag-isipan kong sya ang i-feature ngayon haha :) Kung si Faye ang unang taga-ibang planeta na na-feature sa blog ko, ang gula-gulanit kong cellphone naman ngayon! :)


Sya ang dahilan kung bakit wala akong 'friendship phone'. Lahat ng mga kaibigan ko sa faculty naka samsung galaxy... ako ganun pa din- keypad kung keypad. Sila na ang touch screen at wifi, ako naman ang may cellphone na pedeng ipanlaro sa tumbang preso LOL :)


Pero bakit nga ba di ko sya maiwan? Heto ang mga dahilan: (naglista pa?)


1. Bigay yan sa kin ng panganay kong ate bilang birthday gift. Ika nga eh, may sentimental value.
2. Dahil sa cellphone na yan, natutunan kong i-appreciate ang pagmumukha ko haha :)
3. Nag-feeling photographer talaga ako sa 2megapixel nyang camera :)
4. Yan lang naman ang madalas kong maihagis tuwing nag-aalarm sa umaga. Mabuti nga't buo pa rin sya, matibay!
5. Bukod sa taga-gising sa umaga, sya rin ang gamit ko para gumawa ng to-do-list at whatever na dapat kong gawin na hindi ko naman talaga ginagawa.
6. Higit sa lahat, sa halos apat na taon kong paggamit sa kanya, marami nang mahahalagang bagay ang nakalagak sa kanyang memory- mga text ng kaibigan, mga importanteng contacts, mga picture, mp3 at video. Dulot nya ay ligaya :) San ka pa? Bili na!


Gamay na gamay ko na ang paggamit sa kanya, kahit nakapikit kayang-kaya! (weh?)
Yan na talaga ang naging ka-buddy ko sa buhay. (makapag drama lang)


Minsan nga eh nung nagbike kami eh nalaglag yan sa kalsada, dahil nakita nilang isang malaking pamato ang cellphone ko halos walang gustong pumulot, di rin nga ata tatangkain nakawin yun eh :) Talagang ipinagsigawan pa nung ale na nalaglag yung cellphone ko tapus ang ending nagkatamaran pa silang pulutin yun :) Pero may naawa namang isang mabuting mamamayan ng Pilipinas :) may paparating kasi na jeep kaya pinulot na nya, kundi pa dahil sa kanya malamang durog na ang mahal kong nokia 3500c. (eh di sana nakapag samsung na ako hehe, ginusto ko pa palang mangyari yun)


Heto naman ang ilan sa mga captured moments ng aking ka-buddy:
(ito yung mga tipong baliw-baliwan mode)


#1. Ito yung hagdan malapit sa lalagyanan ko ng mga libro at kung anu-ano pang mga papel. Sa likod ng kurtinang yan ay ang mga sandamukal na files (files talaga ang ginamit kong term para sa kalat hehe) at yang hagdan na yan ang ginagamit ko para abutin yung mga nasa taas na files lol. Parang library lang di ba? Pero wala na ito ngayon. Winasak at ninenok na ng sanlibutan.





#2. Ito ang ginagawa ko sa mga naka-kalat na 25centavo sa bahay namin. Haha, halatang wala lang magawa sa buhay.









#3. Ito naman ang pinagkakaabalahan ko kapag ayokong makinig sa mga prof ko nung college, napaka ganda kasi nung sunset sa may bintana ng room namin, kaya madalas dun ako napapatingin.
















#4. Madalas ko ring kunan ang malalabo kong mata. Baka luminaw lang :)












#5. Pati mga gagamba ay di naliligtas sa akin lol. Wagas tong gagambang to, ginambala talaga ako nyan para magpa-picture.
















#6. Syempre di rin mawawala sa eksena ang mahal kong watawat. Ang drama kasi ng pagwagayway ng flag na to kapag humahangin.
















#7. At akala ko talaga ay malapit na ang end of the world nang makunan ko ang eksenang ito matapos naming kumain ng mga kaklase ko sa Mang Inso. (promotion lang, sa malinta po yan)
















#8. Pati ang antigong tasa na minana pa namin sa aking lola ay napagdidiskitahan ko rin. Yan ang madalas kong gamitin sa pag-inom ng kape. Nakakalungkot lang kasi basag na yan. At least may picture na, di na sya mababasag lol.
























#9. Halata bang mahilig akong kumuha ng mga larawan ng hagdan? Iba talaga ang tama ng hagdan sa akin. Siguro ang ikamamatay ko ay yung pagkahulog sa hagdan hehe. Pinipili ko lang talaga na sana maganda naman yung hagdan na huhulugan ko. (napaka morbid)






















#10. Ipinagmamalaki ko ang konsepto ng center of gravity. Medyo epic fail lang ang pagkakadaya ko dito :)




























#11. Kuha ko ito noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Wala na akong makitang maganda noon sa paligid, puro baha, putik, burak at mga basura. Hanggang napansin ko habang nag-eemote sa bintana na may naka dikit na dahon sa salamin. Wala lang. Naramdaman ko lang ulit ang presensya ng hope kahit lubog kami sa baha.
















#12. Yan naman ang bestfriend ko sa science lab. Laging sya ang kaharap ko tuwing may quiz kami :) Hindi naman talaga ako nangongopya nung Anatomy class namin eh, dahil nasa harap ko na ang kasagutan haha :)




























Ilan lang yan sa mga moments sa buhay na maaari kong i-share nang dahil kay nokia 3500c.
Hehehe, feeling ko talaga pag nabasa to ng may-ari ng nokia ay bibigyan nya ako ng unlimited supply ng cellphone at gadgets!!! (yun lang eh kung maiintindihan niya ang lahat ng ito).


:)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...