Mga Pahina

Sabado, Pebrero 25, 2012

Soundtrip :)

*pauna*

di ako nakapag-post kagabi,
super antok na kasi ako :)

(may dadaig pa ba sa super? LOL)

yesterday was TGIF!
i'm happy with my friends :)

Soundtrip muna with Starfield :)
Enjoy! God bless :)

*huli na*

- naiwan ko yung kurtina ng classroom, binalak ko talaga siyang iuwi (para sa bahay namin LOL) kasi lalabhan ko sya (pero palalabhan ko lang talaga) ang bait ko :) wala na kasing kusa mga students ngayon, at low maintenance naman sa school namin, kami pa ang maglalaba ng kurtina LOL reklamador talaga... :)

enwey... that's life!

- daming dapat tapusin... exam for finals, ang everlasting LP, lesson preparation, NAT review, checking of tambak na papers and recording! 

- haggard moments na naman ito :)

*whew*


Huwebes, Pebrero 23, 2012

Salamat Hope at Pangarap :)

*pauna lang*
I was happy when I saw...
3 na ang members sa blog ko LOL
Talagang binibilang ko every now and then :)


Salamat.



I am still hoping...
that one day,
I will end up this life
fulfilled... satisfied.

I really hope that all my dreams
will come true.

*drama*

Naisip ko lang 22 years old na ako.
Oo. 22 na.
Masaya ba ako sa pagtuturo?
Oo naman. Sa kabila ng lahat ng hirap...
may saya rin naman.

Nagrereklamo ba ako sa mga gawain?
Oo minsan hahaha. Masama ba ang magreklamo?
(araw-araw ? LOL)

Hindi.
Seryoso lang.

Mula nung magturo ako,
naramdaman ko talaga.

Mahirap pa lang hubugin ang pagkatao ng iba, na ang lagay nga eh, ikaw sa sarili mo ay di pa rin naman ganoon. Mahirap na maging halos perpekto sa tingin ng iba, lalo na alam mo naman sa sarili mo na kahit anong oras ay maari ka ring magkamali. Mahirap abutin ang sa palagay ng iba ay ikaw... eh alam mo naman... na ang dapat ko lang gawin ay kung sino ako... sa palagay ko. LOL

Ang gulo :)

So how's my life today? (let me enumerate LOL)

1. Kanina late na naman ako ng gising. So, as a result = late din ako sa school. Naabutan pa ako ng principal pagpasok ko sa faculty. 5 minutes late. 1point :)

2. Nasita rin ung advisory class ko dahil sa kalat ng room nila. So, kahit sila ang nagkalat, ako pa rin yun dahil mga anak-anakan ko yun LOL. 2points :)

3. Kaya kanina ay inakyat ko sila sa third floor at pinapanget ko na naman ang gwapo kong mukha LOL para malaman nila na hindi ako natutuwa sa gingawa nila. And so, naglinis sila ng lubos. Kaya naman pala nila. Nakabawi ako LOL. 1point na lang :)

4. Nung uwian na, may gathering ang dabarkads pero di muna ako sumama, eh kasi naman gusto ko talagang maging active sa pagsusulat ko sa aking blog, dahil nakakahiya naman sa aking mga tagasubaybay LOL (assuming?). Kaya ang ending, sila lang ang masaya ngayon, samantalang ako ay nasa harap ng monitor.

5. At habang ginagawa ko pa ito, bigla kong naisip ang mga sumusunod:

- matupad pa kaya ang pangarap kong maging manunulat? at makapagsulat din ng isang libro? sige na, destiny, fortune and hope, give me a break!!! LOL

- gusto ko rin sana maging isang scientist (di nga?) kaya gusto kong mag-aral sa UP at Harvard LOL pati na rin sa Germany :)

- i also want to have my own show on tv (grabe na to!) a science and technology show :) yung parang tomorrow today ng dwtv.

- magkaroon man lang ng isang spread or cover sa isang sikat na magazine tulad ng Reader's Digest at Time Magazine hahaha ( to the highest level)

- gusto ko rin maging journalist, photographer at mag around the world!

- maging singer at model

-maging celebrity at  maging award winning and highest paid actor kahit sa mga indie films lang LOL tatalunin ko ang walang himala hahaha

- magkaroon ng awards kabilang na ang nobel prize!

-at marami pang iba hahaha

- in short.... gusto ko na lang managinip LOL

hay.... sarap mangarap :)


Miyerkules, Pebrero 22, 2012

IDLIP to da max :)



Yung feeling na...
mangangako ka munang iidlip lamang sandali,
makabawi lang ng tulog.

Tapus...
biglang napahimbing,
nagising ng alanganin.

Wow.
3 days na akong ganyan.

Result:
Zombie eyes.

Minsan sa sobrang pagod
sa school, at yung tipong
pag-uwi eh dapat may gawin pa rin,
nakakaubos din talaga ng energy.

Kaya sa gabi, kahit gusto ko pang magsulat,
magbasa at gumawa ng visual aid,
umiidlip muna ako para makabawi ng energy...
kaso lang natutuluyan ng husto ang tulog ko :)
LOL
Badtrip.

Minsan 1AM
Minsan 3AM
Alanganin ang gising.

kaya wag na magtaka
if one day, I'll be looking like this:

Good Morning Class! LOL

Martes, Pebrero 21, 2012

Araw Araw Na Lang :)


Dahil sa pagmamadali ko kaninang umaga
lumabas ako ng bahay na naka lupi pataas
ang laylayan ng aking pantalon,
parang katulad lang nung nasa picture.

Naka polo barong pa man din ang eksena :)

Eh kasi...
LATE.

Lagi naman yun ang sakit ko.
Kahit nung nag-aaral pa ako LOL

Enwey... pinipilit ko pa rin naman
na pumasok ng maaga,
sa abot ng aking makakaya :)

*kwento*

Noong college, isa ako sa pinaka da best!
Na pinaka huling dumarating sa room.
Kaya kapag AM ang sked ng first subject,
lam na isa na ako sa bida.
Minsan super bida pa nga.

Yung tipong minsan hataw na sa discussion ang prof namin,
tapus eksenang "may I come in" ako sa klase :)

Tawag dun... medyo kakapalan ng mukha,
di na nahiya LOL

Lalo na kapag maulan,
parang feeling ko
may nagbigay sa kin ng special permit
para pumasok ng huli.
Mga 45 minutes late para sa isang 3hour subject :)
Eh kasi naman, sa lugar namin,
bigla na lang nagkakaroon ng seasonal ilog
during heavy rains! So,
enjoy na lang sa boating :)

Minsan nga ang prof pa
ang nagbubukas ng pinto para sa kin.
Special treatment di ba. Lakas :)

Kaya nga mahirap na
pagsabihan ang mga estudyante ko
na pumasok ng maaga...
Eh kasi nga ako din ay nahuhuli ng dating :)
LOL

Pero hanggang dun lang naman *pambawi*

Natuturuan ko pa nman sila ng leksyon at
tamang pag-uugali (weh sana nga)

kaya ang lesson for the day:
"Be a model." LOL
A good model.

Kaya nga bago kami makapasok sa aming klase kanina,
ay "sermon" muna at "paalala" ang inabot namin :)

whew :)

Lunes, Pebrero 20, 2012

Ganito Na Talaga Ngayon :)


Iba na talaga ang panahon ngayon.
Dati pag mababa ang grade ng bata, sa mismong estudyante itinatanong yan.
Ngayon, pag mababa ang grade, sa teacher na sinisisi :)
Ang teacher na nga ang nagturo, ang teacher pa rin ang mag-aaral para sa kanila LOL

Mahirap.
Mahirap talaga ang maging teacher.
Sa dami ba naman ng estudyante mo eh...
lahat yun umaasa na mababago mo ang kanilang buhay.

Isa lang sya.
Maraming estudyante.
Uhm... sabi naman nila,
maraming paraan...

Nung ako pa ang nag-aaral,
ako ang pinagsasabihan na mag-aral ng mabuti.
Ngayon na ako na ang nagtuturo,
dinaig ko na ang nanay ko
sa pagpapaalala na mag-aral silang mabuti.
Da best :)

Pero sa likod ng mga pasaway na estudyante,
ay ang kanilang super bait at supportive na magulang.
Touch talaga ako pag nakakausap ko sila :) *drama*
Hangad ko na matumbasan ng mga batang yun
ang kabutihan ng kanilang mga magulang.
Sana... dumating talaga ang araw na yun.

Hangad ko rin na mas maging mahusay pang guro.
Para sa mga mas mahuhusay pang mag-aaral.

Sana...
may i wish upon a star,
mas mataas din na sahod para everybody happy LOL
*humirit pa*

:)

Sabado, Pebrero 18, 2012

Pictures from my CP :)

pauna lang:
:) achievement na talaga to LOL
Last year when I created my blog, nagkaroon ako ng isang follower.
This year nadagdagan pa ng isa... so, 1+1=2 hahaha.
I-celebrate na yan LOL.

I used to do blog hopping.
And I was amazed by the number of followers they have.
So, I wonder, pag maraming follower ay maganda ang blog mo?
Di ba pwedeng wala lang silang ma-follow na iba, or di lang nila nakita ang blog ko LOL :)

Well, seriously speaking...
I admire those bloggers na masipag mag-update ng kanilang blogs'
Eh di ko kasi magawa yun, lam mo na busy (may mairason lang)
Tapus ang ganda pa ng lay-out nila, very creative...
Uhm, sa case ko, pinili ko lang talaga ang simple LOL
Lam mo na baka ma-outshine ko sila hahaha.

Pero hindi, I really dream of a life in the blogsphere.
Totoo yan.

eto talaga:
there are many pictures in my phone
and so may natutunan ako as i browse some of them
those pictures that were taken months or years ago...
share ko lang :)

Learn to LISTEN.
Sometimes we talk too much that we forgot how to listen.

Learn to SHARE.
Sometimes we ask too much, and when we were given what we asked, we forgot to share.

Learn to OBSERVE.
Sometimes we judge people immediately without observing them deeply.

Learn to extend a HELPING HAND.
Di naman sa lahat ng oras ang pagtulong ay sa pamamagitan lang ng mga materyal na bagay.

at ang lesson para sa akin:

Matutong MAGLIGPIT ng gamit. LOL :)

Credits:
Thank you for MYSELF for modeling.
Thank you for my cellphone 3200c. Luma na LOL :)
For donations please do hahaha.

Yun lang, I hope I can have a LIFE sa blogsphere.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...